Pahina 43

2.7K 136 8
                                    

43:

Two days. Dalawang araw. Lumipas nanaman ang mga araw na hindi kami nag-uusap, kahit man lamang patungkol sa gagawin naming sayaw sa PE. Sa isip ko ay ilang beses ko na siyang nilapitan at ilang beses na akong humingi ng pasensya sa kaniya pero sa tunay na buhay ay wala talagang nangyayari.

Kung tutuusin ay dapat wala na akong paki-alam sa kaniya dahil parang hindi ko nanaman siya kaibigan ngayon pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. I already care about him since day one, and I could not just pretend not to care. I am not like him, I am not a great pretender.

"Hoy!" Nagulat na lamang ako nang bahagya noong lumitaw si Rence sa harapan ko.

"Ano?" Asar na sambit ko at saka siya sinimangutan.

"Tawag ka ni Yana." Nakangiting sabi niya kaya't napalingon ako kay Yana. Sumenyas siya sa akin na lapitan siya, at nakita ko si Claire na patungo din kay Yana kaya naman tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit ako doon.

Break time naman kaya, hindi ako nagalinlangan lumapit doon.

"Bakit?" Tanong ko pagkaupong pagkaupo ko.

"Binigay sa akin ni ma'am, huwag kayong maingay ha?" She said. Tapos ay ipinakita niya sa amin ang panibagong arrangement sa kung saan kami uupo. Matatapos na kasi ang second quarter kaya ganoon at saka matagal nang gustong balakin ni ma'am na ayusin ang magkakatabi dahil palagi daw maingay sa klase.

Para namang naging tahimik ang klaseng ito. Minsan nga ay binabansagan kaming pinakamaingay sa buong grade nine. Kung alam ko lamang, hindi lamang kami ang maiingay. Lahat naman.

Tiningnan namin kung saan kami nakaupo at laking tuwa ko noong nasa iisang grupo kami. "Lakas ko kay ma'am, hindi ba?" Pagmamalaki ni Yana. Natawa naman kami ni Claire.

"Sus, may kapalit iyan, kaya mo napilit si ma'am." Claire said wittily. Nakipag-apir si Yana kay Claire dahil doon dahil tama ang hula nito.

"Sabi niya dapat daw ay hindi tayo maging maingay at kapag nahuli daw niya tayo ay paghihiwahiwalayin tayo agad." Nakanguso niyang sambit. Natawa naman kami ni Claire doon. Talagang hindi kami dapat magpahuli.

"Kailan ang lipatan?" Tanong ko.

"Bukas nang umaga." She answered. Nagtakha ako dahil doon. Hindi pa naman kasi Third Quarter kaya't bakit maglilipatan na? Masyadong maaga para doon. Sa kasunod na linggo pa kasi ang second quarterly exams.

"Agad agad?" Pabirong imik ni Claire.

"Oo. Maikli lamang kasi ang Third Quarter hindi ba? Halos dalawang buwan lamang kaya maglilipatan na daw. Pagkatapos ang ingay na daw kasi talaga ng klase kaya kung hindi magiging epektibo ang mga panibagong ayos ng mga upo natin. Maari daw niyang palitan ulit." Paliwanag niya. Napatango na lamang kami ni Claire dahil doon.

Hinanap din namin kung saan kami mauupo at sa kabila ng kasiyahan ko ay ang biglang pagkabagabag ng aking isipan, dahil sa kabilang dako ko sa bagong upuan ay malapit lamang siya sa akin.

Katabi ko ay si Marvin at katabi ni Marvin sa kabila niya ay si Yana. Nasa una naman ni Marvin si Claire. Ako naman ay nasa isa pang tabi ni Marvin at sa kabilang gilid ko ay ang maliit na daan at matapos iyon ay ang upuan na niya.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Reminiscence: From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon