64:
Nang mag-tanghalian ay hindi gumaan ang pakiramdam ko kaya naman sina Karmela ay dito na malamang kumain sa loob ng school, at sinamahan ako. Hindi rin nila ako tinanong tungkol sa nangyari sa amin ni Yana. Laking pasasalamat ko na lamang dahil doon. Naiintindihan nila ako.
"Bakit ayaw mong umabsent na lamang?" Tanong ni Via sa akin. Marahan kong iniling ang ulo ko dahil konting oras na lamang naman labasan na hindi ko na kailangan lumiban sa klase.
"Kaya pa." I assured them.
Dahil sa pag-aalala nila sa akin, pagkatapos kong kumain ay nagtungo kami sa clinic para kumuha ng gamot ko, para raw hindi na lumalala pa. Syempre para matahimik na sila, kasi baka mamaya dalahin na nila ako sa bahay namin, kaya pumayag na ako. Para sa akin din naman.
Pagkapasok ko roon ay sinalubong kami noong nurse na nag-asikaso sa akin kaninang break. "Oh? Sabi ko sa iyo kanina e, huwag ka na muna pumasok sa klase." Imik nito sa akin, binigyan ko na lamang siya ng mahinang ngiti.
"Kasama mo iyong boyfriend mo?" Natatawang tanong pa nito.
"Ate, hindi ko talaga po boyfriend ang isang iyon." Mahina at natatawang sagot ko. Alam ko naman na alam niya iyon, inaasar lamang talaga niya ako kaya naman hindi ko minasama ang sinabi niya.
"Ayieee. Ate, sino? Sino iyong tinutukoy mong boyfriend?" Pag-uusisa naman ni Phauline.
"Nagtatanong pa kayo kung sino, syempre iyong gumawa ng eksena kanina." Loka loka rin talaga itong si Jessa. Bigla tuloy tumili ng impit sina Karmela.
"Omygad. I am so kilig kilig you know." Conyong pahayag naman ni Karmela.
"Tigilan ninyo nga ako." Iiling iling na sabi ko at saka inabot sa akin iyong gamot at baso ng tubig kaya naman ininom ko na kaagad iyon.
"Pwede bang dito muna kami Ate Nurse? Kahit limang minuto lamang." Nakangiting pagkikipagkasundo ni Via. Napa-isip muna iyong nurse, pero sa huli ay pinayagan niya kami basta huwag ganoon kaingay.
Bata pa kasi iyong school nurse, college student lamang dito sa aming eskuwelahan.
"Kung hindi mo masasamain..." Panimula ni Karmela habang nakaupo sa katabing kama kung saan ako naka-upo at nakasandal ang likod at ulo ko sa headboard ng kama.
"Bakit umiiyak si Yana noong nakipagtalo siya sa iyo?" Nag-iingat si Karmela, para ngang ayaw niyang pag-usapan, kaso mukhang mas lumamang ang pagiging kuryoso niya. "Pero kung ayaw mong sagutin ayos lamang." Tuloy pa nito at saka ngumiti ng malawak. Pakiramdam ko kasi kailangan ko rin ng mapapagsabihan kasi kapag hindi ko pa nasabi ito baka lalong sumama ang pakiramdam ko.
"Sa totoo lamang hindi ko rin alam kung bakit ganoon ang nangyari." Napabuntong hininga ako, samantalang nanatili silang nakikinig. "Hindi ba ang ingay kanina sa Chemistry?" I stated.
"Oo, napagalitan nga rin ako, eh." Natatawang sabi ni Karmela. Isa pa iyang si Karmela kanina, sobrang ingay rin pero parang wala lamang naman sa kaniya, sanay na rin kasing napapagalitan ng guro.
"Napahiya kasi si Yana kasi hindi siya nakasagot, sa akin siya umaasa ng sagot noong pagkakataong iyon. Swerte ko nga at alam ko ang sagot sa itinanong sa akin, pero hindi ko alam iyong kay Yana kasi masama ang pakiramdam ko, wala akong maintinidhan sa klase." Malumanay na kwento ko sa kanila.
"Nagalit siya dahil doon. Kasi umaasa siyang tutulungan ko siya sa tanong. Akala ko magiging maayos din kapag nagpaliwanag ako, ngunit bigla na lamang siyang nagsalita ng masasama sa akin kanina. Nakakasakit ng damdamin sa totoo lang, hindi ko inaasahan na sasabihin niya sa akin ang mga bagay na iyon." Malungkot na pagsasaboses ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Reminiscence: From Me To You
Novela Juvenil[COMPLETED] Reminiscence: From Me To You Tell me a story. Tell me your story. On how you became distant from the people you loved, On how you became invisible in the crowd. With all the scars that you hide and the tears you let no one see, Afraid...