89:
Last day.
Huling araw na ngayon ng pasukan sa ika-siyam na baitang ko—namin. Hindi ko akalain na natapos ko ang taong ito ng maraming kaibigan, at kahit papaano nawawala na ang pagiging takot ko sa tao.
Bukod doon napakaraming mga ala-alang magaganda ang nabuo ko at nasisiguro kong hinding hindi ko makakalimutan ang mga iyon. Isa iyon sa mga pinaka-iingatan kong memorya.
Halos bilang mo na lang kaming mga taong pumasok ngayong Biyernes dito sa paaralan namin. Ewan ko ba, napagkasunduan kasi namin nina Yana kahapon na pupunta pa rin kami at maglilinis.
Nandito sila at pinagmamasdan ko habang nagtatawanan sa pagwawalis. Maging sina Karmela ay nandito rin. Hindi ko ng akalain na papasok din sina Jessa, Via at Phauline dahil sabi nila gusto na nilang lumiban.
Tapos himala rin na nandito pa sina Rence, syempre lalaki sila, kaya hindi naman sila para pumasok pa. Tamad din kasi ang mga kaibigan niya. Pero tingnan mo nga naman, tulong tulong sila ngayon para magbuhat ng upuan at ilagay sa labas para mas mabillis naming malinis ang buong klasrum.
"Oy! Anong iniisip mo? Hindi na talaga pumasok si Papa Chi ano?" Sambit ni Claire sa akin. I chuckled at her, her forehead wrinkled. Napangiti ako dahil doon.
"Hindi ko siya iniisip, kayo ang naiisip ko. Mamimiss ko kayo." Masayang sambit ko. Kaagad akong niyakap ni Claire dahil doon at saka ako inangat. Napatili ako dahil doon. Hindi ko akalain na kaya niya ako.
"Talaga? Hindi mo man lang ako naisip?" Muntik na akong matumba noong bigla akong bitiwan ni Claire dahil sa tinig na iyon. Parang normal na normal na sa puso ko ang magwala kapag nasa paligid siya at parang normal na rin sa sistema ko ang kumalma dahil sa kaniya.
Napalunok ako at napaayos ng pagkakatayo at saka marahang lumingon sa likod ko kung saan ko siya narinig. Nang makaharap ako ay mahinahon at maaliwalas niyang mukha ang bumungad sa akin.
Pakiramdam ko namula ako dahil doon. "Eh?" Iyon lamang ang naimik ko pero ngumiti siya sa akin tapos ay inangat niya ang kamay niya para ipatong sa ulo ko. Nakapatong lamang ang kamay niya at hindi niya ginulo ang buhok ko o hindi niya tinapik tapik.
"Aba, andito ka brotha!" Marv greeted him. He nodded at him, and Marv asked him for help in the chairs so he went to him but when he passed by me he whispered something.
"Later." It was the word that he vocalized.
Tumulong na siya ro'n sa mga lalaki, at ako naman ay inalog ni Claire dahil sa pagkakilig na nararamdaman niya, na hindi ko naman maintindihan kung bakit siya kinikilig o saan galing ang kilig niya. Ang wirdo lang.
Anong nakakakilig sa ginawa ni Singkit? Anong nakakakilig sa ngiti niya? Sa sinabi niya? Parang wala naman. Kasi hindi ko naman yata matandaan na kinilig ako sa kaniya. Maliban na lang sa pagkakataon na parang kakawala ang puso ko sa dibdib ko. Kilig na ba tawag dun? Parang hindi naman.
Senyales lang yata 'yun na buhay ka pa. Trabaho ng puso 'yun e, ang tumibok.
"'Myyyy!" Halos mabingi kami ni Claire noong tawagin kami ni Yana. Tapos agad agad niya kaming hinila papalapit sa bag niya. "Dali dali, tirintasan mo muna kami ni Claire, 'my!" Tuwang tuwang imik nito.
"Ha? Para sa'n?" Tanong ko naman.
"Kasi maglilinis tayo, mainit, kaya please?" Maamong hiling pa nito. Natawa na lang ako at saka ko siya pinaupo sa upuan at kumuha siya ng pang-ipit sa buhok mula sa bag niya.
BINABASA MO ANG
Reminiscence: From Me To You
Genç Kurgu[COMPLETED] Reminiscence: From Me To You Tell me a story. Tell me your story. On how you became distant from the people you loved, On how you became invisible in the crowd. With all the scars that you hide and the tears you let no one see, Afraid...