Pahina 71

2.4K 101 9
                                    

71:

Hindi pa oras para bumalik kami sa loob ng session hall, pero tapos na kaming kumain. Dinala namin iyong mga pinagkainan namin sa may kusina, pagkatapos ay dumiretso kami nina Karmela sa girl's room para kunin ang ilang gamit namin.

"Tooth brush muna tayo, tapos magpahinga, maya maya pa namang 2:00pm ang start ulit 'nung session." Lilibeth told us. I agreed.

Pumunta kami sa kaniya kaniyang gamit at kinuha ang pang-sipilyo, tapos ay dumiretso kami sa banyo. I brushed my teeth, and washed my face. After that I went back to the girl's room. I laid down on the bed, and hugged Wuffy.

I sighed while thinking about what Phauline asked me earlier. True to myself, I am not ready to share everything with the whole class, but to some people, I want to share it, maybe sharing it will make me free, will make me finally happy.

Nag-iisip isip ako ng bagay na iyon nang biglang gumalaw ang kama. Si Karmela na humiga rin sa tabi ko. "Anong inisiip mo?" She queried softly. Parang nanay si Karmela ngayon, ang gaan sa pakiramdam na nandito siya sa tabi ko.

"Hmm. Uncertainties, what ifs, and such." I answered truthfully. Iyon naman kasi talaga.

"Huwag kang masyadong mag-alala. Sabi nga ni Sir kanina hindi ba? Tigilan ang pag-iisip ng negatibong bagay." She stated sweetly. Napabuga ako ng sariling hangin. At saka umupo pero yakap yakap ko pa rin si Wuffy.

"Right." Mahinang saad ko, umupo rin siya sa kama at humarap sa akin.

"Pero seryoso, ang lungkot n'yong dalawa." Malungkot na banggit niya. Dalawa? Napakunot noo ako dahil hindi ako sigurado kung sino ang tinutukoy niya mamaya mali pa ang maisip ko at magkagulo kami sa pagkakaunawa sa bawat isa.

"Si Papa Chi." Napatango ako noong sambitin niya iyon.

"Ah, baka naapektuhan din sa mga sinasabi ni Sir kanina." Tugon ko kay Karmela. Mukhang tinaggap naman niya ang eksplanasyon ko kaya hindi siya nagtanong. Inilihis din niya ang paksa sa nakakalungkot na bagay at nagsimulang magkwento ng mga nakakatuwang pangyayari.

Parang ang bagal ng oras dahil hindi pa oras para bumalik kami at mukhang nababagot na si Karmela at sina Via ngayon dito sa loob, kaya naman nag-aya sila na lumabas muna kami para maglakad lakad dito sa Eco Park.

Sumama na ako dahil wala rin naman akong ginagawa. Noong palabas kami ay saktong sumalubong sa amin sina Rence, DJ at Singkit. "Tatawagin sana namin kayo." Sambit ni Rence.

"Ay talaga? Maglalakad lakad muna kami nakakabagot sa loob." Sabi naman ni Jessa sa kanila. Tapos ay napagkasunduan noong tatlo na sumama sa amin. Kaya naman pumayag sila Karmela, mas marami raw ay mas masaya.

Nag-iingay at nag-kwekwntuhan sila habang naglalakad samantalang ako ay tahimik lamang. Ilang sandali pa ay may sumabay sa akin sa paglalakad, noong lingunin ko iyon ay nakita ko si Singkit.

"Hey." He greeted calmly. "Hey." I answered while smiling a little.

"Anong session mamaya?" He asked. Napa-irap ako ng pabiro. Para namang alam ko ang gagawin namin mamaya, samantalang wala rin naman akong ideya sa mga mangyayari. Pero sigurado na magkakaroon na ng sharing mamaya.

Ilang saglit pa tumigil sina Karmela sa may isang octagon gazebo sa may halos gitna nitong maze sa Eco Park. Umupo sila sa kahoy na upuan doon at sinabing gusto nila sa puwesto na iyon dahil malilong at malamig ang ihip ng hangin.

Umupo rin kami ni Singkit sa tabi nila. "Kilalang kilala n'yo talaga isa't-isa ano?" Nagulat ako nang bahagya sa pagpuna ni Via sa amin. Alam ko na agad na kami ang tinutukoy niya dahil sa amin siya nakatingin.

Reminiscence: From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon