Pahina 31

2.5K 137 6
                                    

31:

I heard him hissed. Pagkatapos ay binilisan ang lakad. Naiwan ako dahil doon. "Saglit!" Tawag ko pa sa kaniya. I called his name and he somewhat stopped walking like for three seconds, then he continued walking again.

Sinundan ko lamang siya at wala na akong paki-alam kung itaboy pa niya ako kapag nakalapit akong muli sa kaniya. At saka hindi naman sobrang nakakagalit iyong sinabi ko kanina, at hindi ko lamang tinanggap ang opinyon niya kaya siya galit. Hindi naman siguro sobrang lalim na dahilan noon hindi ba? Kaya siguradong hindi kami magkakaaway ng matagal.

"Hey." I called when I finally caught up with him.

Hindi pa din niya ako pinansin kaya't natahimik ako. Maayos na ito kaysa itaboy niya ako. Tahimik ako sa tabi niya habang naglalakad kami. Nakarating kami sa klasrum ng truth kung saan sila nag-prapraktis.

Natigilan ako dahil doon. Siguradong nandoon ang mga kabanda niya. Nasa labas palang ng room ang ingay na at saka rinig ko din ang tunog ng mga instrumento. Akala ko ay papasok na siya at wala na talaga siyang paki-alam sa akin pero noong tingnan ko siya ay naka-kunot noo siya sa akin.

Nakapamulsa din siya at saka ako tiningnan. "Tss." Iiling iling na sabi niya sa akin.

"Bakit?" Napaamang ako dahil doon. Naghahamon ba ang isang ito ng away? Napasimangot ako dahil doon. Alam naman nito na hindi ako nakikipagaway sa mga ganitong klaseng bagay.

"Para kang lalaki manamit." Diretsong sambit niya. Nagulat ako ng bahagya dahil doon.

"Anong mayroon doon? Sa gusto kong kumportable lamang ako sa suot ngayon pati buhok ko kanina pinakialaman mo—" Napatigil ako ng kusa sa sinasabi ko noong mapagtanto kong nagiging sobra nanaman ang depensa ko sa aking sarili. Tss.

May opinyon siyang kaniya. Bakit ko ba pinapakialaman iyon? Tsh.

"Bahala—"

"Galit ka ba?" Sambit ko, kasabay ng pagkakasambit niya doon sa sasabihin niyang 'bahala ka' sana.

Hindi niya naituloy ang sinasabi niya dahil siguro tama iyong sinabi ko. Galit nga siya. Halata naman.

"Kung oo?" Tanong niya.

"Dahil lamang doon sa sinabi ko? Tss. Oo na. Pasensya ka na po." Sambit ko. Akala ko kapag nasabi ko iyon ay maayos na kami, kasi naman hindi ako sanay na nanghihingi ng paumanhin kaya naman hindi ko alam kung tama ba iyong pinagsasabi ko.

"It's not even sincere. Go back to your friends." Now he sounded even more mad.

"Aish." Kamot ulong sambit ko. "Sorry na." Iwas tingin na salita ko. Alam ko naman ang kamalian ko at aminado ako doon. And my sorry did not sound sincere yes, but it's genuine deep inside. I just could not show it properly, I guess?

"Oh, really?" Sarcastic Chinky Eyes is now my number one enemy aside from Math. Naiinis ako dahil sa ganitong ugali niya. Pero may kasalanan ako kaya, hahayaan ko na muna ang inis ko.

"Really." I said with conviction.

"I don't think so... I still have to practice." Kibit balikat na wika niya sa malamig na tinig. Agh. Hindi ako sanay na ganito siya. Ang babaw ng ikinatatampo niya. Tsk. Pero kahit papaano ay naiintindihan ko siya.

"Wait. Sorry na po kasi. What can I do to make you believe that I'm sincere?" Mahinang tanong ko. Hindi ko sigurado kung narinig niya iyon ng maayos dahil sa lakas ng ingay sa loob nitong silid na nasa harapan namin.

"Sing." Napanganga yata ako sa sinabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon. At aalis na lamang sana ako dahil doon. Akala naman niya ay kakanta ako dahil sinabi lamang niya? Tsk. Pati iyong boses ko, hindi maganda. Tss. Papahiya ko lamang ang sarili ko.

Reminiscence: From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon