Pahina 84

2.1K 103 5
                                    

84:

Saglit akong napakunot noo nang sabihin niyang hindi pa iyon ang pinakamalala. Bakit? May mas lalala pa ba sa nangyari iyon? Magulo na ang pamilyang mahal na mahal niya, at wasak na ito... pero may mas matindi pa?

Just... how... how was he still going forward?

No... was he even going forward?

Napatingin ako sa kaniya pinagmamasdang mabuti ang kaniyang mga matang napakamakapangyarihan dahil tila kinakausap na naman ako niyon. Kinilabutan ako nang husto noong pumatak ang mga luha niya mula roon.

No...

He was stuck. And I think he is still stuck in that room of darkness.

"I was blind... and deaf, that I never really know what truly happened." Mahinang sambit niya habang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha sa kaniyang mga mata.

Hinayaan ko lamang siyang magpatuloy at hindi ako nagsalita, nanatili akong nakikinig.

"After my Mom left, I was left alone in that house, my Dad's rarely home. Hindi ko na lang pinansin. Buwan na kai ang lumipas na wala na talaga siyang paki-alam sa akin, iyong tipong parang ayaw na niya ako tingnan. Kaya nga nasanay na ako na wala na talaga iyong pamilya ko."

Ang tono ng boses niya ay mababa at saka napabuntong hininga siya bago magpatuloy. Hindi ko alam pero bumigat nang husto ang atmospera na nakapaligid sa aming dalawa. Tila ba ayaw na niyang alalahanin pa ang mga susunod na tagpo.

"It was early December, everybody were excited for Christmas. Pati nga si Kirsten eh, 'yun ang bukang bibig sa akin kapag nasa eskuwelahan kami. Sa totoo lang, wala akong gana para sa Pasko nang pagkakataong iyon. Sino ba naman kasi makakasama ko pagse-celebrate?" He questioned painfully.

So that's the reason why he didn't like Christmas, and why he had those sad eyes last Christmas Party? I wasn't sure but it seemed like it.

"My rebellion continued, but because they didn't seem to care at all, of course, it lessened. Hindi ganun kalala gaya nang dati, hindi na rin sobra sobra gaya ng dati. I was only breathing, I didn't even know how to really live back then." Pagsasabi niya ng katotohanan.

"Hanggang sa dumating sa punto na lasing na naman akong inuwi ni Kirsten sa bahay, sa kamalasmalasang pwedeng mangyari, nandoon pa si Dad, kaya naman ang resulta syempre, sigawan na naman." Iiling iling na kwento niya sa akin.

"I could tolerate alcohol more than before because I often get drunk. I was a sober when we started arguing again."

"Nakakabingi sa totoo lang, nakakasawa na rin kasing makipagtalo sa kaniya, kasi hindi naman niya maibabalik si Mommy, hindi naman niya magagawang maayos iyong pamilya namin gaya ng dati. It was too late for all of us, so what's the use?" Malungkot na saad niya, halata mong nawalan na talaga siya ng pag-asa.

"Umalis ako noon sa bahay, at syempre si Kirsten ang naging takbuhan ko. Gladly, without any question, Tita Kris accepted me in her home. I didn't know there was a reason about that, but for me I was lucky enough in that moment." Mahinang sambit niya.

"Dumaan ang mga araw walang nagbago. Umuwi na ako sa amin syempre, pero wala pa rin si Dad doon, sirang sira na 'yung pamilyang iningatan ko sa totoo lang. Wala na 'yung dating masaya at buong samahan namin."

"Minsan nandoon lamang ako sa painting room. Nakatulala, hindi ko malaman kung paano gagamitin ang paintbrush at kung paano sisimulan ang pagpinta. It was as if, when I abandoned painting, everything became... new. Parang hindi na ako marunong, parang wala na akong lakas na hawakan muli ang brush, parang wala na iyong mga imahe na dati kong pinipinta. I was lost..." Nahihirapang saad niya. Ramdam na ramdam ko ang sakit na dinadala niya sa kaniyang puso.

Reminiscence: From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon