74:
I usually love silence... it gives me peace, it gives me something noise can never do. Kapag kasi tahimik, nawawala lahat ng alalahanin ko, minsan kung saan saan na lamang napapadpad ang imahinasyon ko.
It's always been my sanctuary, my little space where no one would dare to hurt me, or where I can ignore people to the fullest. Silence is something I value, and something I always want.
But...
Right now, I think... silence became powerfully intense, that if you make one move that will create a noise, it will be the end.
I looked at the people in our small circle. There goes Yana, Claire, Karmela, Marv, Rence, Chinky Eyes and I. A perfect combination because they are my good friends, but an intimidating circle right now.
Lahat ng ibang grupo ay nagtatawanan o kaya seryosong nag-uusap usap. Ang grupo lamang namin ang kakaiba. Wala kasing nagsasalita at walang nagtatangka. The combination of my sadness, and his emotionless stares, made our group like this.
My once home becomes a lost city.
Kapag titingin siya sa akin para siyang galit. At natatakot ako sa ganoong ekspresyon niya. Para kasing isang maling salita mo lamang sa kaniya, hinding hindi ka na niya papansinin pa.
At ang malala hindi na niya kinakausap si Rence. I did not know what happened but after the break, they are apart. Kung dati akala mo kambal ngayon akala mo hindi magkakilala. Hindi ko ng maintindihan kung bakit ganun ang biglang nangyari.
Nasa mga bilog na kami para sa sharing ngayon. Nakaupo kaming lahat sa sahig at nakaikot, pagkatapos ay may tigigisa kaming kandila sa harapan namin. Ni hindi nga namin magalaw man lamang iyong kandilang nasa maliit na babasaging baso.
Tapos na kasi ang break namin kanina at nakapantulog na kami ngayon. Yakap yakap ko na rin si Wuffy ngayon, buti na nga lamang at pinayagan ako.
Lumingon ako kay Karmela, nakita ko siyang nakatitig lamang sa kandila at malalim ang iniisip. Akala ko siya ang magpapasaya sa amin ngayon para walang ganitong seryosong sinaryo pero mali ako.
She has her own problems too. The things she stated earlier were serious. Hindi katulad noong nakasanayan ko. Ganoon siguro talaga... iyong inaakala mong napakamasiyahin ay may tinatago pala talagang totoong lungkot.
Ang makukulit na sina Yana, Claire, Marv at Rence ay nakakapanibago ang pagiging tahimik. Siguro nadadala sa inaasal ni Singkit ngayon. Napatingin tuloy ako sa kaniya. He's still holding my book, no... more of tightly clenching it between his palms.
"Start the sharing so you'll be able to sleep early!" Napayakap ako nang mahigpit kay Wuffy noong bigla na lamang sumigaw si Sir Juls mula sa labas nitong session hall. Napalingon ako at nasa may pinto siya. Hinayaan kasi niya na kami kami lamang sa loob.
"Ahem." Nag-aalinlangang simula ni Marv. Mabuti na lamang at ginawa niya iyon kasi hindi talaga kami uusad kung walang magsisimula. Marv started to tell us which is the lie and the truths.
It was obvious actually, the truths are: he is a person who loves to joke around and he is someone who will do everything for his family, and the lie is that he is a problematic child.
"Hindi ako problema 'no!" He stated laughingly. The atmosphere calmed down because of his light aura. Thank God, Marv is in our group. Kung wala siya, baka hanggang ngayon nagtitigan pa rin kami.
"Mahal na mahal ako ng parents ko, paborito nila ako, pero napalitan na kasi 'yong bunso namin sobrang cute, minsan ang sarap lamasin ng pisngi ang taba kasi." Masayang kwento pa nito.
BINABASA MO ANG
Reminiscence: From Me To You
Dla nastolatków[COMPLETED] Reminiscence: From Me To You Tell me a story. Tell me your story. On how you became distant from the people you loved, On how you became invisible in the crowd. With all the scars that you hide and the tears you let no one see, Afraid...