75:
Kumalma na si Rence, nagpatuloy rin siyang magbahagi at kahit papaano ay maayos na naging takbo ng pagsasalita. Malungkot pa rin at galit pero hindi na katulad noong kanina. Mabuti na lamang kasi napapatingin na ang ilan sa grupo namin.
Lalo kasing nag-iyakan sina Karmela, Yana at Claire.
Nasasaktan ako pero malay ko ba, hindi pumapatak ang luha ko sa mga mata. Hindi naman siguro basehan ang luha para maipakita na nasasaktan ka hindi ba? Minsan nga mas masakit pa ang ipinaparating ng ngiti kaysa tubig mula sa mga mata.
Tumahimik muna kami ng ilang minuto. Siguro tatlong minuto kaming walang kibuan muli. Hindi ko alam kung sino na ang dapat sumunod na magsalita. Ako na, hindi ba? Kasi hindi naman o wala naman yatang balak magsalita o magbahagi iyong isa.
I could still feel his intense aura.
"Who's next?" Marv asked. Nag-iingat siya dahil iba ang tensyon na nakapaligid sa amin ngayon. Mas mabigat, mas nakakatakot. Maging ang ibang mga grupo ay mukhang hindi makatingin sa amin dahil ramdam din nila ang tensyon na namumuo mula rito.
"Ikaw na muna... 'my?" Claire queried carefully. Tumungin siya sa akin habang namumula ang mga mata. Napalunok ako. Should I? Walang lumabas na salita sa bibig ko. Mukhang nag-alilangan na rin si Claire.
"Alin ba ang totoo sa sinabi mo kanina?" Karmela questioned curiously. Napatingin ako sa kaniya, hindi ko masabi ang mga salitang gusto kong sabihin. Ano bang mayroon sa akin? Bakit natatakot ako ngayon? Hindi ba at nagdesisyon na ako kakayanin kong magbahagi sa kanila?
Bakit hanggang ngayon, iyong takot ko hindi mabura bura? Gusto ko naman... sinusubukan ko naman. Malapit naman sila sa akin, kaibigan ko naman sila, pero bakit ganito?
"Alam ko na!" Marv raised his hand enthusiastically. "'Yung kasinungalingan mo ay iyong naging bagsak ang grade mo. Imposible!" Siguradong-siguradong sambit niya. Napatungo ako. Did they really think that's the case?
Nanatili akong tahimik. Napatikhim din si Marv dahil ramdam niya na aasar si Singkit sa pagiging masaya at kalmado niya ngayon. Hindi ko alam kung ba't ang iritable ng lalaking iyon ngayon. He's making me feel uncomfortable. Nakakadagdag siya sa takot na nararamdaman ko ngayon.
"Kaya mong mag-share?" Nag-aalalang tanong ni Karmela. Nakikita niya siguro na nagdadalawang isip na ako ngayon. Alam ko naman na hindi nila ako pipilitin, pero may parte sa akin, na kailangan kong gawin ito dahil parte ito ng YE at gusto ko na ring sabihin.
"Hmm..." Mahinang imik ko at saka tumango. I cleared my throat and tried to speak.
"The lie is that I don't like to trust people." The silent shock was written on their faces. They never expected that I do trust people, why? I am always alone, I don't care all sometimes. I am just there, and it meant nothing, it was simply that I am there, no other meanings.
"I do trust people, if not, why would I even bother being your friend?" Mahina at nagpapaintinding sambit ko sa kanila. They listened, which made me feel lighter. I am glad that they are listening instead of questioning. Their eyes are believing what I am saying and that's so admirable.
"I hope people would stop hurting each other, because it is just so unfair... why do people hurt others, and others can't hurt people?" Napatungo ako. Kasalanan bang maging mabait? Kasalanan bang magtiwala?
"So you were really bullied?" Marv asked unbelievably. "Don't get me wrong. Hindi kasi halata, kasi nga ang daming takot sa 'yo ang akala ko, syempre hindi ka nila magagawang lapitan man lang." He continued. I nodded to his comment.
BINABASA MO ANG
Reminiscence: From Me To You
Teen Fiction[COMPLETED] Reminiscence: From Me To You Tell me a story. Tell me your story. On how you became distant from the people you loved, On how you became invisible in the crowd. With all the scars that you hide and the tears you let no one see, Afraid...