12:
Homeroom class
Pumipila kami nang maayos dahil homeroom class namin ngayong Friday ng umaga, halos dalawang oras kasi ang klaseng ito, at ang sabi ng aming guro ay manunuod daw kami ng isang palabas sa audio-visual room, kaya't pumipila kami ngayon.
Hindi kami pumila base sa tangkad namin, kaya't katabi ko ngayon si Alyana at Claire. Nag-uusap usap kami ng pabulong. Hindi namin alam kung anong palabas ang ipapanuod sa amin, pero mas gusto namin ito kaysa naman sa kung anong seat-work ang ibigay sa amin.
"Maayos ang pila, huwag maingay." Paalala pa noong presidente namin at saka nagsimulang umabante ang dalawang linya namin.
Bumababa kami sa unang palapag hanggang sa nadaanan namin ang iba't-ibang silid sa baba na may ginagawang mga aktibidad. Medyo may ingay sa linya namin lalo na sa mga lalaking nag-kukulitan, subalit hindi naman iyon ganoon kalakas.
Lumiko pa kami sa isang daanan at saka kami nakarating sa audio-visual room. Umakyat kami sa ikalawang palapag noon dahil doon nakalaan ang aming klase.
Noong nandoon na kami agad kaming humanap ng upuan kung saan makakapanuod kami ng ayos. Katabi ko sa isang tabi si Yana, at nasa isang tabi ni Yana si Claire. Bale, pinag-gigitnaan naming dalawa ni Claire si Yana.
Medyo umiingay na din sa klase kaya't sinuway kami ng aming guro. Ang gulo kasi noong mga lalaki. Nagbanta pa ang guro namin na paghihiwa-hiwalayin daw kami kapag may nag-ingay pa kaya't kahit papaano ay tumigil sila sa kani-kaniyang pag-uusap.
Wala akong katabi sa isang tabi ko, ngunit maayos na iyon dahil mas nakatutok ang aircon sa akin dahil doon.
Ilang sandali lamang din matapos ang pag-aayos sa projector at papanuodin namin ay nag-simula na ito. May mangilan ngilan pa ding nag-iingay habang inililibot ko ang paningin ko sa buong klase, ngunit naglaho iyon noong magsimula na talaga iyong palabas.
Tutok ang aking mga mata sa aming pinapanuod. Ni hindi ko na nga napapansin sina Alyana at Claire kapag kinukuhit ako o hindi naman kaya'y kapag nag-uusap sila. Masyado kasi akong tutok sa pinapanuod ko.
Halos nasa kalagitnaan na noong palabas noong maramdaman ko na nawala iyong hangin ng aircon sa akin, at may naramdaman pa akong presensya na tumabi doon sa bakanteng upuan sa gilid ko.
Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil sa panunuod ko. Dahil nasa palabas ang buong atensyon ko, hindi ko maiwasan maramdaman ang mga emosyon na hatid noon.
Lalong lalo na sa parte kung saan may naganap na lindol sa isang bansa, at halos matabunan iyong mga karakter na nakapagpangiti sa akin kanina. Dahil sa senaryong iyon ay nakaramdam ako ng pananakit ng aking lalamunan.
Kumurap kurap pa ako noon para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Hindi ko kasi talaga alam kung bakit ganito ako sa mga palabas na mayroong senaryong lindol, naiiyak na lamang ako ng kusa.
Imbis na kilabutan at matakot sa mga ganoong kalamidad, mas naiiyak pa ako doon.
Halos manikip ang dibdib ko na tila may nakabara doon noong may babaeng buntis ang nag-aalalang tumatawag doon sa asawa niyang nasa lugar kung saan naganap ang lindol. Bawat patak ng luha niya ay nakakadala.
Puro hinagpis, takot at unti-unting pagkamatay ng ilang karakter ang mga nangyayari, at sa bawat pag-ulit ng lindol ay ang halos pagpipigil kong tumulo ang aking luha.
Argh. I hate this weird thing of mine. Hindi nga ako umiiyak kapag may namamatay sa mga karakter, talagang iyong lindol mismo ang naglalabas ng damdamin ko. Kainis.
Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa tubig sa mata ko, kaya naman agad kong pinunasan ng pasimple iyon. Sinigurado ko pang hindi iyon mapapansin ni Yana at Claire, baka kasi lokohin ako.
BINABASA MO ANG
Reminiscence: From Me To You
Teen Fiction[COMPLETED] Reminiscence: From Me To You Tell me a story. Tell me your story. On how you became distant from the people you loved, On how you became invisible in the crowd. With all the scars that you hide and the tears you let no one see, Afraid...