Pahina 40

2.5K 116 5
                                    

40:

Noong makabalik ako sa silid namin ay marami nang tao doon at nakapalibot sila kay Yana. Nandoon na din si Claire at agad umiwas iyong ibang nakikiusisa at hinayaan akong makalapit kay Yana. Sinabi sa akin ni Claire ang ilang bagay tungkol sa nangyari sa kanila kahapon, at lahat iyon ay na banggit na din naman sa akin ni Yana.

Matapos magsalita ni Claire ay tiningnan ako ni Yana ng nagtatanong na tila gustong ipahiwatig ay kung saan ako pumunta. Hindi ko siya sinagot at hindi niya isinatinig ang kaniyang gustong sabihin o itanong dahil matigas na ekspresyon sa aking mukha. May parte siguro sa kaniya na nakuha na pinuntahan ko iyong isa.

Tahimik ako doon habang hinahagod ang likod ni Yana. Samantalang ang mga nakapalibot sa amin ay talagang napakamausisa at todo ang simpatya nila kay Yana.

Naguguluhan ako ngayon. This thing is so frustrating. Nakakaramdam ako ng matinding pagsisisi sa mga sinabi ko kanina kay singkit. Parang gusto kong bumalik doon at bawiin ang lahat ng binitiwan kong kataga. Sa lahat ng ayaw ko iyon ay ang panghuhusga na lamang ng walang sapat na basehan. Pero ako mismo ang gumawa ng pinaka-aayawan ko. Nakaramdam ako ng galit at inis sa aking sarili. I just became what I despise the most.

Ang bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon. Hindi ko magawang patahanin si Yana dahil doon. Wala akong masabi ni isang salita sa kaniya. Si Claire lamang ang nagsasalita ngayon at pinapagaan ang loob niya.

Gusto kong pakinggan ang parte ng istorya noong isa. Paano pala kung hiwalay na talaga sila noong "girlfriend" kuno? Paano kung talagang masyado lamang ipinagpipilitan noong babae ang sarili niya kay singkit? Ang gulo. Sobrang gulo. At ang malala mukhang dumagdag ako sa gulong iyon dahil sa ginawa ko kanina.

Nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko. Hinayaan ko ang sarili kong magalit ng husto kaya't nagawa ko iyon. Wari ko'y gusto kong sampalin ang sarili ko nang ilang beses dahil sa katangahang pinairal ko.

I did not think enough before acting and the result is just a mess. I sighed heavily because of my thoughts. It's frustrating.

"Tahan na, Yana. Kasalanan noong isa kasi umasa siya." Sambit noong isa.

"Tama, Yana. Ang sama pati niya. Gawin ka ba daw namang ahas? Ang mga ganyang lalaki dapat pinupuksa." Napatingin ako sa nagsalita noon dahil sa mga sinabi niya.

"Hayaan mo na. Huwag ka nang umiyak. Hindi siya worthy sa pag-iyak mo." Simpatya pa noong iba.

Napatiim bagang ako dahil doon. Anong karapatan nilang isisi doon sa isa ang lahat? Dahil lamang kinakampihan nila si Yana? Grabe sila magsalita at manghusga. Oo nga't ginawa ko iyon kanina, pero may pagsisisi naman ako. Sila? Ni katiting na pag-aalinlangan ay wala.

Muntik na akong mawala sa kontrol muli. Gustong gusto kong ipagtanggol iyong isa ngayon. Kahit hipokrita na ang dating ko, dahil ang unang una kong ginawa kanina ay ang sumbatan siya imbis na pakinggan.

Subalit nanatili akong tahimik ngayon dahil mas lalo ko lamang pakukumplikaduhin ang lahat kapag nagsalita pa ako. Masyado akong naiipit sa kanilang dalawa ngayon. Ayaw kong pumili ng kakampihan sa kanila, pero sa ikinilos ko kanina ang labas ay kampi ako kay Yana. Napapikit ako ng madiin dahil doon. It's all tangled.

Dumadami na ang estudyante sa klasrum. Halos lahat ay nakikisimpatya kay Yana. Mas lalo ding lumalakas ang ulan, kaya't nag-simula na akong mag-alala para doon sa isa. Wala siyang payong, paano kung magpaulan iyon dahil sa sakit na nararamdaman? Idagdag mo pa iyong ginawa ko kanina? Isang buntong hininga nanaman ang pinakawalan ko dahil doon.

"Hush, Yana." Mahinang pagsasalita ko.

"'My... Kasi naman..." Hinihingal na sambit niya.

Hinawakan ko ang isang kamay niya. Ang isa ay hinawakan naman ni Claire. "Huwag ka nang umiyak." Mahinahong banggit ko. Sumigundo din agad si Claire sa sinabi ko.

"Pero kasi... baka mawala na iyong friendship namin." Nahihirapang imik niya.

"That's the consequence, Yana." Diretsang sambit ko. "Hindi mo sineryoso ang babala ko sa iyo. Pero kung gusto mong maayos ang lahat, makipag-usap ka sa kaniya. Tandaan mo. Makinig ka na sa sinabi ko." Tumango siya sa mga idinugtong kong salita.

Ilang sandali lamang din ay napansin kong pumasok na iyong isa loob. Lalong tumindi ang mga bulong dahil doon. I'm starting to get pissed because of it. Hindi na nakakatuwa ang nangyayari. Parang ikinakalat nila ang apoy na napakaliit lamang kaya't lumalaki ito.

Patuloy sila sa pang-aalo kay Yana at sa pagkampi sa kaniya. Sinabi ni Claire na bumalik na sila sa kani kaniya nilang upuan subalit hindi sila nakinig. Mas gusto nilang maki usyoso at mas gusto nilang makichismis. Doon naman kasi sila magaling ang paki alaman ang buhay na hindi naman kanila.

Ayaw kong dagdagan ang pagsisisi ko sa isang bagay. Nanatili akong tahimik. Paminsan minsan ay sumusulyap ako sa kung saan siya nakaupo at doon ko nakikita kung paanong siya nagtitimpi. Nakayukom ang kamao niya at nakatitig lamang siya sa kaniyang lamesa habang kausap noong isang lalaking kaibigan niya. Pakiramdam ko ay hindi naman talaga siya nakikinig doon sa sinasabi noong kaibigan niya dahil patango tango lamang siya.

The dark expression on his face made me feel uncomfortable for different reasons. Dati kasi noong magkasabay kaming pauwi ay may nakwento siya. Na kapag daw nagagalit talaga siya ng todo at napipikon ay nakakasira siya ng gamit. Sa totoo lang, hindi ako natakot sa sinabi niyang iyon. My grandfather's habits when he's mad is even scarier. Nanghahabol ng itak ang lolo ko kapag galit, pero mabait siya sa aming mga apo niya. Lalong lalo na at ako ang unang apo, kaya't pagdating sa mga lolo at lola ay sadyang spoiled ako, maliban na lamang sa lola ko sa mother's side.

Pero sa nakikita ko ngayon, mukhang masasaksihan ko ang pagbubunton niya ng sama ng loob sa mga gamit. The way he gritted his teeth and the way he clenched his fists. Hindi ako takot sa maari niyang gawin, pero takot ako sa maari niyang sabihin.

Ang tibok ng puso ko ay bumibigat kada lipas ng segundo. I am mad at myself for shouting at him earlier. Gusto kong humingi ng paumanhin ngunit hindi ko magawa.

Kung ano anong sinasabi noong mga nakapalibot sa amin kay Yana. Pagsasabihan ko na sana sila dahil naiinis na talaga ako sa mga bukang bibig nila subalit isang malakas na pagbalibag ng isang bagay ang nagpatahimik kanila.

Agad siyang hinanap ng mga mata ko. Doon ay nakita ko ang kamao niyang nakadikit sa kabinet sa likod ng silid. Parang nagkaroon din iyon ng warak at doon ko natukoy na sinuntok niya iyon. Maraming nagulat kaya't napabalik sila sa kani-kanilang upuan. Samantalang ako ay natigilan sa kinauupuan ko.

Napalunok din ako ng palihim dahil doon. Si Yana ay natigil sa pagiyak at si Claire ay natigil sa pagsasalita.

"I'm not deaf." He muttered angrily. Nanlamig yata ang buong katawan ko dahil doon. Pagkatapos ay lumabas ila noong kaibigan niyang lalaki sa silid.

Subalit bago pa siya makalabas ay humabol pa siya ng tingin kay Yana at bumagsak din ang paningin niya sa akin. Doon yata tumigil ang oras panandalian sa akin. Ang mga titig niya... ibang iba.

It's like... He's looking at me like I am the worst stranger his eyes ever laid on... And it feels like I really did not know him at all.

***

Reminiscence: From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon