81:
Nanatili ang katahimikan sa amin. Walang nagsasalita, maayos lamang naman sa akin, kasi hindi ko naman siya pipilitin kung hindi pa talaga siya handa. Alam ko ang pakiramdam na iyon, iyong punong puno ka nang pag-aalinlangan.
Nakatingin lamang kaming dalawa sa langit kung saan naroroon ang mga bituin na kumikinang. Hindi ko maiwasan mapangiti. Ang ganda ganda kasi nitong pagmasdan. Simpleng kasiyahan.
If I can collect something... I'll collect the night sky and the stars. It puts my heart at ease, and I feel uncontrollably happy.
It's like the darkness is the emptiness I felt back then, and the stars are my shatter pieces glowing in the sky.
Habang nakatitig ako sa langit ay bigla na lamang may umupo sa gitna namin ni Singkit, may espasyo kasi roon. Halos sabay kaming napalingon sa umupo sa tabi namin.
"Hindi pa kayo natutulog ha?" Tanong ng isang babae. Hindi namin kilala. Hindi naman multo hindi ba? Hindi, sigurado ako. Mukhang naramdaman niya ang pagtatakha namin kaya nagsalita itong muli.
"Hi! Ako si Jade. Nagbabantay ako rito sa Eco Park." Nakangiting pakilala nito. Ah, kolehiyo pala siya na rito sa Eco Park namamalagi. Siya iyong nakita ko kanina na tumutulong sa mga nagluluto para sa amin.
"Bakit hindi pa kayo natutulog ha? Nagde-date kayo ano?" Mapaglarong tanong nito. Agad akong napa-iling at napatanggi ng mabilis pa sa alas kwarto. Napayakap pa ako kay Wuffy ng mahigpit para kasing namumula na ako ngayon.
"Hindi po." Magalang na sagot ni Singkit.
"Namamahay po kasi ako kaya hindi ako makatulog, kaya po nandito ako sa labas. Magkaibigan lang po kami." Paliwanag ko naman habang nakatingin kay Ate Jade. She chuckled.
"Biro lang, takot n'yo naman agad sa akin, eh. 'Wag kayong mag-alala basta wala akong gagawing masama rito, okay lang na rito muna kayo." Nakangiting saad nito sa amin.
Napaayos ulit akong ng upo dahil mabait naman pala si Ate Jade akala ko kasi sasawayin niya kami na bawal tumambay rito at kailangan namin bumalik na sa silid. Ayoko pa bumalik, natutuwa pa akong pagmasdan ang langit.
"Kwentuhan n'yo ko o kaya ano bang magandang pag-usapan? Hindi pa rin ako inaantok, saka babantayan ko kayong mga babae mamaya sa kwarto n'yo." Magaang sambit nito sa amin.
"Wala naman po kaming ikwekwento." Natatawang sagot ni Singkit.
"Ang daya n'yo naman." Ate Jade told us. We giggled. Ang gaan sa pakiramdam ng pakikipag-usap at pakikihalubilo niya.
"Narinig kita kanina!" She suddenly exclaimed at me. Halos mapatalon ako sa pagkakaupo ko dahil sa bigla niyang baling sa akin, at pumalakpak pa ng isa. Nakakagulat naman siya.
"Ah?" Nag-aalinlangang sagot ko.
"Kanina!" Ulit niya. "Parang kumakanta ka eh, nag-hum ka. Parinig naman ng mismong kanta." Pauli uli nga pala siya kanina at sinasaway iyong ibang lalaki na pilyo sa may pond, tapos narinig pala niya ako.
"Nakakahiya po." Mahinang sambit ko.
"Ano ka ba! Walang hiya hiya, dali na, sige papasukin ko na kayo sa loob." Nagbibirong banggit pa niya. I heard him chuckled because of that and he looked at me like he don't want to go back yet so he wanted me to sing.
I heaved a sigh. I looked at the stars in the sky. Then I heard him started to sing the song I was humming earlier. Wait, what? Tss. Nagtatanong pa kanina alam naman pala niya. Tsk.
"I don't know you, but I want you." Natigilan ako. Mukhang ganun din si Ate Jade. Grabe... sobrang nakakamangha ang boses niya, sobrang bagay na bagay, ang lalim, ang lakas ng dating, ang lamig. His voice... it's just so... breathtaking.
BINABASA MO ANG
Reminiscence: From Me To You
Teen Fiction[COMPLETED] Reminiscence: From Me To You Tell me a story. Tell me your story. On how you became distant from the people you loved, On how you became invisible in the crowd. With all the scars that you hide and the tears you let no one see, Afraid...