Pahina 19

2.7K 149 18
                                    

19:

Mabuti na lamang at nakarating pa ako nang buhay sa inasal. Nagbayad na ako noong pamasahe at saka ibinigay ko na din iyong cellphone ni singkit sa kaniya. Agad niyang kinalikot iyon at napansin ko ang pagkunot ng noo niya at saka ang tila pagdidilim ng mukha.

Nagtakha ako sa bigla niyang inasta ngunit binalewala ko na lamang. Dumiretso ako kayna Yana na nakalalabas lang mula sa loob ng tricycle. Pumasok kaming tatlo sa loob at agad na guminhawa ang pakiramdam ko dahil malamig doon. Masyado kasing mainit kanina.

Naghanap kami ng puwedeng upuan sa unang palapag ngunit wala kaming napansin na magandang puwesto na bakante, kaya't nagsuwestiyon si Yana na sa itaas na lamang daw kami, agad kaming sumang-ayon.

May nakuha kaagad kaming pusisyon pagkarating namin doon. Umupo ako sa tabi ni Claire, at si Yana naman sa tapat ni Claire, kaya ayun ang katapat ko ay si singkit na patuloy pa din sa pagtipa sa telepono niya.

"Anong sa inyo?" Ako na ang nagtanong dahil paniguradong ako ang oorder. Tamad kasi nitong dalawa. Agad sinabi ni Yana iyong kaniya at ganoon din si Claire. Bahagya ko pang kinuhit si Claire para samahan niya ako.

Nagsabi na din siya ng order niya kaya naman tumayo na ako at hinila ko na si Claire dala dala ang pera. Bumababa kaming dalawa at noong nandoon na kami sa pila ay nagtanong siya kung bakit ko pa siya isinama.

"Malamang, para makapagsolo iyong dalawa." Sambit ko agad.

"Ay oo nga ano. Bakit hindi ko nga ba naisip iyan." Sangayon agad niya at saka ngumiti ng kakaiba. Nako, kung ano ano nanaman ang tumatakbo sa utak nito.

"Grabe kanina, halos sumubsob ako sa harapan noong tricycle dahil doon sa mga lalaki." Iiling iling na pagkwekwento niya.

"Buti ikaw subsob lang, ako muntik nang tumilapon." Natatawang sambit ko naman na ikinatawa niya. Naghisterikal pa ang bruha ng ala-ala at ayon tiningnan ang katawan ko. Muntik pa akong paikut-ikutin.

"Maayos lang ako, okay?" Pagsasabi ko sa kaniya, dahil baka dalhin pa ako nito sa kung saang pagamutan. Ang OA talaga nito minsan kahit nagloloko lang naman.

"Shonga ka din bes, buti buhay ka pa. Paanong muntik ka nang malaglag?" Pag-uusisa niya, pero parang may ibang pahiwatig.

"Kasi nagulat din ako sa biglang pagpreno noong tricycle. Napaurong na nga ako pausod papunta doon sa direksyon noong drayber halos tumilapon din ako." Paliwanag ko sa kaniya at natawa siya pero may iba talaga. Parang may inaantay siyang sabihin ako, subalit pinagsawalang bahala ko na lamang iyon.

Matapos noon ay nasa counter na kami para sabihin iyong order. Mabuti na lamang at mabilis kumilos ang mga tauhan dito. Noong tapos na niyang makuha iyong order namin ay nagbigay siya ng numero at saka ng sukli. Kaya naman umakyat na kami ni Claire.

Pagkadating namin doon napansin namin na seryoso ang usapan ni Yana at singkit, kaya't napakunot noo ako. Lalapit na sana ako pero hinila ako ni Claire at sinabing dahan dahan kaming pumunta doon. Nakatalikod naman sila sa amin kaya naman hindi nila kami napapansin.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Yana.

Tumango lamang siya at saka nag-iwas ng tingin. "Puwede mo namang sabihin sa akin ang problema. Gawa ba namin?" Mahinahong dugtong pa ni Yana na ikinailing niya.

"Don't worry. Hindi kayo." Malalim ang pagkakasabi niya na tila wala talagang balak pag-usapan kung bakit naging ganoon siya bigla. Napansin ko na parang gumalaw iyong kamay ni Yana at mukhang tinapik niya si singkit sa likod.

"Talaga? Ngiti ka na." Malambing na sambit ni Yana. Samantalang kami ni Claire ay wagas ang ngiti sa kinatatayuan na parang bulateng kinikilig. Nagkatinginan pa kami ni Claire at nagtaas ng kilay at saka nag-apir ng marahan na animo'y napakatalino noong plano namin na hayaan silang dalawa na mag-solo muna.

Reminiscence: From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon