24:
Naglakad kami nitong si singkit papunta sa high school field para bumili ng makakain. Nagkwekwento siya sa akin, samantalang ako ay tahimik lamang na nakikinig. He's talking about basketball and the things he wants to do today. Kibit balikat na lamang ako sa mga pinagsasabi niya.
Nakikinig naman ako pero kung titingnan parang hindi talaga ako interesado sa kaniyang winiwika dahil tatango tango lamang ako.
"Hey, are you even listening?" Sinasabi ko na nga ba. Normal na reaksyon na ito sa akin kapag may nagkukuwento at patango tango lamang ako. Akala nila hindi ako nakikinig pero nakikinig naman ako. Ayaw ko lamang sumabat dahil parang nakakabastos. I'm more of a listener than a talker.
And he should be glad that I'm not talkative to him because when I'm like this it means I'm comfortable. Kasi kung hindi ako kumportable sa kaniya malamang kanina ko pa siya iniwan.
"Oo. Kwento ka lang." Monotone na sagot ko. Muntik na niya akong batukan dahil doon, pero nakaiwas ako.
Sa mga lumipas na linggo at araw na nakakasama ko siya syempre ganoon din sina Yana. Nasanay na ako sa kanila. Alam ko na ang mga ginagawa nila at mga karaniwang rekasyon nila.
"Naiwasan mo." Iiling iling na sambit niya.
I smiled at him mockingly. "Oo naman, palagi ka kayang ganiyan. Based on my observations." Parang balewalang imik ko at saka ako lumiko para makatungo na kami sa field. Short cut. Sinundan naman niya ako.
"Ayan ka nanaman. Nagoobserba ka nanaman. Hilig mo din sa ganiyan ano? Ang weird talaga." Tatango tangong salita niya na para bang sang-ayon na sang-ayon ang lahat ng tao sa kanila.
"Tumahimik ka na nga diyan. Ano bang bibilhin mo?" Tanong ko, pag-iiba na din ng usapan.
"Bakit libre mo ako?" Itinaas baba niya ang kilay niya na para bang iyon ang paraan para pumayag ako sa kagustuhan niya. Akala naman niya eepekto. Inirapan ko na lamang siya. Kaya naman napa-ismik siya.
"Street foods." Pagsagot niya sa tanong ko at saka naunang tumungo sa kinalalagyan noong parang cart kung nasaan iyong mga fishball, kikyam, kwek-kwek at iba pa. Sumunod naman agad ako sa kaniya.
Kumuha siya ng lalagyan at nagbayad, pagkatapos ay nag-tusok tusok na siya noong mga gusto niya. Kumuha na din ako ng akin at nagbayad. Sa huli ay naglagay na siya noong sauce. Ganoon din ang aking ginawa.
"Saan ka maggagala ngayon? Hindi mo ba pupuntahan si Yana? Sayang ang mga oras na hindi mo siya napopormahan." Diretsong sambit ko na agad niyang kinatawa. Napakunot noo naman ako doon. Seryoso ako sa sinabi ko, tapos magmumukhang biro sa kaniya? Ang gulo talaga nito.
"Bakit ba pinagpipilitan mo ako kay Yana?" Natigilan ako sa tinugon niya. Wala akong maisip na puwedeng isagot, at saka hindi ko naman siya ipinagpipilitan ah? Kunot noo ko na lamang siyang pinagmasdan habang kumakain siya noong fishball.
"Tara na lang sa basketball court. May laro doon ngayon." Akit niya. Tumango na lamang ako.
"Volleyball si Yana mamaya sama ka panuorin natin?" Dugtong pa niya. Gustuhin ko man ay hindi ako pupuwede mamaya. May practice para sa field demo na gaganapin. Nakakapanghinayang. Sinabi ko iyon sa kaniya at mukhang naintindihan naman niya at hindi na ako pinilit. Hindi kasi siya kasali sa field demo dahil parte siya sa battle of the bands na gaganapin sa huling araw ng college days.
Natahimik siya sa paglalakad papuntang basketball court dahil sa pagkain. Ganoon din naman ako kumakain din kasi ako. Matapos ang ilang sandali ay napatigil ako sa paglalakad noong bigla niyang tusukin iyong isang kwek-kwek sa lalagyan noong pinagkakainan ko.
"Asar nito." Reklamo ko. Hindi nga nagpalibre kinuhanan naman ako. Tsk.
"Ito na iyong libre mo." Nagpakawala na lamang ako ng malalim na hininga dahil hindi naman ako mananalo sa pakikipagtalo sa lokong ito lalo na kung ganoon ang paksa.
Noong matapos ko iyong kinakain ko ay itinapon ko iyong basura sa basuhan at kinuha iyong tubig sa aking bag pagkatapos ay uminom. Hindi din nagtagal nakarating kaming dalawa sa court.
Mukhang kauumpisa pa lamang ng laro at marami-rami na ding nanunuod. Nag-excuse kami para makadaan at maka-upo sa bleachers. Nang makahanap kami ng magandang puwesto ay doon na kami naupo.
Nagkwento siya saglit tungkol sa gagawin niya mamayang hapon habang nanunuod kami noong laro. Pagkatapos ay maya maya ay matatahimik kami dahil sa panunuod.
Noong magsimula na ang kasunod na quarter ay nagkuwento siya tungkol sa basketball. Tumingin ako sa kaniya at nakatitig siya sa nga naglalarong seniors. Maayos naman iyong laro at nananalo na iyong red team.
Noong napansin ko ang mga kamalian sa paglalaro noong black team ay hindi ko sinasadyang imikin iyon sa kaniya. Naobserbahan ko lamang kaya't kahit papaano siguro ay tama iyong nasabi ko. Pero noong lumingon siya ng kunot noo ay para akong nadismaya dahil baka mali na pala iyong pinagsasabi ko.
"You know those things?" Gulat na banggit niya. Kahit nagtatakha ako sa sinabi niya ay napatango na lamang ako.
"Geez. Kanina pa ako kwento nang kwento sa iyo tungkol sa basketball pagkatapos ay alam mo naman pala. Teka paanong alam mo ay hindi naman iyan ang paksa natin sa PE?" Punong puno din talaga ng kuryosidad ang isang ito.
"Isa isa." Natatawang sambit ko. "Una sa lahat, hindi ko sinabi sa iyo kasi kwento ka lang nang kwento, hindi ka naman nagtanong. Ikalawa, kaya nga hinayaan kitang magkwento doon kasi nakukuha ko siya at nakakarelate ako, okay? Ikatlo, alam ko ang ilang bagay tungkol diyan sa basket dahil sa panunuod?" Medyo hindi pa ako sigurado sa huling sagot ko.
Tingnan niya ako na parang nagtatanong. Sapat na iyon para kuwestiyunin niya iyong sagot ko nang hindi nagsasalita. Kaya naman tinungon ko siya. "Kuroko no basuke, slam dunk, ahm, some times NBA... Yeah, napanuod ko lamang doon. Kaya kahit papaano hindi naman ako nganga sa basket." Nakangiting sambit ko.
He was left speechless because of my answer then after a while my ears are filled by his soft laugh. I feel comfortable because of it. And that laugh was enough for me to interpret that again and again, he's amused of how odd I am.
***
BINABASA MO ANG
Reminiscence: From Me To You
Teen Fiction[COMPLETED] Reminiscence: From Me To You Tell me a story. Tell me your story. On how you became distant from the people you loved, On how you became invisible in the crowd. With all the scars that you hide and the tears you let no one see, Afraid...