Pahina 15

3.2K 123 5
                                    

15:

Tahimik kami ngayon sa klase. Tanging maririnig mo lamang ay ang tunog ng ceiling fan at pati na din ang ilang bulungan, subalit napakahina talaga noon, na tila ba wala talagang nag-sasalita.

Nasa unahan ang guro namin at nakaupo sa teacher's table. Binubuklat niya ang kaniyang libro. At ganoon din kami. Hinahanap namin ang pahina kung saan kami huling natapos.

"Okay, Act 1 Scene 5." Imik niya, at agad akong napalingon sa aking mga kaklase at kagaya ng aking inaasahan, lahat sila ay nag-iiwas nang tingin sa aming guro. Ayaw matawag.

Inilibot ng guro ang kaniyang paningin sa klase, samantalang ako ay agad tumingin sa libro ko matapos kong mahagip ang kaunting kilos niya. Nakakakaba kayang matawag.

Ilang sandali pa ay may tinawag na siyang apelyido. At ang ilan sa amin ay tila ba nakahinga agad ng maluwag, subalit hindi iyon natatapos doon. Nagtawag pa ulit siya nang ilang pangalan, at laking pasasalamat ko na lamang noong hindi ako kasali sa mga iyon.

"Woo. Ligtas tayo sa unang batch, kaso natawag si Yana." Mahinang bulong ni Claire sa akin. Maswerte kaming dalawa kasi hindi kami natawag sa mga magbabasa, ang kaso natawag si Yana.

Nagsimula na silang mag-basa. Nauutal pa nga iyong iba. Paano ba naman Romeo and Juliet ang pinapabasa sa amin. Natural may ilang salita na hindi pamilyar sa amin, 'tsaka kakaiba ang construction ng mga pangungusap.

Tsaka halata naman na iyong iba ay walang naiintindihan at basa lamang nang basa.

Pakiramdam ko nga isa na rin ako ro'n.

Noong si Yana na ang magbabasa medyo napalingon kami ni Claire sa kaniya nang kauti. Maayos ang pagbabasa niya, masyado lamang mahina ang boses, kaya naman umimik iyong guro namin ng: louder.

Ginawa iyon ni Yana, ang kaso habang natagal ay unti-unti ulit iyong humihina. Nauutal din siya sa ilang mga salita at natigil kapag nauubusan na ng hininga. Medyo mahaba pa ang kaniyang binabasa dahil ang pinabasa sa kaniya ay iyong parte ni Capulet.

Malay ko ba, panlalaki dapat iyon subalit babae ang pinabasa. Ganoon kasi talaga si Miss English, basta may gusto siyang pagbasahin, pagbabasahin ka niya, lalaki man o babae ang dapat mag-salita.

Natapos iyong pagbabasa ni Yana at iyong kasunod naman ang nagbasa. Tumutok na ulit ako sa libro at sinabayan iyong nagbabasa, minsan nauuna ang mata ko, sanay kasi akong magbasa kaya masyadong mabilis ang paningin ko kaysa doon sa nagbabasa sa klase.

Matapos iyong huling nagbasa ay tumingin ulit si Miss sa klase. Mamimili siya ng bago, dahil tapos na iyong unang napili niya. Agad akong nag-iwas ng tingin. Ang haba ng mga kasunod na sasabihin.

Ito na iyong parte kung saan unang nakita ni Romeo si Juliet. Tahimik akong humiling na sana huwag ako. Hindi ko na nga alam kung naka-ilang ulit ako sa hiling na iyon.

Ang sabi ko pa sa isip ko, huwag sana ako iyong tawagin sa babasahin ni Romeo at Juliet. Nakakautal kasi magbasa ng ganito.

Sana huwag ako. Huwag ako.

Pag-uulit ko sa aking isipan.

Nagsalita na iyong guro, at agad akong napatingin sa tinawag niya. Kitang kita ko kaagad sa mukha niya ang pagkadismaya at pati na din ang tila mabilis na pag-guhit ng pagka-asar sa kaniyang mukha.

Looked like he is reading.

May mga kasunod ulit na tinawag kaya naman tiningnan ko rin sila ng bahagya at mukhang mga kabado rin pero hindi magawang magreklamo.

Romeo and Juliet's story. I don't really like it. Ang bata pa ni Juliet pagkatapos iilang araw pa lang sila magkakilala pero ang daming namatay dahil sa kanila.

Reminiscence: From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon