Pahina 78

2.2K 110 12
                                    

78:

Sa bawat araw na lumilipas, natutunan ko ang salitang mag-tiis. Minsan nga hinihiling ko na sana bumalik na lamang ako sa dati, 'nung hindi pa nila ginagawa iyong pambubully nila sa akin.

Ipinangako ko sa sarili ko noon na magiging anino o hangin na lamang ako, hinding hindi ako magsasalita, hinding hindi ko itutuon ang pansin nila sa akin, para huwag kong makuha ang atensyon nila.

If I could turn back the time, maybe I'd choose to lose who I am earlier so they would not see me. I'd rather be invisible than seen, I'd rather be deaf than hear their spiteful words.

Bakit ba ayaw nila sa akin? Bakit ba ginagawa nila iyon sa akin? Was I really a witch? Was I cursed to experience this pain? Was my existence a sin? Ganun ba talaga? Kung gano'n nga... tatanggapin ko, pero sana magkaron ako ng tahimik na buhay.

I'll live in a quiet and dead place, if it means... they will not hurt me, I will.

"Nagpatuloy sila sa ginagawa nila, hinayaan ko na, kahit masakit kahit mahirap, iyon ikakasaya nila hindi ba? Sana matapos na. Ang tagal ng oras at araw no'n, pakiramdam ko walang katapusan." Kwento ko sa kanila habang pinapahid ang mga luha sa mga mata.

"Matapos nilang sabihin na mandaraya ako, maging mga guro ko iyong iba ang tingin sa akin, mandaraya talaga ako. Bakit? Because I gave them the reason to believe." I told them bitterly.

"My grades back then were high, but after they fed me with the lie that I am a cheater, that I do rituals just to have good grades... my mark suddenly goes downhill." I still remember how painful that experience was.

"Dear bully," I started painfully.

"You won, but aren't you happy?
My grades are falling,
I am believing that...
Yeah, maybe I did cheat,
That maybe, it was true...
I did the rituals so my grades will be high.
Aren't you happy?
It didn't seem like it."

Nanatili silang nakikinig sa akin habang umiiyak. Tiningnan ko sila sa mga mata, nasasaktan sila para sa akin. Naliliwanagan na sila kung bakit naging ganito ako. Kung bakit ko sinabi iyong muntik na akong hindi makapasa sa two truths and a tale.

"Kinuha n'ya... kinuha n'ya 'yung pinaghirapan kong project, para makabawi man lang ako sa grade ko, kasi baka palayasin na ako sa bahay kung hindi pa magiging ayos ang grade ko." Naiiyak na kwento ko.

"Nagmakaawa ako. Sabi ko 'yung iba na lang, ibibigay ko iyong ibang gusto niya, kahit pera pa... kasi sobrang halaga para sa akin 'nung project na 'yun... huling pag-asa ko na 'yun..."

"Pero hindi eh... hindi niya ako pinakinggan kagaya ng lagi niyang ginagawa. Sinira niya sa harap ko iyong project ko, pinunit niya, tinapaktapakan. Gusto kong manlaban ng pagkakataong iyon, pero hawak ako nina Rence, hindi ko magawang makaalis sa pagkakahawak nila."

"Hanggang sa... nanghina na lamang ako..."

"I just cried there silently...
I just watched him... quietly..."

Doon ko napagtanto... mabuti pa siya, kahit anong sama niya, kahit anong sama ng ugali niya, kinakampihan pa rin siya, ako kaya? Kailangan kaya nila makikita ang paghihirap ko habang tahimik na pinagmamasdan kung paano nila sirain ang buhay ko?

"That's when I realized...
I was like that project,
I am something valuable,
But they ruined me,
Until the very last piece,
Until the very last page."

Ang swerte ko kasi, sobrang swerte ko na ako 'yung napagtripan nila, na sa sobrang swerte ko ako 'yung napili nilang sirain, na ako 'yung nakita nila para gawing impiyerno ang buhay.

Reminiscence: From Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon