34:
Patapos na ang huling guro namin sa pagtuturo ngayong araw. Akala ko magkakausap na kami ni Claire subalit hindi pa pala. Gaya ng sinabi ni Yana sa akin kanina ay malaki nga ang tampo sa akin nitong isa. At hindi ko siya magawang kausapin. Hindi ako marunong sa ganitong bagay dahil hindi naman lumalalim ang pakikipagkaibigan ko sa isang tao.
Iyon ngang paghingi ko ng paumanhin sa chinitong iyon ay hindi nagtunog sinsero at halos kung ano ano pa ang sinabi ko. Ito pa kayang mas seryosong usapin sa pag-itan namin ni Claire? Masyadong mabigat na bagay iyon para sa akin, lalong lalo na at ramdam ko na hindi pa ito ang tamang oras para kausapin niya ako, dahil baka mag-sumbatan lamang kami.
Sinabihan ko si Yana na maayos lamang sa akin kung si Claire ang sasabayan niya at hindi ako dahil puwede naman akong sumabay kayna Karmela at pagkatapos ay sabay din kaming umuuwi noong isa.
Noong matapos ang huling leksyon ay agad na umingay sa klase dahil wala nang guro sa unahan. Ang mga ibang lalaki at agad na lumabas sa klasrum upang magtungo sa canteen at ang mga babae naman ay tumungo sa kani-kaniyang grupo.
Natahimik lamang kaming lahat noong pumasok na ang homeroom teacher namin upang magpahayag ng mga inaanunsyo para sa klase bukas. Matapos noon ay agad din kaming sinabihan na maari na kaming umalis maliban sa mga cleaners sa araw na ito.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at saka lumapit kayna Karmela, nagplano silang kumain ng miryenda at ako naman ay tumanggi na lamang dahil uuwi na agad ako, kasabay iyong isa.
Nagpaalam kami sa isa't-isa dahil doon at si singkit naman ay nagpaalam na din kay Yana at umalis na kaming dalawa.
"Hindi pa din kayo bati ni Claire?" He asked. I shook my head and sighed.
"She's still upset." Mahinang imik ko.
"Don't worry. Magkakabati din kayo." Nakangiting banggit niya pagpapagaan ng loob ko. Pero hindi epektibo. Natahimik na lamang ako gaya ng dati at ganoon din siya.
Naglalakad kaming dalawa noong bigla na lamang may bumangga sa akin na isa sa mga ka-batchmate namin. Muntik na akong tumalsik dahil sa lakas ng pagkakabangga sa akin. Parang sinadya. Mabuti na lamang at nahawakan ako noong isa sa braso kaya't hindi ako sumalampak sa sahig.
"Mahaderang ito! Pahara-hara kasi sa daan!" Maarteng sigaw sa akin noong babaeng akala mo'y reyna dito kahit hindi naman. Mga akala mo kung sino.
Hindi ako nagsalita at tinitigan lamang siya na para bang bagot na bagot sa palabas na ginawa niya mismo at sinadya. "Ano? Anong tinitingin-tingin mo?" Taas noong sambit pa niya na akala mo naman ay papatulan ko.
Napairap naman ako doon at saka ako nagkibit balikat at umiwas sa kaniya para makadaan na ng tuluyan. Akala ko makakaalis na ako doon dahil hindi ko talaga kayang tumagal sa mga ganoong drama at mga walang kakwenta kwentang bagay na panggulo lamang. Pero mali ang akala ko agad akong hinarang muli noong babaeng iyon. Pamilyar siya sa mukha, pero sa pangalan? Hindi ko matukoy. Wala naman kasi akong interes sa kaniya kahit kilala pa siya sa buong paaralan.
"At tatalikuran mo ako?" Mayabang na pahayag niya.
"Nilampasan kita, hindi tinalikuran." Malumanay na sambit ko habang nakatingin sa kaniya ng diretso.
Nakita ko kung paanong dumilim ang kaniyang mukha sa pagkaasar sa aking sinabi. Tiningnan niya ako na para bang minamaliit niya ako at isa lamang akong basura na pakalat kalat. If I am a trash, what is she then?
"Tama nga sila, ang arte mo na nga, ang yabang mo pa. Hindi mo ba kilala kung sino ako?" Mapagmalaking imik niya.
"Hindi ko akalain na pagkakainteresan mo ang gaya ko. At saka hindi bale nang maarte at mayabang, huwag lamang malandi." Mahinahong tugon ko at saka ako naglakad muli upang makaalis na talagang tunay doon.
BINABASA MO ANG
Reminiscence: From Me To You
Novela Juvenil[COMPLETED] Reminiscence: From Me To You Tell me a story. Tell me your story. On how you became distant from the people you loved, On how you became invisible in the crowd. With all the scars that you hide and the tears you let no one see, Afraid...