79:
Suicide.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang iyan? Iyan nga ba ang paraan para makawala ka sa mundong walang ginawa kung hindi pahirapan ka? O iyan nga bang salitang iyan ang magdudugtong ng lungkot sa mga mahal mo, dahil lamang gusto mo nang maalis ang lungkot sa sarili mo?
Sadness.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng katangang iyan? Kalungkutan na siyang nararamdaman mo kapag wala ka ng alam na dahilan pa para manatili sa mundo? O iyan nga bang katagang iyan ay iyong sakit na nanatili sa loob ko na siya na mismong naging tahanan ko?
Sabi nila masaya at madali lamang ang buhay kung alam mo kung paano makitungo rito, kung ang pag-iisip mo ay nasa maliwanag na bahagi at hindi ka nawawalan ng pag-asa. Pero paano kung kahit anong pilit ko sa sarili ko, kahit anong gusto kong maging matatag, kahit anong gusto kong takasan ang buhay na nasa kadiliman, ay hindi ko magawa gawa? Masisisi mo ba ako kung bakit ako ganito?
Puro ka kasi salita. Akala mo naman alam na alam mo lahat ng pinagdaanan ko. Akala mo naman iyong simpleng bagay sa paningin mo, napakatipikal din ang dating sa akin. Ni hindi mo na nga narinig ang mga gusto kong sabihin dahil ikaw ang umiimik nang umiimik kaya naman ang mga gusto kong isaboses ay nanatiling walang tunog sa aking kalooban.
Hindi mo ba alam na kada tawa mo, para akong hindi na makahinga sa isang banda? Hindi mo ba alam na kada kutya mo, ay isang daang libo ko nang naisip na mawala na lamang sa mundong ito gaya ng kagustuhan mo? Hindi mo ba alam na ikaw ang maaring maging mitya na puputol sa buhay ko?
Suicide.
Ilang beses mo na na naisip ang bagay na iyan? Isang beses? Dalawang beses? Ako kasi simula nang ipasok mo iyan sa isip ko, araw araw naiisip ko na iyan. Araw araw gusto kong isagawa iyan. Wala namang pumipigil sa akin, at pakiramdam ko wala namang pipigil sa akin.
"Tangina, sinabi n'ya 'yun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rence. I nodded while facing down. At least... Rence never told me to die. At least Rence never asked me to kill myself... at least...
"S-So that's w-why..." Nauutal at humihikbing sambit ni Singkit habang nakatingin sa kawalan. Napatingin ako sa kaniya ng nagtatakha maging sina Yana.
"So that's why the words written on the first page was that phrase." Pinahid niya ang luha niya na pumapatak sa mga mata. "Thank you... thank you for being alive." Emosyonal na pahayag pa niya at saka ako niyakap muli.
The words written on the first page...
"Anong nakasulat?" Umiiyak na tanong ni Karmela. Pinakawalan niya ako sa yakap at saka siya nakatulalang nagsalita.
"I hope... that if you are reading this journal... I am not yet buried six feet underground, and is still breathing."
Napayuko na lamang ako. Simula kasi nang sabihin sa akin iyon ng lalaking iyon pakiramdam ko may kalayaan na akong putulin ang sarili kong buhay. No one cares... no one will care if I die. No one will ever care.
"Oh my God..." Claire exclaimed while sobbing.
"'Wag na 'wag mo nang iisipin 'yun... parang awa mo na..." Yana begged. I nodded silently.
"Did you ever try to kill yourself?" Marv asked carefully.
"I did think of it, but I never tried it..." I said with a faint smile. Maybe I am that weak... because it already hurts that they are hurting me, and hurting myself... maybe it wasn't really for me.

BINABASA MO ANG
Reminiscence: From Me To You
أدب المراهقين[COMPLETED] Reminiscence: From Me To You Tell me a story. Tell me your story. On how you became distant from the people you loved, On how you became invisible in the crowd. With all the scars that you hide and the tears you let no one see, Afraid...