20:
"Ang dami mong alam." Tanging sambit ko kay Claire matapos niyang sabihin iyon. Hindi ko na lamang pinansin baka kasi naparami ang toyo niya kanina sa manok kaya't iyong sobra ay napunta sa ulo niya.
Nanatili kaming tahimik ni Claire hanggang nakarating kami sa kanila. Bumababa na din kami at nagbayad. Binuksan niya iyong gate nila pagkatapos ay pinapasok na niya kaming muli sa loob.
Dumiretso kaming apat sa loob ng silid ni Claire kung nasaan kami kanina. Napaunat-unat muna kami at saka muling umupo doon nang pabilog.
"Game." Nakangiting sambit ko. Pagkatapos ay nagsimula na kaming mag-ayos. Tapos na kami doon sa dalawang paksa kanina dahil madali naman iyong iba at saka maayos ang pakikiopera nila.
"Tapos na tayo sa Sibika at English. Ano pa nga iyong exam bukas?" Tanong ni Yana.
"Math—Trigo." Maikling sagot ko.
"Ibig sabihin ako na ang magtuturo!" Masayang pahayag niya at saka inilabas iyong math notes niya. Napataas ako ng kilay dahil doon. Hindi ko akalain na nag-nonotes niya sa math, wala kasi siyang notes sa ibang subject at kinopya lamang niya kanina iyong mga importante sa kwaderno ko.
"Okay. Game!" Masiglang sagot noong dalawa.
Nagsimula siyang magturo sa mga unang konsepto. Maayos naman iyong pagtuturo niya, step by step talaga saka seryoso siya. Kaso habang tumatagal napapansin ko na iyong problema sa kaniya. Ang bilis. Mabilis siyang magbigay ng eksplanasyon at ng mga ipinagagawa na halos hindi na ata mahabol ni Yana at Claire iyong mga sinasabi niya.
"Kuha ninyo?" Tanong niya.
Napatigil si Yana at Claire. Nagtanong ulit silang dalawa ng tanong, pagkatapos ay ipinaliwanag niya ulit pero, dahil hindi na ako makatiis ay nagsalita na ako.
"Sandali, ganito iyan..." Nagsimula na akong magpaliwanag kaya't hindi na siya naka-angal. Tumango tango na din si Claire at Yana na parang sa wakas ay kuhang kuha na nila iyong pinagsasabi kanina nitong lalaking ito.
"Isipin ninyo na ganito..." I gave them an analytical example. At nakuha naman nila agad iyon. Akala ko nga ay magrereklamo siya dahil inagaw ko iyong oras na dapat siya ang magtuturo pero kapag titingnan ko siya ay nakangiti siya na tila natutuwa dahil nagtuturo akong muli. Kaya't hinayaan ko na lamang.
Marahan pero sigurado ang pagtuturo ko sa kanila. Paminsan minsan ay nagsasalita pa nga si Claire gamit iyong natutunan niya. Pagkatapos ay kapag bibigyan ko sila ng mga halimbawang problema ay mabilis na nila iyong nasasagutan.
Nagkumpetensiya pa nga iyong tatlo na paunahang magbigay ng papel sa akin para tingnan kung tama iyong mga sagot nila. Nakakatuwa lamang ang pangyayaring iyon. Kasi kitang kita ko sa kanila na gustong gusto talaga nila ang matuto.
Lumipas ang oras hanggang sa napunta na kami sa huling paksa. May pagkamahirap iyon pero nairaos ko namang ipaliwanag sa kanila dahil coordinator din naman ako sa Trigonometry kaya't kailangan ay alam ko iyon. Nakakahiya naman sa guro namin kung tatanga tanga ako sa subject niya.
"Ayan tapos na." Masayang sambit ko. Napahiga naman si Claire dahil sa tuwa.
"Ang galing! Naintindihan ko talaga." Masayang masaya si Yana na halos tumalon talon pa dito sa kama. Napangiti naman ako doon.
Akala ko talaga magiging palpak ito kasi iyon naman talaga ang karaniwang nangyayari. Hindi ko akalain na magiging ganito ang resulta. May seryoso pala talagang katangian ang dalawang ito—este ang tatlong ito.
Napahinga din ako sa tabi ni Claire dahil sa pagod. "Mabuti naman at natiis ninyo ang pagtuturo ko." Nakangiting pahayag ko.
"Syempre. Mas intindi pa nga kita sa Trigo kanina kaysa dito sa lalaking ito." Pangloloko ni Claire sa kaniya.
"Hoy, magaling kaya ako sa Math, talagang ang hina mo lang." Pagmamayabang naman niya at saka humalakhak. Napatayo naman si Claire sa pagkakahiga at saka siya binato ng unan.
Natawa naman si Yana doon at saka nakipagbatuhan ng unan sa kanila. Napasali pa tuloy ako. Halos gulong gulo na ata ang buhok ko dahil sa mga palo nila ng unan. Masaya naman kaya't hindi ko na sila inawat at pinagsabihan dahil ako din ay nakikigulo.
Noong mapagod kami ay napahinga na lamang ulit kami. Pagkatapos ng kaunting pahinga ay nag-ayos kami ng mga gamit pati na din iyong unan na ginulo namin. Mabuti na lamang at malabot ang mga unan ni Claire.
"Ano? Perfect na ba ang exam bukas?" Nakangiting sambit ko.
"Hindi, pero siguradong mataas ang magiging iskor namin!" Masiglang imik nila Yana at saka nakipag-apir sa akin.
Umupo na kaming apat at saka kumain ng miryenda na dinala noong mama ni Claire kanina habang nag-aayos kami ng mga ginulo namin. Nagkwentuhan na lamang kami hanggang sa nauwi nanaman kami sa pang-aasar ni Yana at Claire.
"Grabe ka magturo kanina, kulang na lamang siguro may lumabas sa ulo namin ni Claire na mga question mark eh." She exclaimed laughingly.
"Oo nga. Ayaw pa kasing maniwala." Claire remarked.
"Oo na." Natatawang imik niya. "Alam ko iyon. Kaya pasalamat kayo sa isang ito." Sabi niya sabay turo sa akin. "Kasi kahit mahirap iyong ibang topic nagagawa niyang ipaliwanag ng maayos kaya nagiging mukhang madali siya. Iyong mga hindi natin maintindihan sa klase, hindi ko akalain na madali lamang pala talaga ang dami lang talagang paikot-ikot noong guro natin. At saka ang galing mo ding mag-paliwanag ano?" Pagbaling niya sa akin.
"Saan?" Takhang tanong ko naman.
"Basta. Kapag may sinasabi ka, talagang tumatatak sa amin kasi ang lumanay mong magsalita saka nakakagaan ng pakiramdam." Nakangiting wika niya.
"Tama!" Pag-sang ayon naman noong dalawa. "Thank you, 'my!" Pagkatapos ay niyakap pa ako, kaya't natatawa ko silang sinabihan ng walang anuman.
***
BINABASA MO ANG
Reminiscence: From Me To You
Novela Juvenil[COMPLETED] Reminiscence: From Me To You Tell me a story. Tell me your story. On how you became distant from the people you loved, On how you became invisible in the crowd. With all the scars that you hide and the tears you let no one see, Afraid...