'TANG-INANG buhay talaga ito. Dapat hindi na ako pumapasok ngayon. Dapat namamayapa na ako at walang iniintindi sa buhay kung hindi dahil sa weirdong babaeng iyon kahapon. Pero heto ako, dinudusa ang dalawang oras na lecture sa Food Pro.
Nakapangalumbaba ako sa desk ko nang maisip ko na kung natuloy kaya ang pagpapakamatay ko kahapon, malulungkot kaya si Lindsey? Magi-guilty kaya siya? Maha-heartbroken?
Naputol ang maraming nakaambang what ifs sa isip ko nang kumatok sa klase ang school admin. Lumapit si prof dito at ipinakilala ang isang babae. Mukhang may late enrollee yata.
Mula sa likuran ng klase ay naniningkit ang mata kong sinipat ng tingin ang babae.
Hmm...
Napahimas ako ng baba.
Pwede. Naka-fitted jeans ito na nagpamukhang matangkad rito kahit na kasing taas lang ito ng prof ko na hanggang balikat ko lang. Simpleng puting slim tees ang suot na humapit sa kurba ng katawan nito dahil sa shoulder bag na naka-strap dito. Straight at makintab ang itim na mahabang buhok.
At parang slowmotion pa sa paningin ko na bumuhaghag ang buhok nito, na parang special effect sa mga shampoo commercial, nang lingunin ng babae ang direksyon ko matapos akong ituro ni prof.
"Brad, kilala mo?" siniko ako ni Jake sa tabi ko.
Naglingunan din sa akin ang mga ka-blockmate ko nang humakbang palapit sa akin ang... anak ng pucha!
"Ikaw na naman!?!" gulat na salubong ko sa weirdong babae kahapon. Napataas ang boses ko. "Ini-stalk mo ba ako?" Hindi ko na pinagtakhan pa na alam nito kung saan ako pumapasok dahil ito ang nakakuha ng ID ko nang maiwan ko iyon sa coffee shop kahapon. Pero bakit hanggang campus ay sinundan niya ako?
Nginitian niya ako na para bang tuwang-tuwang makita ako. Gusto kong buhusan ng tubig ang sarili ko dahil baka hindi totoo ang nangyayari. Hindi kaya namatay na talaga ako kahapon at ito 'yong tinatawag nilang Limbo?
Tingnan ni Weirdo si Jake. Pinapaalis sa upuan.
"Subukan mong umalis d'yan, p're, mamasamain ka sa akin," pabulong na warning ko rito.
"Hihilain ba kita o tatayo ka?" si Weirdo.
Hindi malaman ni Jake kung kanino ililipat ang tingin. Sa akin o kay Weirdo sa gilid nito. "Kung may problema kayo 'wag n'yo ako idamay," parang batang iiyak na sabi nito at agad-agad na kinuha ang mga gamit at lumipat sa bakanteng upuan.
Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko. Bumabalik na naman 'yong iritasyon ko kahapon.
"Ano bang kailangan mo sa akin, ha?" anas ko sa babae na tinapunan ko ng matalim na tingin. Alam ko na ang iba sa klase ay palihim na nakatingin pa rin sa amin. Ang tanda ko'y Abby ang pangalan niya.
At doon ko napansin sa unang pagkakataon nang bigyan ko siya ng buong pansin na maganda naman pala siya. Kahapon kasi'y nangingintab ang mukha niya sa pawis dahil sa init ng araw, nakapusod pa ang buhok. Ngayon ay parang walang pores at mapula-pula ang mga pisngi. Tisayin.
"Oy, baka pasukan ng langaw 'yang bibig mo."
Napakurap ako nang magsalita siya. Napatitig ba talaga ako sa kanya? Oo aaminin ko, maganda siya. Pero maganda nga mukhang may sayad naman.
"Mister Sawada, you can be excused if you like," anang prof ko nang magbalik ito sa harap ng klase.
"Thanks, ma'am! You're the best!" si Abby ang sumagot. Hinablot niya ang backpak kong nakasabit sa likuran ng desk sa harap ko at mabilis siyang lumabas ng classroom.
BINABASA MO ANG
Somewhere Between Moving On and You
RomancePinaasa at niloko. 'Yan ang kinahantungan ni Kei Sawada. Dahil ang love life niya ay love life rin pala ng iba. Kaya nang magwakas ang 8 months, 1 week at 3 days na parang sila pero hindi naman na relasyon nila ni Lindsey ay sobra siyang nasaktan. S...