BEST night ever ang gabing iyon. Noon ko lang naramdaman uli na buhay na buhay ako. Na-miss ko iyong ganito.
Pagkauwi ko'y in-upload ko ang lahat ng pictures namin ni Abby. Nakapagtatakang ang ilan do'n ay ni-Like ni Lindsey.
Online siya.
Kinlick ko ang profile ni Lindsey. Hindi ko pa sinisilip ang profile niya simula noong i-add niya ako sa Facebook. Hindi pa ako handa makikita ko.
Curious ako na malaman ang lagay niya at ni Miggy.
If you see a chance to be happy, you have to fight for it, so later you have no regrets.
Bumungad sa akin ang latest status ni Lindsey six hours ago. Napasulyap ako sa wall clock sa kwarto ko. Binilang ko pabalik ang oras.
Six hours ago rin no'ng nagkausap kami sa campus bago dumating si Abby.
'Tang-ina mo, Kei. Huwag mo na bigyan ng kahulugan 'yang status niya, dikta ng boses sa isip ko.
Nag-browse ako sa profile ni Lindsey. Naka-in a relationship pa rin siya. Pero bakit selfie lang niya ang profile photo?
Matagal na napatitig ako sa profile photo niya. Napapikit ako nang kusang maramdaman ko ang pamilyar na sakit. Sana puwedeng bumalik ang panahon. Para mabago ko ang lahat. Para pangalan ko na ang nakakabit sa dulo ng in a relationship status niya.
Agad kong ni-log out ang Facebook ko at shinut down ang computer bago pa tuluyang mabuhay ang mga feelings na pinapatay ko na.
Pagkahiga ko sa kama ay do'n nagbalik ang napakaraming alaala namin ni Lindsey. Ang dami ko noong plano at pangarap na kasama siya. Sa isip ko'y pinaghandaan ko na noon ang unang magiging monthsary namin. Na ngayon ay iba na ang gagawa para sa kanya. Nasapak ko ang headboard nang muli kong maramdaman ang sakit. Akala ko nabawasan na. Pero gano'n pa rin ang impact.
Kahit anong pilit ko na kalimutan si Lindsey ay kusang bumabalik pa rin sa isip ko kung ano kami dati, at kung ano na kami ngayon. At hindi ko maiwasang umasa na sana ako na lang 'yong bagong tao sa buhay niya.
Putang-ina naman.
Bakit mahal ko pa rin siya?
Inabot ko ang cell phone ko at dinayal ang number ni Abby. Alam kong kapag nakausap ko ito'y magiging ayos na uli ang pakiramdam ko. Kung bakit ay hindi ko alam. Para itong droga na pampakalma.
"Kailangan kita, Abby. Sagutin mo naman." Pero nakakailang tawag na ako ay hindi ito sumasagot. Siguro'y tulog na ito.
Isang malaking pagkakamaling binuksan ko ang profile ni Lindsey. Dahil ang nararamdaman ko ay kung may pagkakataong mabawi ko siya ay gagawin ko.
"BA'T ang tahimik mo naman?" Siniko ako ni Abby sa tabi ko. Bitbit niya ang pink na teddy bear na napalunan ko sa shooting game sa college fair. Ang isang kamay niya ay may hawak na hotdog on stick na napangalahati na niya.
Tinitigan ko si Abby habang naglalakad kami at nililibot ang fair. Gusto ko na siyang yayaing umalis. Pero nakapangako na ako kahapon sa kanya at ayokong sirain ang kasiyahan niya na kitang-kita ko. Si Lindsey ang huling kasama ko sa katulad ng ganitong event sa campus. Nagbabalik sa alaala ko ang lahat.
"Uy?" Siniko niya ako uli. Nang harapin ko siya'y ipinaubos niya sa akin ang kinakain. "Bilang lang ang sinabi mo kanina. Anong problema? Si Lindsey pa rin ba?"
Hindi ko siya sinagot. Lumapit ako sa food booth para bumili ng bottled water. Ngunit nang lingunin ko si Abby ay wala na siya.
Napakunot-noo ako. At saan naman nagpunta ang babaeng iyon? Iginala ko ang tingin ko at hinanap siya.
BINABASA MO ANG
Somewhere Between Moving On and You
RomancePinaasa at niloko. 'Yan ang kinahantungan ni Kei Sawada. Dahil ang love life niya ay love life rin pala ng iba. Kaya nang magwakas ang 8 months, 1 week at 3 days na parang sila pero hindi naman na relasyon nila ni Lindsey ay sobra siyang nasaktan. S...