Dinaya ng Panahon

3.5K 136 29
                                    




Kung kaya ko lang sabihin na hindi masakit. Pero sa tuwing hawak kita'y parang may humihiwa sa dibdib ko. Para kang bula at wala akong magawa kundi ang pagmasdan kang maglaho.

Sana may lugar kung saan humihinto ang oras at bumabagal ang pag-ikot ng mundo. Dadalhin kita ro'n. Dahil ang bawat araw na dumadaan ay mga oras at mga alaalang ninanakaw sa atin.

Dinaya ka sa akin ng panahon. Dahil nagsisimula pa lang akong mahalin ka.

Pero tatalunin ko siya. 

Dahil wala akong balak ihinto na mahalin ka.

Kahit wala ka na.  

Somewhere Between Moving On and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon