"ANG tindi mo, brad," si Jake pagkabuga ng usok ng yosi. Tinamad kaming pasukan ang isang subject at nakatambay kami sa bilyaran sa Intramuros. "Nag-i-emo ka lang no'ng nakaraan, tapos kinabukasan may chicks ka na agad."
"Hindi ko siya chicks," sagot ko habang sininipat ng tako ang otso. Pero sablay nang tirahin ko. Lumapit ako sa mataas na bar stool at inabot ang bote ng Red Horse at saka tinungga iyon.
"Saan mo ba nakilala 'yon?" Lumapit si Jake, isinandal sa dingding ang tako at umabot rin beer.
"Mahabang kuwento."
"Pang-seryosohan ba uli 'yan o pang move on-move on lang?"
"Ayoko na magseryoso." Napangiti ako nang mapansin kong nakangiti 'yong kabayo sa bote.
"At least mas maganda kay Lindsey ang ipinalit mo. Baka naman may kapatid 'yon reto mo sa akin—" Natigilan si Jake nang dumako ang tingin niya sa mga pumasok sa bilyaran na mga estudyante mula sa ibang university. "Brad, tropa yata ni Miggy ang mga 'yon."
"Sinong Miggy?" Parang may hinahanap ang mga dumating.
"'Yong syota ni Lindsey."
Napalingon ako kay Jake. "Sila na?"
"E, naka-in a relationship na sa kanya si Lindsey sa Facebook."
"Kelan pa?"
Hindi nakasagot si Jake. Napakapit siya sa balikat ko. "Brad, nakakaamoy ako ng trobol. 'Ayun si Miggy. Parang reresbakan ka yata."
Bumaling ang tingin ko sa mga parating. Binilang ko ang mga ito. Apat. Panglima si Miggy na nasa likuran ng mga ito. Itinuro nito ang kinaroroonan ko pagkatapos binulungan nito ang isa sa mga tropa nito at saka sumibat.
Bakla ang puta. Hindi ako kaya at nagtawag ng kakampi.
Lakad pa lang ng mga ito palapit sa kinaroroonan ko ay sensyales na may gulong magaganap kung kaya umiwas na ang mga naglalaro sa paligid.
Inubos ko ang beer ko at saka inilapag ang bote sa bar stool. "Paano ang hatian nito, p're? Tig-dalawa tayo o gusto mo tatlo na sa akin?" baling ko kay Jake.
"Isa na lang muna sa akin. Mahina ang tuhod ko ngayon. Nag-jakol kasi ako kaninang umaga bago pumasok." Humithit muna ito ng yosi nito bago pinitik sa kung saan.
Maangas na huminto sa tapat namin ang mga kumag. Nag-alis ng polo si Kumag No. 1 na nasa unahan habang tuwid ang tingin sa akin. Mukhang ito ang leader.
"Huwag ka na maghubad," sabi ko. "Magiging mabilis lang 'to," kalmado ang pagsasalita ko.
Dinuro ako ni Kumag No. 2 na nasa tabi ni Kumag No. 1. "E, talagang pa lang mayabang ang gagong 'to!"
"Lugi tayo, pare," sabi ko kay Jake na sadyang nilakasan ko ang boses ko.
"Oo nga. Apat sila," sagot niya.
"Hindi iyon. Dahil wala nang mukhang sisirain sa kanila. Sira na."
"'Tang-ina. Sino starter?" tanong ni Kumag No. 3 sa mga kasama. Gigil na gigil na.
"Ako na." Isang mabilis na suntok sa sentro ng mukha ang iginawad ko kay Kumag No. 1. Marahas na napaatras ito at napahiyaw sa sakit.
Naging mabilis si Jake. Nakasapak siya sa isa sa mga kumag. Ngunit may isa na nahawakan si Jake sa mga braso niya mula sa likod. Napa-uklo siya nang bumawi ang kumag at sikmuraan siya.
Dinaluhan ko si Jake at marahas na tinadyakan ang nasa harap niya. Bumagsak ito sa sahig. Do'n nakawala si Jake ngunit matagal bago siya nakabawi ng lakas.
BINABASA MO ANG
Somewhere Between Moving On and You
RomancePinaasa at niloko. 'Yan ang kinahantungan ni Kei Sawada. Dahil ang love life niya ay love life rin pala ng iba. Kaya nang magwakas ang 8 months, 1 week at 3 days na parang sila pero hindi naman na relasyon nila ni Lindsey ay sobra siyang nasaktan. S...