Paano Ba Ang Magpaalam?

2.7K 96 9
                                    


Aalis ka at hindi ka na babalik. Pero hindi pa ako nagpapaalam sa iyo.

Paano ba ako magpapaalam kung gustong kitang pigilang umalis...

Paano ba ako magpapaalam kung ang gusto ko'y nasa tabi lang kita palagi...

Paano ba ang magpaalam kung ang gusto ko'y itago ka, o ilagay sa isang maliit na garapon para laging nasa bulsa ka lang ng polo ko. Para hindi ka maagaw sa akin ng panahon.

Nang halikan kita'y ipinikit ko ang mga mata ko, pilit kong iginuguhit sa isip ko ang sandaling iyon. Gusto kitang palaging maalala kung paanong yakap kita at ramdam ko sa dibdib ko ang init mo, ang mga basa mong labi, ang luha mong bumasa sa pisngi ko. 

Ayokong kalimutan ang lasa mo sa mga labi ko, ang matamis na amoy ng buhok mo.

Gusto ko itong isulat upang hindi mabura kailanman. Dahil sa pag-alis mo'y ito lang ang iiwan mo sa akin at sakit sa dibdib ko na mananatili hangga't hindi tayo muling nagkikita.

Sayonara, Abby.

Somewhere Between Moving On and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon