SA NAGDAANG linggo ay naging madalang na ang pagkikita namin ni Abby. Madalas ang checkups niya sa hospital. Hindi ko na ipinipilit na dalawin siya dahil mas gusto ko na makapagpahinga siya. Hindi na rin ako tumatambay kung saan pagkatapos ng klase dahil madalas ako sa harap ng computer. Naghahanap at nagbabasa ng mga researches sa Internet tungkol sa mga herbal plants na maaaring pumatay o gamot sa cancer.
Ang dami ko nang iminungkahi kay Abby na subukan niya. Minsan ay nagdala ako sa bahay nila ng maraming dahon ng guyabano na ibinilin ko sa guwardya nila.
Hindi niya raw nagustuhan ang lasa at halos masuka siya.
Kapag gano'n naghahanap na naman ako nang bagong puwedeng ilaga at inumin na baka magustuhan na niya ang lasa. Nagustuhan niya ang nilagang tanglad.
Madalas ko rin siyang pinalalakas ang loob sa mga text messages ko at walang gabing hindi kami nagkakausap sa cellphone. Gustong-gusto kong naririnig ang boses niya bago magwakas ang gabi ko. Kapag kausap ko siya ay parang wala talaga siyang sakit. Parang normal lang ang lahat.
Pero 'eto ang araw na pinakahihintay ko. Pinapunta ko si Abby nang alas kuwatro ng hapon sa campus. Makulimlim ang langit at kanina pa ako nananalangin na sana ay huwag umulan.
Sinulyapan ko ang relo ko. Mag-a-alas kuwatro na. Nag-text na si Abby kanina pa na malapit na siya. Hinihintay ko siya sa waiting shed sa gilid ng gymnasium. Pero 'tang-ina, huwag lang sanang umulan Please.
Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang matanaw ko na siya sa malayo. Napatayo ako at sinalubong ko siya.
Nang makalapit ako'y kapansin-pansin ang laki nang ipinayat niya lalo. Ang lahat ng napupuna ko sa physical na pagbabago niya ay hindi ko sinasabi sa kanya. Ang gusto kong palaging isipin niya ay na malusog siya.
Nagbuntong-hininga ako at isang malapad na ngiti ang isinalubong ko sa kanya. "Infairness, on time ka ngayon."
Inirapan niya ako. "Huwag kang masanay. Darating ang panahon na hindi na talaga ako darating."
Naglaho ang ngiti ko. Naiinis ako kapag gano'n siya. Gusto ko siyang batukan.
"Kumusta ka na?" tanong ko bigla.
Naningkit ang mga mata niya sa akin. "Kei, nag-usap lang tayo kagabi bago ako matulog. Anong meron?"
Napakamot ako ng batok. "Wala naman. Na-miss lang kita nang sobra. Hindi ba puwede 'yon?" Inakbayan ko siya palapit sa akin.
Napanguso si Abby. "Puwede naman kasi na-miss din kita. Nang sobra. May pupuntahan ba tayo—" nahinto siya sa sinasabi nang biglang sumulpot sa likuran ko si Jake kasama ang dalawang classmates naming babae sa Financial Management na hindi ko matandaan ang mga pangalan. Mahina ako sa numero at makaalala ng mga pangalan. Lalo na't irregular pa ako.
"Hi, Abby!" bati ni Jake sa kanya. "Brad, hiramin lang muna namin si Abby. Ayos lang ba?"
Tumango ako.
Kumalas ako sa pag-akbay kay Abby na nagtatakang tiningnan ako. "Anong meron?"
"Sumama ka na lang sa amin kung ayaw mo masaktan," pagbibiro ni Jake. May inalabas itong puting panyo. Ang dalawang classmates namin ay mabilis na pinosasan ang pareho niyang palapulsuhan.
"Teka, Kei, ano ito?" si Abby na sinisikap pumalag sa pagkakahawak sa kanya.
"Basta. Surpresa."
"Nako, Kei, ha," apila niya.
"Sige na. Go along with it na lang." Tinapik ko sa balikat si Jake. "Ingatan n'yo siya na hindi masaktan. Yari kayo sa aking tatlo kapag kahit galos nagkaroon 'yan."
BINABASA MO ANG
Somewhere Between Moving On and You
RomancePinaasa at niloko. 'Yan ang kinahantungan ni Kei Sawada. Dahil ang love life niya ay love life rin pala ng iba. Kaya nang magwakas ang 8 months, 1 week at 3 days na parang sila pero hindi naman na relasyon nila ni Lindsey ay sobra siyang nasaktan. S...