Chapter Three

5.9K 146 17
                                    



"HINDI kita pipilitin kung hindi ka pa ready na mag-share. Pero kumain muna tayo kasi nagugutom na talaga ako."

Doon lang muli nagsalita si Abby nang makalabas kami ng campus. Tuliro pa ang isip ko at hindi makapag-isip nang maayos, hindi ko alam kung saan siya dadalhing kainan.

May nakita akong isawan sa hindi kalayuan.

Sinundan ako ro'n ni Abby.

"Hoy, saan mo ako dadalhin?"

"Sabi mo nagugutom ka?" Walang isaw si manong. Ang meron na lang ay betamax, kwek-kwek na balot at one day old na sisiw. Tumuhog ako ng one day old.

Hinila ako ni Abby sa laylayan ng polo ko at mahinang sinabi, "Hindi sa ganito. Hindi kasi ako kumakain ng ganyan, e." Nakita ko na parang diring-diri siya.

Manghang napatitig ako sa kanya. "Ang arte mo naman, uy." Idinuro ko sa tapat ng mukha niya ang nakatuhog na kulay orange na sisiw. "Tatlong sticks lang nito solb na ako." Nakita ko ang hysteria sa mga mata niya.

"My god. Pa'no mo nate-take na kainin 'yan? Hindi ka na naawa r'yan sa creature. Hindi man lang nagkaroon ng chance na mabuhay," aniya na parang kaunti na lang ay masusuka na ito.

Ang arte niya. Gusto ko siyang batukan.

"Paborito kaya ni..." Hindi ko na itinuloy ang sinasabi ko. Ibinalik ko ang tinuhog ko nang maalala kong paborito ni Lindsey iyon. "Saan mo ba gusto kumain?"

Hinatak niya ang kamay ko at hinila ako sa gilid ng kalsada at may pinarang taxi.

"Magta-taxi pa tayo? Para kang mayaman, a."

Inirapan lang niya ako at naunang sumakay sa backseat ng taxi na huminto sa tapat namin. "Manong, sa SM Moa tayo."

"Uy, sandali, babaeng kabute. Wala akong perang pang-Moa," may pagkabiglang sabi ko nang makaupo ako.

"Treat ko nga, 'di ba?" Tinaasan niya ako ng kilay. "At bakit naman ako naging babaeng kabute?

"Kasi bigla ka na lang sumulpot sa buhay ko."

May dinukot siya sa shoulder bag niya. Wipes. "Akin na nga 'yan." Inabot niya ang kamaong ipinansapak ko sa pader. Pinunasan niya ng wipes ang galos do'n.

Naiilang na binawi ko ang kamay ko. Naiilang ako sa pagiging masyado niyang feeling close.

"'Tang-ina talaga, 'no?" mayamaya'y mura ko nang kusang manariwa na naman sa isip ko ang nangyari kanina. "Kulang pa 'yong sapak na ginawa ko sa ulol na 'yon. Saka ano 'yon? Laro-laro lang ang lahat? E, 'di sana pinag-P.E. uniform niya 'ko para mas masaya, 'di ba?"

Diniretso ko ng tingin si Abby. "'Yong totoo? Pangit ba 'ko?" Hindi ko alam kung tamang itinanong ko iyon sa kanya. Pero huli na para bawiin ko pa. Si Lindsey lang ang bukod tanging babae na nagparamdam ng insecurities sa akin. Wala kasi akong babaeng ginusto ang hindi ko nakukuha. Hindi ko tuloy alam kung bad breath ba ako o kung may body odor ako. Lalo na ngayon na ipinagpalit niya ako, mas ipinaramdam niya sa akin na hindi ako sapat para sa kanya. May kulang o mali sa akin.

"Hala siya. Na-insecure ka ro'n sa guy, 'no? Word of advice, don't let her make you feel less valuable."

"Sagutin mo na lang kasi."

Isang mahabang 'hmm' ang pinakawalan niya habang umayos nang upo paharap sa akin na para bang pinag-aaralan ako ng tingin. "Uso naman 'yong mukha mo ngayon. Chinito. Pero..."

"Pero ano?"

"Medyo madungis kang tingnan. Kailangan mo lang siguro ng bagong haircut at saka ng ahit."

Somewhere Between Moving On and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon