Chapter Eighteen

3.8K 126 17
                                    


HINDI ko matiyak kung gumaan ang pakiramdam ko nang makaiyak ako. Kung pwede lang baguhin ng mga luha ang katotohanan. Nang matuyo ang mga luha ko't iwan na ako ni Tatay at mag-isa na lang uli ako sa kuwarto ay doon mas nag-sink in sa akin ang lahat.

"Kei, hindi ka ba sasabay sa hapunan?" si Nanay na kinatok ako sa kuwarto. Nakapagtatakang malumanay ang pagsasalita.

"Hindi ako gutom," sagot ko habang nakahiga sa kama ko. Wala akong ganang kumain. Hindi pa rin ako nagpapalit ng damit ko sa maghapon. Wala akong lakas na kumilos.

Sana'y hindi na lang dumating ang araw na ito. Sana'y puwedeng ibalik ang oras.

"Nagsisisi ka ba na nakilala mo pa 'ko?" Iyon ang tanong ni Abby sa akin kanina. Nakaupo kami pareho sa sidewalk sa tapat ng bakuran nila.

Nakaupo siya sa bahaging kaliwa ko. Umusog ako hanggang sa magtabi kami.

Nilingon ko siya.

"Mas nanghihinayang ako," mahinang sabi ko. No'ng sandaling iyon ay hindi ko pa rin kayang paniwalaan na nangyayari ang nangyayari. Na bigla isang umaga na lang ay dadalhin ako sa tagpong iyon kung saan nalaman ko na may taning na si Abby. Napakabata pa niya.

"Nanghihinayang ako kasi parang ang sandali lang ng panahon na meron tayo," dugtong ko. "Sana... sana may powers ako na ibalik ang oras. Pero hindi ako babalik sa araw na hinatak mo ako ro'n sa footbridge."

"Saan naman?"

Napaisip ako. "Siguro mga five years earlier pa. Hahanapin kita sa panahong 'yon."

Narinig ko ang marahan niyang pagtawa. "Five years earlier nasaan ba ako no'n?" Napatingala siya sa langit. Napapangusong napapaisip. Hapon na at wala ng araw.

No'ng sandaling iyon ay gusto kong ihinto ang oras. Malaya ko siyang pinagmamasdan sa tabi ko. Gusto kong haplusin ang buhok niya at sabihin na gusto ko siyang makasama habang buhay. Kung puwede ko lang siyang yakapin at huwag nang pakawalan pa.

"Ah!" parang excited na sabi niya nang may maalala. "Madalas kaming tambay ni Chari sa Laser Maxx sa Centris." Napangisi siya. "Grabe. Sobrang na-addict ako sa laser tag at nagka-cut pa talaga kami ng class para lang ro'n."

Mabilis na iniwas ko ang mga mata ko nang lingunin niya ako. Nagbaba ako ng tingin sa lupa. "Pasaway ka rin pala no'ng high school ka," sabi ko.

"You have no idea."

"Abby?" mayamaya'y sabi ko. Hinarap ko siya ng tingin. "Ang sabi mo no'n kay Angeli, gagaling s'ya. 'Di ba?"

Tumango siya.

"E, di pwede ka ring gumaling," sabi ko. Umaasa ako sa positibong sagot. "Doctor ang daddy mo. Mayaman kayo."

Malungkot ang naging ngiti niya.

"Let me tell you something," sabi niya matapos ang malalim na buntong-hininga. "Natatandaan mo 'yong ikinuwento ko sa iyo na kakilala ko na nagpakamatay? Dahil niloko siya ng girlfriend niya?"

Tumango ako. Natatandaan ko iyon.

Muling nagbuntong-hininga si Abby. Parang may pag-aalinlangan sa hitsura niya kung itutuloy pa niya ang susunod na sasabihin.

"Ako 'yong... girlfriend niya, Kei," malungkot na pag-amin niya. Nabigla ako. "I was that kind of girl before. Flirt. Brat. Bitch. Wait, I mean, super bitch. You see, 'yong tulad ni Lindsey? I eat people like her for breakfast. Kaya sabi ko sa 'yo na basang-basang ko siya. It takes one to know one. It's not that I am proud of it, but I was that kind of person before."

Somewhere Between Moving On and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon