Chapter Nine

3.9K 121 29
                                    


MAHIGIT na 30 minutes kaming naghintay. Walang susi na lumabas. Sinubukan din namin kung makatutulong ang mga security guard sa campus. Pero wala rin susi ang mga ito dahil wala naman silang posas dahil hindi naman daw sila pulis.

Tinawagan ko ang nanay ko. "'Nay, 'di ba pulis 'yong asawa ni Aling Tasing?" Kapit-bahay namin si Aling Tasing na ka-majongan ng nanay ko. "May problema kasi—"

Biglang nagmura sa Ilocano ang nanay ko. Ibig sabihin ay mas galit ito. "At anong kagaguhan 'yang ginawa mo, ha, Kei?! Hindi ko alam kung bakit ganyan ka lumaki, hindi naman ako nagkulang bilang ina mo. Sinasabi ko sa iyo, Kei, kahit malaki ka na makakatikim ka pa rin talaga ng tsinelas sa akin!"

Inilayo ko sa tainga ang cellphone dahil halos mabingi ako. Maging si Abby ay napalingon sa lakas ng boses ng nanay ko na parang naka-loud speaker. "Tinatanong ko lang ang kapit-bahay natin, masamang anak na agad ako?" Oo. Ganyan ka-O.A. ang nanay ko.

"E, bakit mo hinahanap si Orly?" kumalma ito.

"Mamaya ko na ipapaliwanag pag-uwi, 'Nay."

"Nako kang hudyo ka. Huwag mo ako pakabahin," bumalik na naman sa high pitch ang boses nito.

"Wala nga akong ginawa," mariing sabi ko. "'Nay, pahanda naman ng ulam kasi may bisita akong kasama." Iyon lang at ibinaba ko na ang cellphone.

"Pupunta tayo sa inyo?"

"Oo. Pulis 'yong kapit-bahay namin. Panigurado may susi 'yon dito," inangat ko ang kamay kong naka-posas. Mas humihigpit iyon habang nahahatak.

"KAPAG natanggal 'tong posas ipapatawag kita ng taxi," sabi ko kay Abby nang makaba kami ng pedicab sa kanto ng streen namin. Isang mahabang palengke na kasi ang kalye na iyon na tagos hanggang Divisoria. Hindi na nakakadaan ang mga pedicab doon. "Ihahatid na rin kita sa inyo."

Hinawakan ko ang kamay niya nang magsimula kaming maglakad. Dahil mas humihigpit ang posas kapag nahahatak at nasasaktan siya. Mabilis pa naman ako maglakad. Magkakawing ang mga daliri namin sa isa't isa habang nakaipit sa kabilang kili-kili ko ang teddy bear na napanalunan kanina.

Lihim na nilingon ko si Abby sa tabi ko. Matagal na sandaling pinagmasdan ko siya habang tahimik na naglalakad kami. Hindi ko alam kung bakit habang mas madalas na nakakasama ko siya'y parang lalong gumaganda siya sa paningin ko. Napansin ko rin kanina sa campus ang maraming mga estudyanteng lalaki na madalas na napapalingon sa kanya. Maging si Jake ang sabi ay mas maganda siya kesa kay Lindsey. Pero... ewan ko.

Binawi ko ang tingin ko sa kanya at kusa na lang akong napangiti. Na-miss ko 'yong ganitong pakiramdam. 'Yong may kasama nang ganitong oras. Naglalakad habang may ka-holding hands.

"Bakit ka nakangiti r'yan?"

Napalingon agad ako kay Abby na nakatingin pala sa akin. "Wala lang. Masaya lang ako." Sa wakas ay naamin ko rin iyon sa sarili ko. Na masaya ako.

"Dahil kasama mo ako," buong kampanteng sagot niya.

Natawa ako bilang depensa. Pero totoo naman ang sinabi niya at hindi ko iyon aaminin sa kanya. Masaya naman talaga ako kapag kasama ko si Abby. Pero hindi ibig sabihin no'n ay may gusto ako sa kanya gaya ng siguro nan iniisip niya. No way. Hindi ko kasi alam kung anong meron sa babaeng ito na kapag kasama at kausap ko ay nakakalimutan ko 'yong lahat ng sakit na pinagdaanan ko.

Simula nang makilala ko siya, ang lahat ng kantang naririnig ko'y kanta na lang. Dati kasi kahit anong kanta na marinig ko, lalo na iyong mga pinatutugtog sa jeep, parang nagiging playlist ng brokenhearted. Tumatagos. Kahit pati rap may tama.

Somewhere Between Moving On and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon