Somewhere Between Moving On & Him

4.3K 141 50
                                    




Sometimes that one person walks into your life and changes the whole game. The day I've met that person was the day my ex boyfriend died last year. Iyon ang araw kung saan hiniling ko sa panalangin na palayain na niya ako. 

At kung uulitin ko uli ang buhay ko... I'd find him sooner so I can love him longer.


"SHIT!"

Naagaw ng lalaki sa table 2 ang atensyon ng lahat nang magmura siya at hampasin ang mesa. Kamuntik ko nang maibagsak ang cappuccino na sine-serve ko. 

Nilingon ng lahat sa coffee shop ang barumbado.

"O, bakit?" maangas na sabi ng lalaki na tinupuan ng matalim na tingin ang mga napalingon sa kanya.

My eyebrow raised half an inch. "Naka-school uniform pa naman pero mukhang walang modo," bulong ko sa sarili ko.

Mayamaya'y tumayo ang barumbado at lumabas ng coffe shop. Lumapit ako sa mesa na iniwan niya para i-clear iyon.

I practically rolled my eyes nang makita kong kape lang pala ang inorder ng barumbado at mahigit isang oras na siyang nakatambay sa coffee shop.

Nakiki-Wifi for sure.

Sandaling natigilan ako sa ginagawa ko nang may mahagip ang tingin ko sa lapag sa ilalim ng upuan.

School ID.

Dinampot ko iyon.

Kei Sawada.

Hindi ko mapailiwanag pero napangiti ako nang basahin ko sa isipan ang pangalan niya. Guwapo naman pala ang barumbadong 'yon.

Nilingon ko ang glassdoor kung saan siya lumabas. Natatanaw ko siyang naglalakad mula sa malayo.

Hindi pa siya nakalalayo.


********

Author's Note:

All stories must end. :) And we're finally here. I have to be honest, nahirapan akong itawid sa huling chapter ang story ni Kei. Hindi ko kasi alam kung magiging sino o ano ba siya sa ending. Nasa point din ako na ililiko ko ba ang kuwento sa totoong ending. Kaso naisip ko na kapag ginawa ko iyon na hindi na mabubuhay si Abby sa susunod na kuwento na para sa kanya. And I think Kei did become a much better person. Mas nagkaroon siya ng goal. Nantatandaan n'yo, nangako siya sa nanay niya na magseseryoso na siya sa pag-aaral at magtatapos sa college dahil sa pabor na hiniling niya para kay Abby. Regular na volunteer din siya sa transient house for cancer patients. 

May mga nagme-message at may nababasa rin ako na gawan ko ng himala na mabuhay si Abby. May nagtatanong kung magkakaroon ba ng something sa pagitan nina Kei at Angeli?  This story is not about that. Hindi ito kuwento ng love life lang ni Kei. Na para bang do'n lang siya magiging buo at kumpletong tao kapag nagka-love life siya. Tho technically this is a love story of Abby and Kei. And like I've said earlier their story aims to tell that there's more to life than love. Hindi katapusan ng mundo kapag nabasted tayo o nasaktan tayo o pinaasa tayo o iniwan tayo o niloko ng mahal natin. 

So it is done. At kailangan kong pasalamatan ang nag-follow sa kuwento since I posted it here on Wattpad. I hope you can leave me some feedbacks. Negatibo man o positibo.  Can't wait for this story na mag-materialize sa libro. Soon under Lifebooks. At sana suportahan n'yo. 

Sa mga napaiyak, kinilig, na-in love, nainis sa akin hahaha, sa mga na-disappoint at hindi ko naibigay ang gusto nila, maraming-maraming salamat! Salamat sa mga iniiwan n'yong mensahe na minsan napapangiti at natatawa na lang ako bigla kapag binabasa ko. You guys made me feel na para tayong nasa biyahe at kasa-kasama ko kayo. <3 *muah* Pero nasa last terminal na po tayo. Pero I'll stil see you soon, 'di ba? ;) 

Much love,

JP


*Music playing in the background: I'll Never Love This Way Again

Somewhere Between Moving On and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon