Pagbalik ko sa table nmin. Nagsalita agad si grae.
"Nakita ko yon."
"Ang alin?" pagmamaangan ko.
"Wala. Kumain ka na"
Nauna ng bumalik sa room yung apat. Naiwan kaming dalawa ni grae. Sinabi ko na mauna na rin sya pero sabi nya hihintayin nya daw ako at baka mabugbog na daw ako
"Grae tara na" yaya ko. Nang makalabas kami ng canteen. May nakasalubong kaming apat na lalaki.
"Pare" tawag nila kay grae
"Gimik nman tayo minsan" sabi nong lalaking matangkad
"Oo nga pare, ang tagal na nating di lumalabas" sabi naman nong isa
"Who's that girl?" tanung naman nong isa sabay turo sakin."Si nerd classmate ko." Grabe din akong ipakilala neto ahh. Sama tlga ng ugali.
"Akala ko girlfriend mo. Nagbago ka na yata ng taste sa babae pare" natatawang sabi nong nakasumbrero. Kung upakan ko kaya tong mga to! Ang yayabang
"She's not my type pare." nakangiti nyang sabi. Pati yung mga kausap nya e hindi na napigilan ang tumawa. Dahil sa inis ko nauna na akong lunakad at iniwan sila. Mga bwisit!
"Hoy nerd. San ka pupunta?" sigaw ni grae sakin.
"Wala kang pakialam!" sigaw ko at binilisan ko pa lalo ang lakad ko para makalayo sa kanila.
Pupunta sana ako ng cr pero bigla nya akong hinawakan.
"Hoy nerd anong problema mo?"
"Umalis ka nga' bakit ka ba andito?" inis kong sabi
"Problema mo?" sigaw nya.
"Wag mo nga akong sigawan! Sino ka ba sa akala mo para ipahiya ako sa ibang tao, para pag tawanan nyo. Purke ganto itsura ko. Sabagay-- hindi ko na tinuloy yung sinabi ko at pumasok na ako sa loob ng cr.
--
Pagdating ko sa room lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sakin"WHAAAAAT?" sigaw ko sa kanila. Hindi naman sila sumagot. Ng big akong nilapitan ni kenneth at sophie.
"Anyare sayo girl? Teka. Asan si grae? Akala ko magkasama kayo?" tanung ni sophie"Wala at ewan" sagot ko.
"Wala? E parang naiiyak kna nga dyan" pang aasar naman ni kenneth
"Oy hindi ahh. Masama lang pakiramdam ko. Sige na umayos na kayo andyan na prof. natin."
Agad din nman silang nagbalikan sa mga upuan nila. Minsan tlga may pagkatsismosa sila. Napansin ko na hindi pumasok si grae. At wala tlga akong pakialam sa kanya. Sobrang yabang.Pagkatapos ng klase' nilapitan na naman ako ni paul. ano na naman kaya kelangan netong hayop na to!
"Serra' don pla sa kanina. Im sorry- hindi ko na sya pinatapos ng pagsalita at lumabas na ako ng room.
Naglalakad na ako palabas ng campus ng makita ko sina kuya na papalabas na rin.
"Kuya" tawag ko
"Bakit?"
"Nakakapagod talaga tumakbo" sabi ko habang pinupunasan ang pawis ko
"Sino ba nagsabi sayo na tumakbo ka'' pag susungit ni kuya. Lalakad na sana si kuya ng tumingin ulot sya sakin sabay hawak sa may mukha ko. Lagot na.
"Ano nangyare dito?" pagtatakang tanung ni kuya
"Ahh ano kuya' wal- wala-- wala naman" utal utal kong sabi

BINABASA MO ANG
Adopted (EDITED)
Fiksi PenggemarDo we really need to disguise just to pretend and to avoid attention?