Chapter 27

158 3 0
                                    

Hindi ko alam kong bakit kanina pa ako hindi mapakali simula nong dumating dito ang tropa ni grae. Bakit kase sobrang friendly ni kuya josh.

*Knock knock*

"Kelly' nak. Okay ka lang ba? Kanina ka  pa iniintay ng kuya mo. Hindi ka pa bababa?" alam kong boses ni mama yun kaya lumapit ako sa may pintuan para pagbuksan sya.

"May problema ba?" nag aalalang tanung ni mama.

"Nahihiya lang po akong humarap sa kanila."

"Ba--bakit? May nangyare bang hindi ko alam?" tanung ulit ni mama sakin. Huminga muna ako ng malalim bago muling nagsalita.

"Nagsinungaling po kase ako sa kanila. And i think they already know the truth." nakokonsensya kong sabi.

"Ayoko naman talagang magsinungaling pero i don't have a choice. Tsaka baka pag nalaman nila ang totoo. Iwasan na nila ako." dagdag ko. Lumapit naman si mama sakin at hinawakan ang magkabila kong kamay.

"They'll understand. Your kuya josh already told me about that. Yung about sa pag didisguise mo, at yung alam na ni grae na ikaw at yung babaeng nakilala nya noon nong gumimik kayo ay iisa." sabi ni mama sakin kaya napayakap ako sa kanya.

"Thankyou ma ah. Sa lahat. Kahit minsan matigas ang ulo ko. E alam mo naman po yung reason ko kung bakit ko ginawa yun e" sabi.

"You have to forget the past. Nasa nakaraan muna yun serra. Why don't you start over. Ayusin kong ano yung dapat mong ayusin. Pero sa ngayon' bumaba ka na muna kase kanina ka pa iniintay ng kuya mo." sabi ni mama sakin. Lumabas din agad sya ng kwarto ko dahil kelangan nya pa raw pakainin sina ron.

Huminga muna ako ng maraming beses bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ko. Pagdating ko palang sa may hagdan ramdam ko na ang mga tingin nila sakin.

Ng makarating ako sa may sala, nilapitan ako agad ni sophie. Pero nagtataka ako kong bakit iba ang nakikita kong emosyon sa muka nila. Hindi ko nakikita ang galit sa mukha nila kundi ang pag aalala.

"S---ser---serra." utal utal na sabi ni sophie sakin. Pansin ko rin ang panginginig ng kamay nya.

"O--okay ka lang ba? Bakit ganyan ang itsura nyo? Alam na nila dba? Kaya nga ako natagalan don sa taas kase nag isip ng sasabihin ko sa kanila---"

"Si g---grae, nasa ho--hospital." pagkasabi non ni sophie bigla akong nanghina. Parang nabingi ako. Hindi ko maramdam ang sarili ko. Hindi ako makapagsalita kahit gusto ko. Hindi ko alam kong ano ang nararamdaman ko.

Bumalik lang ako sa katinuan ko ng makainom ako ng tubig na bigay ni ma sakin.

"A--ano daw nangyare? San daw hospital? Tara puntahan natin sya. Intayin nyo ko. Magbibihis lang ako." sabi ko kay sophie at tatakbo na sana ako paakyat sa kwarto ng biglang magsalita si kuya.

"Nasa states si grae serra. Tinawagan lang ng mommy ni grae si ken kaya nalaman namin. Wala tayong magagawa ngayon kundi ang ipagdasal sya." malungkot na sabi ni kuya sakin.

"Edi pupunta ako sa states. Aayusin ko ang passport ko bukas makapunta ako don." naiiyak kong sabi. Nilapitan na ako nina klariz para pakalmahin.

"Ma please. Pwede nyo ba akong tulungan. Kelangan kong puntahan si grae. Kelangan kong magsorry sa kanya." pag mamakaawa ko kay mama.

"I can help you anak' you know that. Pero alam naman natin na hindi ka agad makakaalis non. Matagal ka pa bago makakaalis." sabi ni mama sakin kaya napaupo ako.

"Ano daw ba talagang nangyare sa kanya? Bakit nasa hospital sya?" umiiyak ko ng tanung sa kanila.

"Naaksidente daw yung sinasakyan nyang kotse. Nasa kritikal daw ang kondisyon nya ngayon. Wala pang update kase hindi pa tumatawag si tita gabbie sakin." sagot ni kenneth sakin.

Adopted (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon