I woke up with a heavy heart but when i saw the peaking from the mountains. My gloomy mood was lifted a little. And now it was time for me to move on and that meant no more tears.
Pagkatapos nga naming mag usap usap nina kenneth at sophie ay hindi ko rin ginawa ang sinabi nila. I didn't even try to talk o kahit puntahan manlang si grae. Ang hirap isipin at mahirap mag sink in sa utak ko yong mga nangyare. Hanggang ngayon i have no clue kong sino nga ba si paulo at sino sya sa buhay ni grae. At para makahinga ako o kahit saglit lang ay gusto ko syang makalimutan. Hindi ko naman itinatanggi sa sarili ko na mahal ko parin si grae pero pagod na akong masaktan ng paulit ulit kaya napag desisyunan kong pumunta sa malayong lugar kong saan hindi nila ako mahahanap, kung saan hindi nya ako mahahanap o makikita.
Buti nalang at nakontak ko parin ang dati kong boss na si sir aaron at sya ang nagsabi sakin na maganda daw sa lugar na eto. The heart of the Philippines. Pagkarating na pagkarating ko dito sa maniwaya ay nagpahinga lang ako sandali at naglakad lakad na. Tama nga si sir aaron. Masaya at maganda nga sa lugar na eto. Bigla mong malilimutan yong pagsakay mo sa bangka bago ka makarating dito. Mababait din ang mga tao dito at masasabi ko rin na peaceful ang lugar na eto. Siguro babalik ako dito, kasama ng magiging family ko soon. Masaya akong pinagmamasdan ang mga batang masayang naglalaro ng mga buhangin. Siguro magtatagal ako dito bago ako bumalik ng manila.
1 week after...
Pagkaahon ko mula sa tubig alat ay umupo muna ako sa may pangpang ng may bigla tumabi sakin na babae.
"Hi" bati neto sakin. Tiningnan ko naman sya at nginitian.
"Matagal ka na dito?" tanung nya.
"Medyo. Ikaw?" tanung ko sa kanya.
"Kahapon lang. Taga dito rin kami sa marinduque pero taga sta.cruz kami." sagot nya.
"Cristine nga pala' Cristine Almatre" dagdag nya at inilahad nya ang kanyang palad.
"Serra' serra fer--me--mendez. Maganda pala dito nu. Ngayon lang kase ako nakapunta dito. First time ko nga lang din narinig yong lugar na to." nakangiting sabi ko.
"Mag isa ka lang na nagpunta dito?" tanung nya. Nagpunta???
"Huh? Ahh. Oo." maikling sagot ko.
"May boyfriend ka na?"
"Hiwalay na... sa asawa." sagot ko at pinilit ko parin ang ngumiti.
"Im sorry. Bakit kayo naghiwalay?" tanung nya.
"Ahh. Sorry pero ayaw kong pag usapan. Pasensya na ah." paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
"Okay lang. Sorry kung matanung ako. Onga pala kung mag tatagal ka pa dito baka gusto mong sumama samin' balak kase naming pumunta ng boac para mamasyal. Baka gusto mo lang sumama?" alok nya
"Boac?" naguguluhan kong tanung.
"Ahh. 5 kase ako bayan dito sa marinduque. Sa sta.cruz, torrijos, boac, buenavista, at gasan." sabi nya
"Ahh. Ganon ba. S--sige titingnan ko kong makakasama ako." sagot ko at bigla syang tumayo.
"I hope na maging okay ka na at mahanap muna yong taong para sayo." nakangiti nyang sabi sakin at nagpaalam na sya para puntahan ang asawa at mga anak nya.
Pagkatapos kong magswimming ay naisipan ko ng bumalik ng kwarto ng may makita akong lalaki na parang papalapit sakin. It wasn't an optical illusion, it was really him. Ang lalaking ilang linggo ko ng iniiwasan. Pero' anong ginagawa nya dito?
"Damn you!" i silently cursed fate. What the heck! Paano nya nalaman na andito ako?
"What are you doing here? Paano mo nalaman na andito ako? Sinusundan mo ba ako?" sunod sunod kong tanung sa kanya ng makalapit sya sakin.
"Sa dinami dami ng lugar na pupuntahan mo bakit dito pa.?" dagdag ko pa.
"This is a free country" nakangiting sagot nya.
"Yeah. You're right. This is a free country. And i hope you enjoy yourselves." nakangiti ko rin na sagot sa kanya at hahakbang na sana ng bigla ulit syang nagsalita.
"Hindi mo manlang ba gustong makilala yong taong mahal ko?" tanung nya. Napalingon naman ako sa sinabi nya. Nananadya ba talaga sya?
"Wala akong oras para makilala sya. Some other time perhaps." mataray kong sagot.
"Sigurado ka ba?" tanung nya.
"Yeah. I'm sure. Well the truth is i don't want to see her, so i'll just see you around. Bye!" sabi ko sa kanya at mas dinalian ko pa ang mga hakbang ko dahil pakiramdam ko ay sinusundan nya ako.
"Napaka stubborn mo talaga." sabi nya sakin. Iniinis mo talaga ako lalaki ka ah.
"Ano bang kelangan mo huh?" sigaw ko sa kanya.
"Pumunta ako dito para mapag isa. Tapos pupunta ka dito para asarin lang ako! Grow up grae.! Hindi na tayo mga bata." sabi ko sa kanya. Mas lalo lang ako nainis ng ngitian nya pa ako.
"Why are you smiling? Talagang may oras ka pa para ngumiti ano! Ang kapal talaga ng mukha mo.!" inis kong sabi sa kanya.
"Come down serra. I just came here to introduce to you my girl. Ang babaeng mahal na mahal ko at hindi ko kayang mawala sa buhay ko. Aren't you happy?" Ang kapal talaga! Sobrang kapal ng mukha nyang tanungin ako kong hindi ba ako masaya.
"Masaya na ako." sabi ko at ngumiti pa ako para tigilan nya na ako.
"And i told you na ayaw ko syang makita at makilala. So can you just leave me alone!" dagdag ko.
"So i guess this is the only way i can introduce her to you" sabi nya kaya tinarayan ko sya.
But in a flash, his mouth is on me. When i felt his body against mine, i almost fainted. I realized that being his arms again was like experiencing heaven on earth again.
"H-- how dare you?! You have no right!" sigaw ko sa kanya ng makalayo ako sa kanya.
"I kissed you because you we're talking non-stop. And don't you get it? Your that woman serra. It always been you."
"Talking non-stop, talking non-stop?!Wala kong panahon para makipaglukuhan sayo." inis kong sabi sa kanya.
"Sino ba ang nanloloko?" sabi nya.
"Do i have to kiss you again to convince you?" dagdag nya pa at akmang lalapit na sana sya ng itapat ko sa muka nya ang palad ko.
"Subukan mo lang at nang kamao ko na ang mahalikan mo!" sigaw ko sa kanya.
"Aalis na ako. At iintayin ko nalang na bumalik ka sa manila saka ko sasabihin sayo ang lahat. At sana... Sana matanggap mo parin ako." nakangiti nyang sabi sakin at ilang sandali lang din ay lumakad na sya palayo sakin.
-------------------------------------------------------------
End of this Chapter

BINABASA MO ANG
Adopted (EDITED)
FanfictionDo we really need to disguise just to pretend and to avoid attention?