Chapter 17

207 2 0
                                        

"Si lloyd ba yung naghatid sayo? Bakit hindi mo muna pinasok--"

"Hindi si lloyd ang naghatid sakin. Akyat na ako" sagot ko sabay takbo ko paakyat ng kwarto.

Habang nag didinner kami ni kuya ay tunog ng tunog ang phone ko. Kanina pa ako tinetext ni lloyd pero hindi ko sya nrereplyan.

"Sino na yang text ng text sayo?" naririnding tanung ni kuya.

"Kanina pa tunog ng tunog yan. Replayan mo nga" dagdag nya po.

"Hayaan mo lang" sabi ko sabay subo.

"Baka si lloyd yan' sagutin muna"

"Kuya" sabi ko habang umiinom sya ng tubig.

"Ohh bakit?"

"Pano kong may nagsabi sayo na nagccheat ang partner mo' anong gagawin mo?" tanung ko. Bigla naman syang napatingin sakin na parang naguguluhan sa mga sinabi ko.

"Gagawin ko? Hmm. Teka-- teka. Niloloko ka ba ni lloyd?"

"Ewan-- i mean hindi. Hindi ko alam. Nagtatanung lang ako sayo. Ano ngang gagawin mo?"

"Kakausapin ko sya, papaaminin ko sya kong ano ba talaga ang totoo" sabi ni kuya sabay subo ng fried chicken

"Pano kong hindi naman sya umamin?"

"Edi--- ehhh! Bakit ba ako ang tinatanung mo nyan?" pasigaw nyang sabi.

"Sino ba nagsabi sayo nyan at apektado ka? Ano ba talagang meron?" dagdag nya oa.

"Basta." sagot ko

"Ganto nlang, kung gusto mong malaman yung totoo o para maniwala ka. Mas okay na ikaw yung makahuli don sa lalaki. Okay na? Kung wala ka ng tanung tatayo na ako."

"Wala na." sagot ko. Nagpaiwan ako saglit sa lamesa at don ako nag isip isip ng biglang nag pop up sa isip ko yung nangyare kanina samin ni grae.

"Hoy serra, anong oras mo balak tumayo dyan. Tumayo ka na nga dyan." sabi ni kuya kaya wala akong choice kundi tumayo na at dalhin ang pinagkainan ko sa lababo.

"Sino pala naghatid sayo kanina?" tanung ni kuya ng makabalik ako sa may sala.

"Si gra--grae" sagot ko

"Ohh' e bakit hindi mo pinapasok? Nagmamadali ba sya kanina?"

"Hind--ewan ko. Bakit ako tinatanung mo? inis kong tanung.

"Akyat na ako" dagdag ko sabay akyat ko papuntang kwarto.

"Hoy serra!" sigaw ni kuya.

---

Sabado

Ilang araw ko ng hindi pinapansin si lloyd at grae. Lagi akong pinupuntahan ni lloyd sa bahay para sunduin ako. Sa tuwing lalapit sya sakin dito sa school' umiiwas agad ako. Si grae naman hangga't maari umiiwas ako sa kanya. Ayoko kaseng pagusapan yung nangyare samin.

"Love, pwede ba tayong mag usap?" sabi ni lloyd sakin ng bumaba ako galing sa kwarto ko.

"Anong ginagawa mo dito lloyd?"

"Kausapin mo naman ako. Ano ba nangyare sayo? Hindi lang kita naihatid non pag uwi nagkaganyan ka na. Ano ba nangyayare sayo? Ilang araw mo na rin akong hindi tinetext. You don't even reply on my texts. Sa school iniiwasan mo ko"

"I just want the truth lloyd" humarap ako pagkasabi ko non sa kanya.

"Truth? Anong truth?" naguguluhan nyang tanung.

"Are you cheating again? Do you have another girl?" deretso kong sabi. Buti nlng wala dito si kuya at kasama sina ron na gumagala sa mall.

"Ano? Cheating ako? Hahaha. Kanino-- sino naman ang nags--sabi sayo nyan?"

Adopted (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon