Chapter 23

198 4 0
                                    

Pagkarating namin sa labas ng bahay' si grae na ang nag doorbell. Habang ako'y nasa labas lang ng kotse.

"Ohh' grae ikaw. Gabi ka na. Sino--sinong kasama mo?-- Serra?" sabi nia kuya. Bigla naman akong nataranta sa pag banggit nya ng pangalan ko. Buti nalang may ilaw sa may gate kaya pinanlakihan ko agad si kuya ng mata.

"I mean hinahanap ka ni serra sa loob. Hehe. Kanina pa sya actually." sabi ni kuya saka ngumiti ng pilit. Baka mabuking pa ako ng dahil sa kanya e. Nilapitan ko naman agad muna si grae para sana sabihan sya na umuwi na sya.

"Grae, thankyou sa paghatid pala. Uwi--uwi ka na. Bak--baka kase matraffic--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang sumingit si kuya sa usapan.

"Pasok ka muna. Para makapagkape ka. Nakakahiya naman sayo kong uuwi ka e baka inaantok ka na." saad ni kuya sabay tingin sakin na parang gusto nyang sabihin na pumayag na ako.

"Oo. Sige. Pas--magkape ka na pala muna." naiilang kong sabi kay grae.

Pagpasok namin sa loob. Nakatingin samin si kate. Parang naguguluhan o parang nagulat sya na bakit kasama ko si grae ngayon.

"A--akyat muna ako. Kuya' ikaw na muna bahala kay grae ah. Bababa din ako." sabi ko kay kuya. Sinamaan lang ako ng tingin ni kuya. Nagtigil muna ako sa kwarto ng mahigit 30mins. Kelangan kong mag isip kung ano ang sasabihin ko. Tsaka pano kong hanapin ni grae si serra' paano na? Bakit kase yun pa ang sinabi ni kuya kanina. Nakakainis talaga sya.

"Bakit ang tagal mo?" kitang kita sa mukha ni kuya ang pagkainis na parang hindi mapakali.

"Kuya. Umayos ka nga. Tsaka asan ba si grae? Nak--nakauwi na ba sya?" bulong ko kay kuya.

"Paano ako aayos e hinahanap nya si serra. Nakakainis! San ka ba galing? Atsaka pano ba kayo nagkita? Ginagawa mo kong sinungaling neto e.!" inis na sabi ni kuya sakin. Hinampas ko naman sya dahil sa hindi na rin ako mapakali.

"Wag kang magpahalata kuya. Mamaya ko nlng sasabihin sayo. Teka' asan ba yun si grae?"

"Nasa cr. Hinihintay ka at uuwi na rin daw sya e ang tagal mo daw kaya naki cr na sya." sagot ni kuya. Umupo muna ako kate na busy sa paglalaro ng phone nya.

"Pano kay nagkita ni grae? bulong ni kate sakin.

"Dba nagyaya yung mga kateam ko na lumabas. E pinagbigyan ko. Hindi ko naman alam na andon din yan. Nagulat nlng ako na sinundan ako palabas ng eastwood." pagkkwento ko.

"Ang pinagtataka ko pa nga e tinatawag nya yung pangalan ko." dagdag ko pa.

"Pangalan mo' ni sabrina?" naguguluhang tanung ni kate sakin.

"Hindi. Serra. Tinawag nya ako ng ilang beses sa pangalan ko."

"Weird. Baka naman' hindi kaya?" sabi ni kate na parang nag iisip.

"Hindi kaya ano?" tanung ko sa kanya. Magsasalita na sana si kate ng senyasan ako ni kate na papalapit na si grae samin.

"Uuwi ka na?" baling ko kay grae na parang hinihintay ako na tumingin sa kanya

"Ahh. Oo. Kelangan ko na kaseng umuwi. Salamat pala sa pakape tsaka sa dessert." sabi nya kay kuya. Nakipag kamay pa sya dito bago muling lumapit sakin. Senenyasan ako ni kuya na ihatid ko sa labas kaya napatayo na rin ako.

"Hat--hatid na kita." nauutal kong sabi sa kanya. Nauna na rin akong maglakad sa kanya palabas ng bahay. Mas lalo akong nailang habang palabas kami ng gate. Pakiramdam ko kase parang tinitingnan nya ako mula sa likod ko.

"Thank--thanyou ulit sa paghatid. Ingat ka sa pagdrive. Papasok na rin ako." sabi ko sa kanya at palakad na sana ako papasok ng gate ng bigla nyang hawakan ang braso ko. Parang pakiramdam ko ay bigla namulay ang mga ugat ko. Serra! Wake up! Hinawakan ka lang nya. Chill ka lang!

"Ba--bakit?" tanung ko ng mapansin kong nakatingin sya sakin.

"O--okay ka lang ba?" dagdag ko pa.

"Ye--yeah. Okay lang ako. Pero--"

"Pero ano?" tanung ko.

"Can i see you again?" deretsong tanung ni grae sakin. Mas bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi nya sakin.

"Ha? Bakit? E for sure hindi na naman na tayo magkikita. Papasok na ako sa loob. Salamat ulit." prangka kong sabi. Akala ko magbabago na ang itsura ng mukha ni grae. Pero nakangiti parin sya sakin.

"Okay. Sige mauuna na ako. Magdala ka na ng kotse nextime." nakangiti nya pang sabi sabay sakay sa kotse nya. Pumasok na din ako sa loob ng bahay. Magdadala na talaga ako ng kotse sa sunod.

"Ohh' anong nangyare? Nabuking ka na ba? Sorry sis. Hindi ko sinasadya." sabi ni kuya na halatang nag aalala.

"Hindi. Tsaka im sure hindi naman na kami magkikita non e. Sige akyat na ako. Pagod ako e." sabi ko sa kanila at aakyat na sana ako ng pakinggan kong nagsalita si kuya.

"Patay!" mahina nyang sabi. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Patay? Bakit kuya? May-- may problema ba?"

"Hin--hiningi nya kase number mo sakin kanina e. Sorry" paghingi ni kuya ng pasensya sakin sabay kamot sa ulo.

"Binigay mo? Kuya! Bakit mo naman binigay?" naiinis kong tanung sa kanya. Pag minamalas nga naman ohh!

"Oo. E hinihingi nya e. Atsaka sabi nya--"

"Anong sabi nya? Kuya naman e. Nakakainis ka talaga!"pagrereklamo ko.

"Wala. Wala palang syang sinabi. Sige akyat na ako." sabi nya sabay lampas sakin

"Kuyaaaaaaaa!" sigaw ko sa kanya. Pero hindi nya manlang ako nilingon. Bwisit ka!

"Goodnight" sabi nya pa. Bago tuluyang pumasok sa kwarto nya.

"Nakakainis yang bf mo kate! Kausapin mo nga yun!" baling ko kay kate na busy na naman sa phone nya.

"Hoy kate' nakikinig ka ba?"

"Oh--oo. Nakikinig ako. Nagtext lang kase si josh." sabi nya sabay tayo.

"Tulog na daw tayo kase pare-parehas pa tayong may pasok bukas." dagdag ni kate sabay lapit sa may hagdan.

"Ikaw? Akala ko magpapahinga ka na? Pahinga ka na." nakangiting sabi ni kate sakin at inunahan na ako sa pag akyat sa kwarto ko. Haayy! Ano ba naman tong buhay to. Napakamalas ko naman ngayong araw na to!

"Sus. Arte pa. Ang swerte mo nga kase nakita mong muli si grae e." sabi ng isang bahagi ng isip ko. Anong swerte? Paano ako naging swerte e kulang na nga lang atakihin ako sa puso kanina e. Bakit ba kase kelangan ko pa syang makita.? Bakiiiiiiiiiiiit?!

Adopted (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon