Chapter 20

186 2 0
                                    

"Alam ba ni lloyd na may lakad tayo ngayon?" tanung ni kate sakin habang naglalakad kami sa mall.

"Hindi. Besides hindi nya naman kelangan malaman yun."

"E asan ba si lloyd? Baka mamaya puntahan tayo non." sabi ni sophie na nakahawak sa braso ko.

"Nasa hotel lang sguro yun. Wag na nga natin sya pag usapan. Mag enjoy nlng muna tayo" sabi ko. Niyaya ko muna silang magtingin ng mga damit sa bench.

Naikwento ko na rin kayna sophie ang nangyare don sa bahay. Pati ang pananakit ni lloyd sakin nong nasa states pa kami. Sinabi nga nila na sabihin ko na rin kay kuya josh para mapagsabihan pero hindi ko sila pinakinggan. Alam ko na isang araw ay babalik din sa dati si lloyd.

"Serra" tawag ni klariz sakin sabay kublit sakin.

"Hoy serra" tawag nya ulit kaya tumingin na ako sa kanya.

"Ano ba yun? Kanina ka pa dutdut ng dutdut sa balikat ko e."

"Dba sinabi mo na nasa hotel si lloyd."

"Oo. Teka bakit ba?" naguguluhan kong tanung.

"Dba si lloy--lloyd yun?" sabi ni klariz sakin sabay turo don sa lalaki na naglalakad sa labas ng bench na may kasamang babae. Lumapit naman sakin si kate at hinawakan ako sa braso.

"Si lloyd yun dba? Pero bakit may kasama syang babae at tingnan mo oh' mukhang nag eenjoy pa yung dalawa. Lapitan ko na kaya at ng masanubutan ko na yung dalawa yun! naiinis na sabi ni kim samin.

"Serra tara na." yaya ni kate sakin. Gusto kong lumapit sa kanila pero pakiramdam ko hindi ko maigalaw ang katawan ko. Lahat ng gusto nya ginawa ko kahit sinasaktan nya na ako pero hindi ko naisip na gagawin nya lang ulit sakin to. Na lolokohin nya ako. Tama nga si grae. Niloloko ako lloyd pero hindi ko sya pinakinggan, pinalampas ko yun kase mahal ko sya.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Ayokong makita ako ng mga tao na mahina ako. Ang kapal ng mukha mo lloyd. Ang kapal ng mukha mo.!

"Hoy serra' san ka pupunta?" nag aalaang tanung ni sophie sakin. Hindi ko sila pinansin at dali dali akong lumakad para lang maabutan sila. Wala na akong pakialam kong mapahiya ako ngayon. Gusto ko lang na mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Ramdam kong nakasunod lang sakin sina sophie at kate pero ako dere-deretso lang ako hanggang sa bigla silang tumigil.

"Lloyd! sigaw ko wala akong pakialam kong may nagpapapicture sa kanila. Agad akong lumapit sa kanila. Kitang kita sa mukha ni lloyd ang pagkagulat ng makita ako.

"Serra ano--anong ginagawa mo dito?" tanung nya sakin.

"What the hell are you doing?" maarteng sabi nong babae. Ang laking gulat ko ng humarap yung babae yung babae.

"Ano? Why are you staring at? Don't you see busy kami, tapos uneepal ka diyan." pagtataray nya.

"Busy? Eto ba ang busy? Ang galing mo din ng timing mo e nu maxene. Hindi ko alam na may pagkahigad ka talaga!" sigaw ko sa kanya. Yung mga tao sa mall nakatingin narin samin. May mga kumukuha na rin ng mga video. Magkasiraan na tayo ng buhay ngayon!

"At ikaw lloyd! How could you do this to me? Akala ko ba tapos na kayo ng babaeng to? Ang galing nyo rin talaga nu! Ang kapal ng mukha mong lokohin ako. Pinalampas ko yung pananakit mo sakin. Inilihim ko sa family ko yung ginagawa mo sakin. Tapos eto lang igaganti mo sakin. Magbestfriend tayo dba' hindi ko alam na gaguhin mo ko! Sana hindi nlang yung pinili ko! Wala kang kwenta!"

Adopted (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon