"Ano?" irita kong tanung habang naglalakad ako papuntang goldilocks.
"Ako na magdadala ng pinamili mo" sabi nya sabay kuha sa kamay ko.
"Akin na nga yan. Kaya ko naman e. Tsaka bakit ba hanggang ngayon sunod ka parin ng sunod. Ano ba talagang kelangan mo?" tanung ko sa kanya. Kung alam ko lang na pupunta pala dito yang grae na yan edi sana nagkulong nalang ako sa kwarto.
"Ikaw." maikling sagot nya kaya napatigil ako sa paglakad.
"Umuwi ka na. Mapapagod ka lang kakasunod sakin. Mamaya pa ako uuwi." pagtataboy ko sa kanya. Sana naman makaramdam na sya na gusto kong mapag isa.
"Ihahatid kita pauwi."
"Grae! Please! Tumigil ka na tama na okay! Awat na. Please. Umuwi ka na!" sabi ko sabay pasok sa loob para umorder. Pinagbubulungan narin ako ng ibang tao dito sa loob ng goldilocks. Hindi ko nalang pinansin at pagdating ng inorder ko ay lumabas na rin ako agad.
"Serra" tawag sakin nong lalaki na akala ko ay nakaalis na. Kaya bigla akong napatingin sa kanya.
"Ano? Anong sabi mo?" pag mamaang maangan ko.
"Kelangan mo talagang gawin to?" seryoso nyang tanung. Dumeretso na ako ng paglakad hanggang sa makarating ako sa escalator. Hindi ko na rin maramdaman ang prisensya na. Buti naman at sumuko na sya. Pagkalabas ko ng mall. Don ko narealize na gabi na pala. Nagmadali akong maglakad hanggang sa makapila ako para makasakay na ng tricycle.
After 15 mins.
Pagdating ko sa labas ng bahay. Kinapa ko na agad sa bag ko ang susi pero wala akong makapa. Asan na ba yun? Nang wala talaga akong makapa walaakong choice kung hindi ang mag doorbell.
"Bakit ngayon ka lang?" natatarantang tanung ni kate sakin.
"E nag enjoy ako magshopping e. Bakit? Tsaka bakit ikaw ang nagbukas ng gate? Asan si kuya?"
"Nasa loob. May kausap. Kanina ka pa nga nya iniintay e." sabi ni kate, hindi ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng kakaiba.
"May kausap? Sino?"
"Si grae." sabi ni kate at mas lalong kumabog ang dibdib ko.
"Si grae' na naman? Bakit na ang kulit ng taong yun? Hindi manlang ba sya napapagod sa ginagawa nya?!"
"I think he knows everything about you." mahinang sabi ni kate pero alam ko ang ibig nyang sabihin. Alam na ni grae lahat? Pero paano? Kaya ba kinukulit nya ako?
Pagpasok ko sa loob nakita ko si kuya at grae na nag uusap sa may lamesa namin. Agad naman silang tumingin sakin pero nilampasan ko sila.
---
"Andito ka parin?" tanung ko sa kanya ng maabutan kong nasa bahay parin namin sya.
"Yes. I want to talk you." sagot nya sakin.
"Bakit mo ba to ginagawa to grae?" naaawa kong tanung sa kanya. Naguguluhan na rin ako sa mga pinaggagagawa nya.
"Cause i want too." deretso nyang sabi sakin.
"Can you stop pretending that you really don't know that i already know your secret." seryoso nyang sabi sakin kaya natameme ako.
"Ano--ano bang sin--sinasabi mo?" utal utal kong tanung.
"Magpakatotoo ka na. Hindi mo naman na kelangan magpanggap bilang ibang tao e. Hindi mo kelangang gawin yun." sabi nya sakin kaya mas napaisip ako. Bakit ko nga ba to ginagawa? Bakit ko nga ba pinahihirapan ang sarili ko? Bakit ko nga ba kelangang magpanggap?

BINABASA MO ANG
Adopted (EDITED)
Hayran KurguDo we really need to disguise just to pretend and to avoid attention?