Chapter 36

167 1 0
                                    

Simula nga din ng makabalik ako sa bahay ay lagi rin akong pinupuntahan ni grae dito sa bahay para kausapin at suyuin. He's using kuya josh too para lang makausap ako pero gumagawa akong ng paraan para hindi kami magka usap o kahit makita manlang sya. He always telling me na mali lang ako ng pakakaintindi, na misunderstanding nga lang daw ang lahat. Sinong niluko nya?! Gets na gets ko yon! Sabagay kahit naman paaminin ko sya sa ginawa nya e hindi rin naman sya aamin. Sino nga bang manloloko ang aamin sa kasalanan nya? They're all jerks! Pare-parehas lang sila.

"Ohh nag mumukmok ka na naman dito sa kwarto mo' hindi parin ba kayo nagkakaayos ng asawa mo?" tanung ni kate sakin habang kalong ang panganay nilang anak ni kuya josh na si kym na 2yrs old na.

"Ex." pagcocorrect ko. Inaayos ko na ang papel namin para mahiwalayan ko na ng tuluyang ang lalaking yun.

"Hindi mo pa sya ex. Kasal ka parin sa kanya. Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? Bakit hindi nyo pag usapan to ng mas maayos at mahinahon."

"Wala na kaming dapat pag usapan kate. Pinagbigyan ko na sya pero anong ginawa nya. He also cheated on me. Pare-pareho lang sila." sabi ko at hindi ko mapigilan ang magalit lalo kay grae.

"But you still love him right?" tanung nya.

"Ye--no! Hindi sapat yun. My heart is so numb, so numb. Puro galit nalang ang nararamdaman ko sa kanya. I just realized na para akong tanga. Umasa ako na mamahalin talaga ako ni grae but im wrong. Siguro malas lang talaga ako when it comes to love." malungkot kong sabi sa kanya. Bigla naman akong hinawakan ni kate at tiningnan.

"Pero kong gusto mo na gumaan ang pakiramdam mo you need to talk to him. I know mahirap yang pinagdadaanan mo. But i think you two really need to talk. Para kong ano ang mapagdesisyunan ninyo, edi gawin nyo kong ano yong dapat, at kung ano yong tama." mahinahon na sabi nya sakin. Hinawakan ko muna ang kamay ni kym bago sila tuluyang lumabas ng kwarto ko. Isa lang ang naiisip ko. Matagal na panahon pa ang iintayin namin ni grae bago ko sya mapatawad. It will take time.

---

@Grae's condo

Pagdating ko sa labas ng condo unit ni grae ay di na ako nagdalawang isip na mag doorbell. Ayoko rin naman na magtagal ako dito. Gusto ko lang kunin yong ibang mga gamit ko. Ilang beses pa ako nag doorbell pero walang nagbubukas ng pinto kaya naisipan ko ng hawakan ang doorknob at pinihit ko yon at nagulat ako ng bumukas yon. Hindi manlang talaga sya marunong mag lock ng pinto.

Pagpasok ko sa loob ay nanibago ako sa itsura. Lahat ng gamit ay nagkalat' daig pa ang binagyuhan. Puro bote rin ng alak ang mga nasa ibabaw ng mesa at sa may sala. Puro basag din ng mga baso. Hindi ko nalang pinansin pa yon at dumeretso na ako sa kwarto para kunin na yong mga gamit ko at naabutan ko na nakaupo si grae sa ibabaw ng kama at umiiyak. Umiiyak? Ngayon ko lang sya nakitang umiyak? Hindi ba dapat masaya sya ngayon? Nagsisisi na ba sya sa ginawa nya sakin? Kulang pa sa kanya yan!

"S--serra." mahinang sabi nya ng makita nya ako.

"Please bumalik ka na dito." pagmamakaawa nya

"Pumunta lang ako dito para kunin yong iba ko pang gamit. Aalis din ako." deretsong sabi ko sa kanya.

"Ganon lang ba kadali sayo ang iwan ako?" hinay hinay nyang sabi. Ngayon ko lang napansin na may mga bote rin pala sa sahig at meron din bote sa kama.

Adopted (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon