Chapter 28

160 3 0
                                    

"Just accept your feelings for him" yan yung linyang hindi mawala wala sa isip ko simula nong sinabi sakin ni kuya. Meron pa nga ba akong feelings para kay grae? Inaamin ko na masaya ako nong nakakasama ko sya nong mga college pa kami, yung mga tawanan namin, pag sinasamahan nya pag masama ang loob ko. At masaya rin ako nong nakita ko sya ulit. At the same time takot at hiya ang nararamdaman ko dahil sa ginawa kong pag sisinungaling sa kanya. Alam ko' ramdam ko na nagugustuhan ako as sabrina noon. Pero wala akong ginawa. Hindi ko parin inamin sa kanya yung totoo. At ngayon sa nangyare sa kanya sana..  sana masagot na rin yung katanungan sa isip at puso ko... At sana magkamalay na si grae.

Two years after

Hindi ko alam kung kelan ko narealize. Hindi ko alam kung kelan nagsimula. Hindi ko alam kung bakit? Hindi ko alam kung paano? Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang tinanggap at narealized na gusto ko parin pala si grae. Sguro nawala lang pansamantala yung nararamdaman ko sa kanya kase mas nagbigay ako ng focus non sa naging relasyon namin ni lloyd. At hindi ko parin yun pinansin dahil sa nawala ako ng tiwala o dahil narin sa takot ako na baka masaktan ulit ako.

At sa lumipas na araw, buwan at taon. Hindi ako nakatanggap ng kahit anong messages galing sa kanya.. I don't even see his face, even his shadow. Kahit sina kuya hindi na sya makontak. Nag aalala ako kase baka kung ano na nangyare sa kanya. Hindi parin malinaw sakin ng nangyare sa kanya. Every week i've tried calling him pero laging not attended. Kaya minsan naiisip ko' kinalimutan nya na kaya ako? Kami? Kaming mga kaibigan nya?

Napagdesisyunan kong mag resign muna sa trabaho ko. I want to breath. Kelangan kong hanapin ang sarili ko. Parang  pakiramdam ko hindi na ako makahinga dahil sa kakaisip sa kanya. Kasalanan ko kung bakit nangyare sa kanya yun. Kasalanan ko kung bakit wala sya ngayon. Kasalanan ko ang lahat.

"Are you sure ayaw mong samahan kita?" tanung ni kate sakin.

"Im good. Besides 1year lang naman ako mawawala." sagot ko.

"Bakit kaya hindi mo nalang sya puntahan kung asan man sya' sila ng parents nya?" suggestion ni kate sakin. Actually naisip ko na rin yun pero bigo ako.

"I don't even know his address. Pati nga si kenneth hindi nya na kinokontak e. Siguro ayaw nya lang talaga na maistorbo. Hindi ko naman sya masisisi kung putulin nya na lahat ng connection samin, satin." Hindi ko parn maiwasan ang malungkot pag naiisip ko si grae.

"Don't think about that. Wala kang kasalanan sa nangyare kay grae. May dahilan ang diyos kung bakit sa kanya nangyare yun." Laking pasalamat ko at andyan sila kate para sakin. Hanggang ngayon, sarili ko parin ang sinisisisi ko. Sino pa ba nga ang dapat sisihin? Ako lang naman ang dahilan kong bakit biglang bumalik sa ibang bansa si grae.

"Sige na. Magpahinga ka na. Papasok na muna ako sa trabaho." sabi nya at tuluyan ng lumabas ng bahay si kate. Mag isa na naman ako.

Two Years Later ...

Ang akala ko tatagal lang ako dito sa ibang bansa ng buwan, ng isang taon pero hindi ko alam na magtatagal ako dito ng isa pang taon. But now i've decided to comeback here in the philippines. Tama na ang dalawang taon para sa pag iisip ko kay grae. Tama na siguro ang dalawang taon para sisihin ko ang sarili ko sa nangyare sa kanya.

To: Kuya Josh

Im here at the airport. See you guys! 😘💓

To: Kuya Josh

And by the way, im with someone.

Kate POV

"Ano nagtext na ba sayo si serra?" tanung ni josh sakin. Alam kong masaya sya na babalik na ang kapatid nya. Matagal rin ang dalawang taon. We just give her time para makapag isip isip.

Adopted (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon