"Ohh kamusta yung pag uusap nyo ni grae? Okay na ba kayo ulit? Pwede ng simulan ang --"
"Akyat na muna ako." sabi ko sabay deretso ko sa kwarto ko.
Hindi na ako nag abalang kumain ng lunch at dinner. Gusto ko lang mag mukmok dito sa kwarto ko. Hindi ko maintindihan kong bakit ganon ang trato ni grae sakin.
Friday
"Hoy serra. Kumain kain ka naman. Mukha kang gulay sa itsura mo. Bakit mo ba ginagawa yan sa sarili mo huh? Dahil kay grae o dahil kay jeron? Ano na ba nangyare sa inyo nong boyfriend mo?" tanung ni kuya sakin. Alin kaya don ang uunahin kong sagutin?
"Oo na. Babangon na." sagot ko.
"Isusumbong na talaga kita kay mommy dahil dyan sa mga ginagawa mo!" pagsesermon sakin ni kuya.
"Eto na nga ohh. Tatayo na." sabi ko at dumeretso na ako sa labas ng kwarto.
"Ate mela ano pong ulam?" tanung ko sa bago naming maid
"Nasa mesa na neng. Kumain ka na don. Isusunod ko nalang yung juice." sabi nya sabay balik sa may pwesto nya kanina.
"Ano ba nangyare? Ilang araw kang hindi kumain? Ilang araw kang hindi lumalabas ng kwarto mo? Tinatawagan ka daw ni grae pero nakapatay daw yung phone mo. Ano ba nangyayare sayo?" tanung ni kuya sakin na nasa harap ko ngayon habang kumakain ako ng umagahan. Tinatawagan? Bakit nya naman ako tatawagan? Pagkatapos nyang sabihin yon sakin.
"Psh!" sabi ko nalang.
"Anong psh? Ang dami kong tanung pero psh lang yang sagot mo. Wala tayong psh ngayon" sabi ni kuya sakin.
"Kumakain naman kase ako kuya. Pwede bang wag mo muna akong tanungin tungkol dyan" sagot ko. Pagkatapos ko ngang kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko para maligo.
Pagka open ko ng phone ko ay puro text nina sophie ang bumungad sakin. Tinatanung nila kong ano na nangyare sakin so i replied na buhay pa ako. Nakarcvd din ako ng text galing grae at kay jeron.
Frm: Grae (Monday 10:30am)
Hey! Are you alive? Can you go out with me?
Go out? Go out nya yung mukha nya.! Sunod na binuksan kong text ay galing sa cheater kong ex na soon to be my sana buti nalang din at nalaman ko ang totoo.
Frm: Jeron
Hey babe. How are you? Im sorry, im so busy this last few weeks. Iloveyou and see you soon 💓
Hindi ako nag aksaya ng oras para replyan pa sya. Wala din naman syang kwenta.
"Serra" tawag sakin ni kate mula sa labas ng kwarto ko. Agad ko naman syang pinagbuksan ng pinto.
"Bakit?"
"May bisita ka sa baba." sabi nya kaya napaisip ako. Sino naman kaya yung bisita ko na yun?
"Sabihin mo na masakit tiyan ko or may lbm ako. Paalisin muna sya." sabi ko kay kate. Kitang kita ko sa mukha nya na parang naguguluhan sya sa sinasabi ko.
"S--sigurado ka? E si j--jeron yung nasa baba e. Hinihintay ka. Nagtext daw kase sya nong monday sayo pero hindi ka daw nagrereply kaya umuwi na daw sya dito agad." sabi ni kate. Nakaramdam naman ako ng inis dahil don. Ang kapal naman ng mukha nya para pumunta dito. Sabagay mayaman sya. Hindi sya nanghihinayang sa pera sya.

BINABASA MO ANG
Adopted (EDITED)
Fiksi PenggemarDo we really need to disguise just to pretend and to avoid attention?