Chapter 39

191 2 0
                                    

"San ka galing?" tanung ni kuya sakin pagdating ko sa bahay.

"H--huh? Ahh. Sa boutique, tiningnan ko lang kong naaasikaso ng maayos." pagsisinungaling ko.

"Ahh. Si grae nakita mo ba don?"

"Hindi." sagot ko.

"Um--umiyak ka ba?" pagtataka nyang tanung sakin. Pinunas ko naman agad ang pisngi ko.

"H--hindi. B--bakit?"

"Wala. Yong mata mo kase e. Kumain ka na ba?" tanung ni kuya.

"Mamaya na. Magpapalit muna ako sa kwarto. Si baby kym asan?" tanung ko.

"Umuwi muna si kate sa kanila kasama si baby kym. Pero babalik din yon mamayang hapon sguro."

"Ahh. Akyat lang ako. Bababa din ako agad." sabi ko at naglakad na ako papuntang hagdanan.

"S--sige" nakangiting sagot ni kuya.

Pagbalik ko nga sa kusina ay andon ang mga barkada ni grae maliban sa kanya. Nagulat pa ako ng makita ko don si james.

"Hi serra." nakangiting bati nya sakin. Yumakap naman ako sa kanya bilang pag welcome sa kanya.

"W--welcome back! K--kelan ka pa?" gulat na tanung ko.

"Kahapon lang. How are you? Nabalitaan ko yung nangyare sa inyo ni grae." sabi nya. Ang bilis talaga ng balita. Well kaibigan sya ni grae kaya malalaman nya talaga yon. Bigla kong naalala si paulo. Shit! Baka alam nya kong sino yon.

"I--im good. Okay naman ako." nakangiting sagot ko. Nakaramdam naman ako ng pagkahiya ng makita kong hindi ako tinitingnan ni joaquin. Masama parin ang loob nya sakin. Paano ba naman hindi sasama ang loob sayo e hindi maganda ang iniisip mo sa kaibigan nya.

"B--baka gusto mong sumama samin?" tanung ni james.

"Saan?"

"We're planning na puntahan si grae. Wanna join us? Hindi daw kase lumalabas ng condo yun. Even his mom' hindi sya makontak kase nakapatay daw lagi ang phone. Hindi pa rin ba kayo okay?" tanung nya. Kaya pala walang nagrereply sakin. Nakapatay naman pala yong phone nya

"W--wag na muna." sagot ko.

"Onga pala. James' do you know who's paulo?" tanung ni kenneth sa kanya. Napatingin naman sakin si james ng mabanggit yong pangalan nong paulo. Iba ang dating sakin ng tingin ni james. Parang ayaw nya yong pag usapan. Parang may nililihim talaga sila sakin ni grae.

"H--huh? Pau--paulo? Hmm. W--wala naman. B--bakit nyo na--naitanung?" utal utal nyang sagot kay kenneth

"Nothing. Sabi kase ni serra nagpunta daw yon sa boutique nila. Kase nakiusap daw sa kanya si grae' ipapasara daw muna yong boutique. E hindi naman pumayag tong si serra na ipasara yon." pagkkwento ni kenneth

"Ahh. Ganon ba? H--hindi ko sya ki--kilala e." sabi ni james. Kung wala syang alam at kong hindi nya kilala si paulo bakit ganon sya sumagot? Bakit utal utal sya? Ang gulo naman! Sino ba talaga yong paulo na yon?

Adopted (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon