Chapter 16

200 1 0
                                    

Kinabukasan

Maagang mga nagsialisan sina sophie ng bahay kanina. May klase kami ng 10am ngayon.

Hindi na ako nagpasundo kay lloyd dahil alam kong tulog parin yun hanggang ngayon kaya nauna na akong pumasok sa school.

Pagpasok ko sa room, unang kong nakita si kenneth na titig na titig sakin.

"Hoy? Bakit ka nakatingin sakin? Baka magkapalitan tayo ng mukha nyan" biro ko

"Ayy. Sorry. Serra' may nilakaran ka ba kagabi?"

"Me--wala wala naman. Bakit?"

"Ahh. Para kaseng kamukha mo yong nakita namin sa eastwood kagabi pero hindi rin sguro, pero para kaseng magkamukha kayo e pero--

"Pero ano?" tanung ko

"Pero magkaiba kayo."

"Magkaiba? Paanong magkaiba?" tanung ko

"Maganda kase yun tsaka basta. Sguro namali lang ako ng tingin. Ang malas nga kase si grae lang yong nakikilala nya"

"Grabe. Grabe ba ang kapangetan ko?" biro ko

"Hindi naman. Pero hayaan muna. Mali lang sguro ako ng tingin."

"Asan pala si lloyd? Kayo na dba? Bakit di mo kasabay? sunod nyang tanung.

"Ahh. Nauna kase akong pumasok sa kanya."

"Nakita ko nga rin pala si lloyd don sa pinuntahan namin. Akala ko nga ikaw yung kasama nya e."

"Ahh. Ganon ba? Hin--hindi kase ako sumasama pag gumigimik sila. Tsaka hindi rin naman nila ako papasukin dahil sa itsura ko" natatawa kong sabi

"Edi mag ayos ka. Kahit sino naman pwede pumunta don e. Gusto mo pumunta tayo don?"

"Nextime nlng sguro. Sige lapitan ko lang sina sophie ah." sabi ko kay kenneth. Agad naman akong tumayo para lapitan sina sophie

"Ano pinag usapan nyo ni kenneth?" tanung ni klariz

"Huh? Ahh. Wala naman. Tinanung nya lang kung lumabas daw ba kagabi."

"Anong sinabi mo? Sinabi mo bang andon ka?" tanung naman ni kim. Bigla akong nakaramdam ng inis nong maalala ko yung ginawa nya kagabu. Muntik na akong mabesto dahil sa kadaldalan nya.

"Ano palagay mo sakin tanga' at sasabihin ko yun. Atsaka pwede ba' sa susunod nga wag kang magpapakainom, kase ng dahil sa kadaldalan mo baka dyan pa nila malaman yung totoo" inis kong sabi sa kanya. Hindi ko na sila inintay na magsalita at nilapitan ako ni lloyd.

"Love. You okay?"

"Yes love. Okay lang ako. Ikaw? Kanina ka pa ba?"

"Ahh. Kararating ko lang, may dinadaanan pa kase ako kaya ngayon lang ako."

"Onga pala love" sabi nya

"Hmm? Bakit? May sasabihin ka ba?"

"Ahh. Ano kase' kelangan kong bumalik ng states nextmonth."

"Huh? Bakit? Kelan ka babalik?"

"Babalik din ako. May kelangan lang daw kaseng sabihin yung manager ko sakin so i really need to go there. Pero you don't have to worry kase nextmonth pa naman" nkangiti syang sabi.

"You don't have to worry love. Sayo lang ako okay? Iloveyou" dagdag nya.

"I know. Ano pa nga ba magagawa ko?" sabi ko.

"Sa susunod isasama na kita don okay?"

"Okay" maikling sagot ko.

Nang nakita kong parating na yung prof ay bumalik na ako sa pwesto ko. Nweweirduhan ako sa katabi ko na si kenneth dahil kanina nya pa ako tinitingnan. Hanggang sa mag dissmiss at habang papalabas na kami ng campus ay pansin ko na tinatapunan parin ako ng tingin ni kenneth

"Okay ka lang? nag aalang tanung ni lloyd sakin habang nakahawak sa kamay ko.

"Yea--yeah. Im okay. Tara na uwi na tayo."
.

Adopted (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon