Chapter 30

165 3 0
                                    

Hindi ko na muna pinaalam kayna kuya yung nalaman ko about kay jeron. Kahit kelangan ko ng explanation galing kay jeron hindi na ako sumubok na tawagan sya ulit. Para san pa? Mabuti nalang din at hindi nagtatanung sina kate about jeron' dahil hindi ko alam kung kong anong sasabihin o isasagot ko pag nagtanung sila.

Andito ngayon sina kenneth sa bahay at niyaya akong gumala. Hindi naman ako nagdalawang isip na sumama sa kanila, gusto ko rin namang makalanghap ng hangin sa labas. Hindi ko na dinala ang kotse ko dahil dalawa naman ang dala nilang kotse.

"Mauna na kami" paalam ko kay kate at kay kuya.

"Sige. Mag iingat kayo. Susunod nalang kami ni kate don. Gagawa lang kami ng bata---araaay!" sigaw ni kuya. Hinampas na naman kase sya ni kate sa ulo nya.

"Pinaglilihihan mo ba ako? Napapansin kong lagi mo kong hinahampas. May galit ka ba sakin?" nagtatakang tanung nya kay kate. Hindi ko naman mapigilan ang mapatawa sa kanila. Sana makatagpo rin ako ng gaya ni kuya josh. Kahit minsan e moody.

"Baliw! E kung buntisin ko kaya yung muka mo. Konti palang ipon natin para sa kasal tapos buntis agad sinasabi mo. Akala mo naman madali magbuntis." pagsusungit ni kate sa kanya.

"Marami akong pera kaya kahit ilang anak kaya kong ibigay sayo---araaaay ko! Joke lang."

"Aalis na nga ako. Sunod kayo ni kuya ah." sabi ko kay kate at lumabas na nga ako ng bahay. Nakakahiya kayna kenneth na kanina pa nag iintay sakin.

Sa kotse ako ni kenneth nakasakay. Kasama namin si sophie na girlfriend nya. Sa wakas sa hinaba haba ng panahon e sinagot nya na rin tong si kenneth. Hinintay pa yata ako ni sophie bago sagutin tong si kenneth.

"Si g--grae ba pupunta din?" nahihiya kong tanung sa kanila. Simula kase nong dumating ako ay hindi ko na ulit nakita si grae.

"Ahh. Oo andon na sguro yun. Hindi na sya sumama sa pagsundo sayo e." sagot ni kenneth sakin

"Ahh. Ganun ba? Kenneth..."

"Ohh? Bakit?" tanung nya. Pansin ko naman na tinitingnan ako ni sophie kaya nginitian ko sya.

"Ga--galit parin ba si grae sakin d--dahil sa nang--nangyare dati?" utal utal kong tanung.

"Ano ba yang sinasabi mo? Hindi naman sya nagalit sayo. Hanggang ngayon pala sinisisi mo parin ang sarili mo sa nangyare sa kanya. Pero you have to worry. Kase never naman syang nagalit sayo." pagpapaliwanag ni kenneth sakin. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil don.

"Pero bakit ganon si grae? I mean he's different. Simula nong dunating ako. P--parang may nagbago sa kanya, pero hindi ko alam kong ano yun" sabi ko.

"Actually hindi rin namin alam. Hindi naman sya nagkkwento sakin. And hindi rin namin kami nagtatanung. Ayaw nya rin kasing pag usapan yung nangyare sa kanya noon. Nagulat nga ako kase ngayon lang sya ulit nagyayang lumabas." sagot nya. So si grae pala ang nagyaya na pumunta kami ngayon sa eastwood.

"Do you think he's okay?" tanung ko.

"Im sorry kung madami akong tanung." sabi ko dahil sa hiya.

"I thinks so" sagot ni kenneth sakin.

"E ikaw are you okay?" mahinang sabi ni sophie. Hindi ko nalang sya pinansin. Hindi na rin ako muling nagtanung kay kenneth hanggang sa makarating kami sa eastwood.

"Cr lang ako." sabi ko sa kanila ng makababa kami ng sasakyan at makapasok sa loob.

"Samahan na kita." sabi ni sophie sakin. Lumapit lang sya saglit kay kenneth para sabihin yung ioorder nya para samin.

Adopted (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon