Three years later...
"Grae Fernandez do you take Serra Mendez as your lawfully wedded wife in sickness and in health, for richer and for poorer, till death do us part?" the father asked grae
"Yes. I do father" sagot ko saka ako tumingin sa lalaking mamahalin ko at ako forever.
"Serra Mendez do you take Grae Fernandez as your lawfully wedded husband in sickness and in health, for richer and for poorer, till death do us part?" the father me. Mas hinigpitan ko lalo ang hawak ko sa kamay nya bago tumingin sa kanya.
"I do." nakangiting sagot ko. Pagkatapos namin mag bigay ng vow sa isa't isa at nangako kami na magsasama hanggang kamatayan ay nagsalita muli ang pari.
"And now you may kiss the bride" nakangiting sabi ni father kay grae. Wala pang isang segundo at lumapit sakin ni grae at hinalikan ako. Nagpalakpalakan at naghiyawan naman ang mga tao sa simbahan.
---
Im so excited sa honeymoon namin ni grae ngayon. We're here now at london 3 days kami mag sstay dito at pagkatapos ay lilipad naman kami papuntang korea.
Pagkarating namin ni grae dito ay agad agad din naman syang nagpahinga. I want to have a family now with him. Kasama ng magiging anak namin. Pero ano ba ang aasahan ko sa kanya ngayon? Well maybe he's just tired dahil ilang oras din ang byahe namin sa airplane. Siguro kelangan ko na rin munang magpahinga.
Pero lumipas ang tatlong araw namin sa london at ang isang linggo namin sa korea ay pakiramdam ko' bakasyon ang pinuntahan ang pinunta namin dito at hindi honey moon. Hindi ko alam kong ano ba ang nangyayare kay grae. Hindi ko naman sya tinatanung kase lagi nalang syang nagkukulong sa kwarto. At ngayon nakabalik na kami dito sa pinas at sana naman malaman ko na talaga kong anong problema ni grae.
"Kamusta yong honeymoon nyo? Siguro naman nakabuo na kayo?" nakangiting banat ni kuya josh sakin pagbaba ko ng kwarto.
"Bakit di nyo tanungin yong lalaking yon! Hindi ko alam kong ano problema non? Lumanghap lang yata kami don ng hangin e. Nakakainis!" naiirita kong sabi kay kuya.
"Ano--anong ibig mong sabihin? Wala pa rin bang nangyayare?---"
"Wala nga! Nagpakasal ako sa kanya kase gusto ko na' na bumuo na kami ng pamilya pero anong napala ko' nganga? Lumalabas nga kami, kumakain sa labas, pero pag bumabalik na kami ng hotel nag tatabi nga kami pero ganon lang. As in yon lang!" sabi ko.
"Baka naman pagod lang si grae" sabi ni kuya na mas kinainis ko
"Anong palagay nya sakin? Parehas lang naman kaming pagod sa byahe ah. Naiirita talaga ako sa lalaking yon! Hindi ko alam kong ano tumatakbo sa isip nya!" sabi ko kay kuya. Lumapit naman si kate sakin sabay abot ng tubig.
"Hayaan mo na muna si grae. Siguro may iniisip lang yon o baka naman wala pa syang balak na mag anak kayo dba' malay mo lang" sabi ni kate sakin.
"E bakit pa kami nagpakasal?!" galit kong sabi. Hindi sila sumagot ni kuya at tiningnan lang nila ako.
After 3 months...
Simula nga nong bumalik kami dito sa pinas ay wala paring nagbago samin ni grae though nagsasama kami ngayon sa condo na binili nya para samin pero pakiramdam ko parang may kulang, may mali. Kinausap ko na rin ang mommy ni grae pero wala nman syang sinasabi sakin. Lagi ko rin syang napapansin na tulala, biglang kukunot amg noo. At para bang may malalim na iniisip.
Naisipan ko ng bumangon dahil kelangan kong maghanda ng pagkain ni grae. Kelangan ko na ring pumasok sa boutique namin na pinatayo ni grae.
"Aalis na ako. Pag gusto mong kumain, kumain ka nalang. Nagluto narin ako ng ulam mo for lunch." sabi ko kay grae na hanggang ngayon ay nakahiga parin at hawak ang phone nya. Naghintay ako ng sagot nya pero parang nagsalita na naman ako sa posporo.

BINABASA MO ANG
Adopted (EDITED)
FanfictionDo we really need to disguise just to pretend and to avoid attention?