Chapter 21

205 3 0
                                        

From: Lloyd

Serra please. Please talk to me.

Hindi ko sinasadya. Please. Can we talk?

Magkita tayo bukas sa may park malapit sa inyo. Iintayin kita. Im sorry. Iloveyou.

Pagkabasa ko ng mag texts ni lloyd pinatay ko na agad ang phone ko. May rason pa ba para kausapin ko sya? Pupunta kaya ako bukas?

---

"10mins lloyd. I'll give you 10mins to talk." mahinahon kong sabi sa kanya. Andito kami ngayon sa park malapit sa bahay namin. Hindi ko sinabi kay kate at kay kuya na makikipagkita ako ngayon kay lloyd. Alam ko din naman na hindi nila ako papayag. Napag isipan ko na makipagkita sa kanya para narin matapos na ang lahat.

"Im sorry. Hindi ko alam--"

"Anong hindi mo alam lloyd?" tanung ko.

"Hindi ko sinasadya. Im sorry kung nasasaktan kita. Im sorry sa lahat ng ginawa ko.

"Diba sinabi ko na sayo na break na tayo!" sabi ko.

"Pumayag ba ako?! Hindi naman dba! sigaw nya sakin.

"Bakit kelangan ba? Lloyd wake up! Hindi na mangyayare ang gusto mo."

"Pinagsisisihan ko na lahat ng ginawa ko" mahinahon nya ng sabi.

"I already made my decision at hindi mo na mababago yun. At tama lang lloyd na magsisi ka. Sana inisip mo muna ako bago mo ako nagawang lukuhin ulit. Well nasa huli talaga ang pagsisisi. Pero tama na lloyd. Itigil na natin to. Ilang beses kong pinalampas lahat ng pananakit mo sakin. Kahit sinabihan na ako ng kaibigan ko noon na nambabae ka' hindi ko yun pinansin kase mahal kita, ikaw yung pinili ko kahit na ganon ang ginawa mo sakin noon. But you just wasted the chance that i given to you. And I'm sorry pero hindi parin magbabago ang isip ko. Hindi na kita babalikan." sabi ko at tatayo na sana ako ng bigla nya akong hawakan sa braso.

"Tama na yung mga pananakit mo sakin. At kung anong mangyare sayo, wala na akong pakialam pa. At sana ito na ang huli nating pagkikita." sabi ko ay tuluyan na akong umalis.

After one month

Mag ttwo weeks palang ako sa work ko. Unti unti na akong nakakalimot sa mga nangyare sakin netong nakaraang buwan. Every weekend kaming lumalabas ni kate at ng mga kaibigan ko. Minsan nakasama namin si ken manuod ng sine. Hindi nya parin alam ang tungkol sa pagiging sabrina ko.

Pauwi na ako samin ng bigla may tumawag sakin galing sa may likod ko.

"Ohh naligaw ka yata maxene?" nkangiti ko pang tanung. Aasarin kita ngayong malandi ka.

"I came here to see you. We need to talk!"

Wow! Sya pa yata tong galit, e siya na nga nanira ng relasyon.

"Talk? We are already talking maxene. Ano pa ba ang gusto mong sabihin? Pakibilisan kase nagmamadali ako."

"About lloyd--"

"Ahh. Si lloyd? Ohh bakit anong meron sa kanya? Hinahanap nya ba ako?" pang aasar ko pa.

"Nasira na ang career namin because of you! And--"

"Actually kulang pa nga yan e. Kulang pa yan sa panloloko nyo saking dalawa. At ikaw. Naliligo ka ba? Try mo baka sakaling mawala yang kati mo sa katawan. Atsaka wala na akong pakialam sa kanya, sayo at sa inyo. Kaya kung pwede ba huh' wag nyo akong kakausapin!" sigaw ko sa kanya.

Adopted (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon