Chapter 38

181 1 0
                                    

"Ma' daddy. K--kelan pa po kayo nakauwi?" tanung ko sa kanila. Kadarating ko lang galing marinduque at hindi ko alam na nakabalik na pala sila mama at daddy. Hindi manlang sinabi sakin ni kuya josh ang tungkol dito.

"Kahapon lang kami dumating. Kamusta ka na pala? Okay ka na ba? Kamusta si grae? Okay na ba kayo ulit?" sunod sunod na tanung sakin ni daddy.

"Im okay ma. Bakit hindi nyo po ako tinext o tinawagan na nakauwi na po pala kayo?" tanung ko habang nakayakap ako kay mama.

"Ayaw ka naming istorbuhin don kaya hindi na namin sinabi sayo. Pero si grae ba' nagkausap na ba kayo? Anong nangyare nong pinuntahan ka nya doon?" tanung sakin ni mama.

"Opo. N--nagkausap na po kami ma." pagsisinungaling ko.

"So alam muna kung ano nangyare sa kanya?" tanung ni kuya josh sakin kaya napatingin ako sa kanya bigla.

"A--anong nangyare?" naguguluhan kong tanung.

"I don't know kaya nga tinatanung kita e. Gulo mo!" sabi ni kuya kaya sinamaan ko sya ng tingin. Akala ko kong ano na naman ang nangyare. Kelan ko kaya sya makakausap ng matino.

Pagkatapos akong interviewhin nila mama ay umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga. Halos 10hrs ang binyahe ko pabalik dito.

Pagkagising ko nga ay nag tigil muna ako sa kwarto. Baka mamaya at lumabas ako ay magkita lang kami ni kuya. Im sure papakiusapan nya na naman ako about grae. Pero ng bigla akong makaramdam ng pagkabagot ay lumabas na ako ng kwarto at dumeretso ako sa kwarto ni kate para punatahan si kym.

"Mimmy" tawag ni kym kay kate.

"Pwede bang pumasok?" sabi ko habang nasa may pinto ako at nakasilip sa kanila.

"Yeah sure. Pwede naman, pag pasensyahan mo nalang muna tong kwarto masyadong makalat. Kamusta? Kumain ka na ba? Gusto mo bang samahan ka namin ni kym kumain sa baba?" tanung nya sakin

"Im okay. Hindi pa naman ako nagugutom. S--si kuya josh asan?" tanung ko.

"Nasa sm bumibili ng gatas ni kym." sagot nya.

"Kate." sabi ko habang inaalalayan nya si kym na tumayo.

"Ohh?"

"Mali ba yong' magmahal ka parin ng isang taong sinaktan ka?" seryosong tanung ko kaya napatingin sya sakin saka ngumiti.

"True to life?" natatawa nyang sabi.

"I mean are you really sure na niloko ka nya? Baka naman totoo yong sinasabi ni grae na misunderstanding lang yong nangyare sa inyo noon?" sabi nya

"I don't know." naguguluhang sagot ko.

"Akala ko ba lumayo ka para makapag isip ka' para malinawagan ka? E bakit sa tono mo ngayon e parang naguguluhan ka parin?"

"He kissed me." sabi ko sabay yuko.

"He told me na mahal nya ako. And misunderstanding nga lang daw ang lahat at.. at hihintayin nya daw ako na makabalik ako dito." pagkkwento ko.

"Yun naman pala. Alam mo' kung gusto mong masagot lahat ng mga taong mo dyan sa isip mo, siguro ito na yong time para mag usap kayong dalawa. Pakinggan mo lahat ng sasabihin nya. At sana this time e gawin muna talaga. Hindi yong bigla ka nalang aalis. Kung hindi pa sinabi samin ni grae na nasa isang probinsya ka daw e hindi pa namin malalaman." nakangiting sabi ni kate sakin

"E kanino nga ba nalaman ni grae kong asan ako?" pagtataka ko.

"Ewan ko. Hindi nya na nabanggit samin yon e. Tara sa baba kain tayo ng meryenda nagpadeliver daw sila mommy ng kfc e." yaya nya sakin. Kinuha ko naman si kym sa kanya at agad itong sumama sakin.

Adopted (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon