SI AMELIA PINEDA ay dalawampu't apat na taong gulang. Walang nobyo sa kasalukuyan dahil nagpapakaabala sa kanyang trabaho ngayon bilang Coordinator ng negosyo ng kanyang magulang: Ang Organized Happyness. Nagagamit ang kinuhang kursong B.S. Management na gaya ng inaasahan ng daddy niya. Sa totoo lang, ayaw niya ito. Itong lahat.
Lahat ng ginagawa niya bilang Coordinator ay ayaw niya. Dahil lahat ng miyembro ng grupo ng kliyente ay kukumbinsihin niya na makipag-ugnayan sa event na pinagdarausan. Katulad ng isang pagkakataon tungkol sa kasal ng kliyente na ang isang abay ay ayaw sumunod tungkol sa parade na gagawin patungo sa unahan. Hindi nakapagtimpi at binuntal ni Amy ang abay. Diretso ang kamao ni Amy sa ilong ng abay. Nagkagulo, ginamot ang ilong, nagpatawaran at nagkaayos. Pagkalipas ng ilang oras, ang abay na ito ay kasama sa parada sa loob ng simbahan na may plaster na nakatawid sa ibabaw ng ilong. Naalala pa ni Amy na ang abay na ito pala ay Maid of Honor kaya hindi na kailangan sa parada patungong altar.
Ayaw din niya ang trabahong ito. Kaya lang ginagawa ito ay dahil sa pagmamahal sa magulang.
Ayaw niyang humiwalay ng tirahan. Binilan siya ng isang yunit ng apartment sa isang gusali sa Shaw Boulevard. Binigyan ng kotse. Mayroon ding sweldo bilang empleyado sa Organized Happyness.
Ayaw din niyang makipagnobyo kaya nakipagkalas.
Ayaw din niya ang araw-araw na ruta ng ganitong buhay—opisina, mall, apartment. Nabuburyong siya sa ganitong rotasyong mula Lunes hanggang Linggo. Ayaw niyang manatili nang matagal sa kanyang apartment bagaman marami siyang maaaring gawin o ayusin sa paligid nito. Ayaw niyang laging nakikihalubilo sa mga empleyado bagaman hindi siya isnabera.
Sa karamihang inaayawan ni Amelia sa pangkasalukuyang buhay niyang ito ay may ginagawa siyang isang bagay na ibig niya—ang pagiging isang imbestigadora.
May ilang linggo bago makipagkita si Amelia sa kanyang kinakapatid na si Ma. Anna ay tinawagan niya muli si Lemery upang makipagkita, hindi upang mag-usisa tungkol sa training nito sa PNPA kundi sa isang mas mahalagang bagay. Bagaman date ang tawag ni Lemery sa tuwing magkikita sila, ay pinagbibigyan lamang ni Amelia. Nakaupo silang magkaharap sa isang mesa sa isang restawran sa ikalawang palapag ng Megamall—ang Gumbo. Inorder ni Amy ang Ultimate Seafood Feast, Seafood Lasagna, Jumbo Onion Rings, at Ice Tea.
"So, ano naman ang gusto mong malaman ngayon?" tanong ni Lemery nang nasa kalagitnaan na siya sa kanyang pagkain. "Masarap ang pagkain dito pero, mas masarap sana kung mag-beach tayo."
"You wish," panudyo ni Amelia.
"Pero, dalawa lang tayo."
Nangiti si Amy. "Nice try."
"Really, nagustuhan ko itong food nila rito. Nagugustuhan ko na rin ang pagkahilig mo sa sea foods. Pero, masarap din ang food kung nasa sea na tayo."
"Nice try, again."
"Sagot ko naman lahat, a. Sa Puerto Princessa o kahit saang lupalop ng Palawan mo gusto."
"Nice try, again. Sayang lang pera mo. Isama mo na lang sa savings mo."
"Savings? Para saan ba ang savings na ito, di ba't para sa iyo rin? Bakit pa ako manghihinayang gastahin para sa iyo?"
BINABASA MO ANG
PANGAKO NG SINGSING
Mystery / ThrillerTatlong sumpa ng hindi mangingibig. Nagkrus ang daan sa isang di inaasahang malagim na sitwasyon. Sangkot ang dalawang pulis, tatlong sanggano, at isang inosente. Saksi ang isang ilog. Saksi rin ang pangako ng singsing. ITO PO AY HINDI PA NAREBISAH...