NAGLALAKAD NA SILA papuntang ilog: Federico, Ma. Anna, Lemery, Amelia, Norma, at si Mang Domeng na isang Barangay Tanod na tour guide rin. Bago tuluyang pumunta sa ilog ay kinakailangang magparehistro sa barangay at magsasama ng isang tanod upang magsilbing giya at alalay. Ito ay isang ordinansang mahigpit na ipinatutupad ng Barangay Daraitan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga turistang dumarayo na maliligo sa ilog. Nagsimula ang panukalang ito, ilang taon na ang nakararaan, nang may nalunod na mag-ama sa ilog na yaon.
Kung susumahin ang buong paglalakabay ay nasa kalahating oras, humigit-kumulang, sa normal na paglalakad ng isang tao. Mula sa Barangay Hall ng Daraitan hanggang sa sementadong kalsada ay nasa ilang minuto lang, mula rito ay lupa na at mabatong daanan, maliban sa munting sementeryo na may mag nitso sa magkabilang daan.
Ang munting sementeryo ay may sampung metro ang haba sa magkabila ng daanan. Ang mga pangalan ng yumao ay nakalimbag sa bawat nitso at namumulagat na tila humihikayat na huminto at basahin ang kanilang mga panagalan, tunghayan ang kanilang himlayan, at maghagkis nang kaunting pananalita at hinagpis para sa kanilang mga kaluluwang umaantabay sa darating na kanilang kaarawan.
Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad lampas ng munting sementeryo, matutunghayan na ang isang karatula.
Maligayang Pagdating
TINIPAK
Sitio Cablao, Brgy. Pagsangahan,
General Nakar, Quezon
Local Tourism Council
Ang sukat ng kalaparan ng daan ay pabago-bago—isang dipa hanggang tatlong dipa—depende sa pagkanatural nito. Kung malupa, kaunting bato, mahalama't mapuno sa magkabila, ito ay mas makitid. Subalit kung mas mabato, kaunting lupa, mas kaunting halaman at puno, ito ay malapad. Ang mga batong madadaanan ay mapuputi at may mababanaag na mga maninipis na guhit na kulay pula, abuhin, dilaw at asul na kahawig ng marmol.
Mayroong mga malalaking batong puti na tila nanadyang harangin ang daanan dahil walang pagpipilian kundi tatawirin ito sa ibabaw. Mga batong puti na may paminsanang maninipis na guhit na nagsasalit-saltang kulay dilaw, pula, asul, at abuhin na gaya rin sa marmol. Dito ay nauunan si Mang Domeng, humimpil sa bahaging gitna ng isang malaking bato, at sinimulang umalalay sa kanila. Nauna si Norma, sumunod sina Lemery at Amy, at ang saka sina Rian at Perding. Nais maalangan ni Rian, inaalala ang tiyan. Nauna si Pedring sa ibabaw ng mas mababang batong puti, inilahad ang palad kay Rian, kumapit si Rian—sa paghawak na ito ay nais niyang iparamdam sa nobyo na nagtitiwala siya.
Pagkatapos ng mga batong ito ay lakarin pa na mahaba na may pakaliwa't pakanan. Sa pagbagtas ng daan ay matutunghayan din ang ilog sa gawing kanan, sa ibaba. Subalit hindi sa lahat ng bahagi ng daan na ito ay maaaring makababa sa ilog na ito at hindi pa ito ang bahagi ng ilog na kanilang pupunthan. Mayroon pa silang tatawiring maikli datapwat mapanganib na tulay.
Sa magkabila ay may halaman at mga punong hindi nila kilala maliban sa ipil-ipil. Sa kanang bahagi pa ng ilog na madadaanan ay may mga munting bundok na puno ng halama't puno. Noong una, akala ni Amy—palibhasa ay unang pagkakataon na makarating—ang mga munting bundok na ito ay lupa rin katulad ng pangkaraniwan. Ang mga munting bundok na ito ay mga bato rin ngunit itim na bato. Makikita ito kung sisilipin sa mga nagsasalitang mga puno't halaman. Ang munting bundok sa kaliwa ay sa gayon ding hitsura at kalagayan. At nagpatuloy pa sila sa kanilang paglalakad.
"Ferdie, may sasabihin sana ako sa 'yo, e," ani Rian. Magkahawak-kamay sila ni Pedring.
Napalingon si Pedring. Nais sanang itanong kung bakit iniba niya ang kanyang palayaw, ngunit... "Ano 'yun?"
BINABASA MO ANG
PANGAKO NG SINGSING
Mystery / ThrillerTatlong sumpa ng hindi mangingibig. Nagkrus ang daan sa isang di inaasahang malagim na sitwasyon. Sangkot ang dalawang pulis, tatlong sanggano, at isang inosente. Saksi ang isang ilog. Saksi rin ang pangako ng singsing. ITO PO AY HINDI PA NAREBISAH...