11 - SI LEMERY SERNA

120 10 5
                                    


"TOTOO BA LAHAT ito?" tanong sa kanya ni Amy habang tinitingnan ang mga litratong inilatag sa mesa ng kusina sa apartment niya. Nakaupo siya na ang nasa gawing likuran ang pridyider ngunit katabi niya si Amy.

          "Duda ka pa ba?"

          "Hindi naman sa ganoon, pero..." natigilan, sinapo ng dalawang palad ang kanyang mukha. "Hindi kapani-paniwala. It seems ridiculous!" Tumayo, lumapit sa kalan na dalawang hakbang ang pagitan sa mesa, tiningnan ang nakasalang dito.

          "Kahit ako, 'di rin makapaniwala, e. Pero, inulit ko ang surveillance at positibo pa rin ang result: Pumupunta siya ng clinic para sa regular check-up sa OB-Gyne. Swerte lang at kilala mismo ng isang pulis ko ang doktorang ito. At talagang confirm na buntis ang kinakapatid mo. Buntis si Ma. Anna." Tumayo siya at tangkang lalapitan si Amy ngunit mas mabilis ito sa kanya. Itinulak siya ni Amy dahil ng muling napauo sa silya. "Ano ba kasing niluluto mo? Doon na tayo mag-lunch sa Gumbo. Treat ko."

          Bumalik din sa silya si Amy, muling tiningnan isa-isa ang mga litrato. Malinaw na ebidensiya ang mga ito. "Just can't believe it. How could she do that to him."

          "Well, marami akong pulis na makapagpapatunay niyan," sabi niya. Luminga sa kaserolang nakasalang sa kala. "Ano ba 'yang niluluto mo, pamilyar ang amoy? Let's go to Gumbo."

          Nagsalita si Amy habang nakatingin sa mga litrato subalit hindi maintindihan ni Lemery.

          "Ano?"

          "Ang sabi ko niluluto ko ang adobong manok," sabi ni Amy sa mahinahong tinig.

          "Anong ibig mong sabi—"

          "'Di ba paborito mo ang adobong manok?" pakli ni Amy. Nilinga si Lemery. "Puwes, pinag-aralan ko pa'no lutuin." Balik sa mga litrato ang kanyang mukha.

          Ang isang kamay ni Lemery ay hinawakan ang sandalan ng silyang kinauupuan ni Amy at ang isa ay ang ilalim nito at saka hinilang palapit sa kanya at sinabing, "Ba't mo niluluto ang paborito kong ulam?"

            Napa-ay si Amy sa biglang paghila ng binata ng kanyang silya. Inilapag sa mesa ang mga litratong hawak. "Bakit, ayaw mo?" Halos dalawang dangkal ang agwat ng kanilang mga mukha.

          "Aayawan ko ba 'yan?" Inilapit pa niya ang mukha sa dalaga na ngayo'y walang isang dangkal. Naamoy na niya ang... "Amoy adobo ka na."

          "So?"

          Hinawakan ni Lemery ang mukha ni Amy. Hindi pumalag. Inilapit pa niya ang kanyang mukha, nakita niyang pumipikit nang marahan ang mga mata, dahan-dahang inilapat ni Lemery ang kanyang labi sa labi ng dalaga. Hindi pa rin pumalag. Isa lang ang ibig sabihin nito.

          Hindi nilaro ni Lemery ang kanyang labi sa labi ni Amy, kundi isang dampi datapwat nakatutok sa itaas na labi nito at hindi masyadong madiin ngunit sapat na upang maramdaman ng isa't-isa ang init ng kanilang mga labi at init ng kanilang katawan at ang mabilis ng tibok mga pusong nagtiis ng mahigit isang taon sa pananabik at pagpipigil at pagtitiwala.


          Nakahiga sila kapuwa ni Amy sa kama ng apartment nito. Kapuwa nakahubad subalit nakakumot hanggang dibdib. Si Amy ay nakahiga sa braso ni Lemery, habang ang isang kamay niya ay nakapatong sa dibdib ng nobyo at bakas ang ngiti sa kanyang mga labi. Ang isang kamay ni Lemery ay nakapailalim sa ulo, mga mata'y nakatingin sa kisame.

PANGAKO NG SINGSINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon