PROLOGUE

234K 3.2K 102
                                    

Copyright: endorphinGirl ©
Published: June 1, 2016

Warning: Medyo may pagka-SPG ang estorya ni Resha kaya for minors, be attentive and observe censorship

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Warning: Medyo may pagka-SPG ang estorya ni Resha kaya for minors, be attentive and observe censorship. Heheh!

♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦

🍽🍽🍽🍽◼️◾️◼️◾️◼️◾️◼️◾️◼️◾️CRAZY FRIENDS SERIES: Resha, the Delicate Cook

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

🍽🍽🍽🍽
◼️◾️◼️◾️◼️◾️◼️◾️◼️◾️
CRAZY FRIENDS SERIES:
Resha, the Delicate Cook.
◼️◾️◼️◾️◼️◾️◼️◾️◼️◾️

Nanginginig ang mga tuhod ni Resha habang nakayuko sa harapan ng kanilang Directress na si Sister Fe. Unang araw niya sa First Year High School pero kalaboso na siya sa Directress' Office, kasama ang kanyang limang kaklase.

Hindi pa siya napapatawag kahit kailan, ngayon lang. At mismong Directress pa kaya nangangamba siya.

Bagong lipat lamang siya sa Private Catholic School na iyon dahil nakapasa siya sa kinuhang scholarship exam na proyekto ng paaralan. Pinaghandaan niyang mabuti ang exam na 'yon kaya laking pasasalamat niya't pumasa siya. Mabait talaga ang Panginoon sa mga kapus-palad na kagaya niya.

Iyon ang unang tapak niya sa lungsod. Ipinanganak at lumaki siya sa probinsiya kasama ang kanyang Mama na tindera sa isang carenderya, ang kanyang Papa naman ay matagal nang namayapa. Naninirahan siya sa bahay ng kaibigan ng kanyang Mama at naninilbihan dito bilang working student.

Iyon ang unang araw ng pasukan nila. Naiyak nga siya kanina habang pumapasok dahil wala siyang kakilala kahit isa.

Ganoon talaga siya, takot at mahina ang loob. Takot siyang makihalubilo dahil baka hindi siya matanggap ng mga tao. Na baka husgahan siya dahil hindi siya mayaman pero nasa isang Private School siya. Na wala siyang maipagmamalaki.

Lagi kasi siyang kinukutya dati dahil mahirap lang sila. Sa tuwing papasok kasi siya sa eskuwela ay mga pinaglumaang bag at notebooks pa rin ang gamit niya.

Ang uniform niya pa ay tagpi-tagpi tapos ang medyas niya ay may mga butas na. Hindi niya magawang magreklamo sa kanyang Mama dahil hirap din ito sa pagtataguyod sa kanya.

SHOTGUN MARRIAGE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon