CHAPTER 46

104K 1.9K 151
                                    

Isang linggo ang matuling lumipas. Naglalakad si Resha sa ilalim ng mga punong mangga habang hinihimas ang malaking tiyan.

Isang linggo na ang nakakalipas magmula nang itaboy niya si David sa buhay niya. Umalis ito ng mansyon at umuwi na ng Manila. Nasaktan siya at mabilis itong sumuko. Patunay lang iyon na hindi totoo ang sinasabi nitong pagmamahal sa kanya.

Masakit isiping iyon na ang huling sandali ng kanilang pagsasama. Tiyak niyang magkikita at magkikita pa rin sila nito dahil bayaw ito ni Guia. Hindi na siguro mawawala ang pagmamahal niya rito. Babaunin na niya iyon hanggang sa kamatayan. Sigurado siyang ito lang ang tanging lalaking iibigin at mamahalin niya.

Sana lang, kapag nagpasiya na itong magpakasal sa iba ay matanggap niya agad. Alam niyang masasaktan siya, habang buhay na daranasin niya iyon. Hinihiling niyang sana'y lumigaya ito. Mahanap sana nito ang babaeng makapagbibigay ng pag-ibig na hihigit pa sa naibigay niya.

At sila ng anak niya, sana'y mamuhay sila ng payapa at masaya. Babae ito. Nalaman na niya ang kasarian nito noong isinugod siya ni David sa ospital. Kagaya ni Dan-dan, palalakihin niya ito ng puno ng pangaral at pagmamahal. Hindi niya hahayaang matulad ito sa kanya. Umasa at nabigo.

Nang mapagod sa paglalakad ay nagpasiya na siyang umuwi. Agad siyang pumanhik ng kuwarto at nagbihis saka natulog. Kailangan na niyang magpahinga. Napuyat siya sa kakaisip kay David nang nagdaang gabi.

--------------

Naalimpungatan si Resha nang maramdamang may mga labing masuyong humahalik sa kanyang leeg mula sa likuran. Nakapulupot din ang mga braso nito sa kanyang tiyan. Kinabahan siya at agad na nilingon ito.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita si David. Namumungay ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Medyo mahahaba na ang mga balbas nito at nanlalalim ang mga mata.

"D-david!" gulat na bulalas niya.

Matamlay itong ngumiti saka ginawaran siya ng halik sa noo. Agad na naitulak niya ito.

"A-anong ginagawa mo rito? K-kailan ka pa dumating?" sunod sunod na tanong niya.

Hindi ito sumagot bagkus ay mahigpit na niyakap siya mula sa likuran. Ibinaon nito ang mukha sa leeg niya.

"I missed you, My love," bulong nito.

Parang may humaplos na mainit na bagay sa puso niya sa sinabi nito.

"D-dala mo na ba ang mga papeles para sa annulment?" sa halip ay tanong niya. Malamang ay iyon ang sadya nito kaya ito bumalik.

"I cancelled our annulment. I'm planning to marry you in the church next month."

Napaawang ang mga labi niya sa sinabi nito. Sinamantala naman nito iyon at hinuli ang mga labi niya upang gawaran siya ng masuyong halik. Muntik na siyang matangay kung hindi lang siya nakapagpigil at buong lakas itong itinulak.
Nakita niyang mukhang nasaktan ito sa ginawa niya.

"Resha, naman..." malungkot na saad nito. "Hindi mo ba nakikitang nahihirapan na ako? Kita mo ngang nangangayayat na ako sa kakaisip sa 'yo. Di na ako kumakain, hinahanap ko ang mga luto mo."

Nakagat niya ang mga labi sa nakikitang paghihirap sa mukha nito.

"Anong nangyari sa 'yo? Bakit ka pa bumalik? Hindi ba sabi ko, iwan mo na ako? Hanapin mo ang totoong magpapaligaya sa'yo," mahinahong sabi niya rito.

Tumitig ito ng matagal sa kanya. "I followed what you said. I hardly follow anyone's order you know, but I listened to you. I tried to live my life like I used to. I tried to find my happiness like you said. But as I find myself alone, I ended up thinking about you. I can't sleep knowing you want to move on with your life without me. Because, Resha, I can't live my life without you. I really fell for you so hard. It kills me to know that you dont want me anymore, because I still want you so bad. I love you so damn much..."

Nangingilid ang mga luha niya sa paghihirap sa boses nito. Ang utak niya'y inuutusan siyang huwag magpadala sa matatamis na salita nito ngunit ang puso niya'y kinakastigo ang kanyang utak. Nakikita niya ang sinsiredad sa mga mata ni David.

Nagpatuloy ito.
"So I came back. I will stay with you even you keep on pushing me away. I will not give up until I finally have you back. I swear to God, Resha, I'm gonna take you again. I promise to be a good husband to you and a good father to our children. I'm not gonna hurt you again, I'll respect and love you like you always deserve," pumiyok pa ang boses na sabi nito.

Hindi na niya napigilan ang sariling hilahin ang batok nito at gawaran ito ng masuyong halik sa mga labi. Halos sumabog ang puso niya sa kaligayahan. Hindi na niya pipigilan ang puso niyang umasang totoo ang mga sinasabi nito. Kung masaktan man siya muli, tatanggapin niya iyon dahil pinili niya ang pagmamahal dito kaysa palayain ito.

Taking risk is a part of loving someone ika nga.

Kinuha nito ang kamay niya saka iyon hinawakan nang mahigpit.
"I know we had a bad start. I'm really bad in expressing myself you know. But I promised, I'll treat you like a queen. I treated you like a rag before, which I regretted hard. You dont deserve that. You're a queen, My love. You are the best thing that ever happened to me..." madamdaming sabi nito saka hinalikan ang kanyang kamay.

Hilam na ng mga luha ang mukha niya. Punong-puno ng kagalakan ang puso niya.

"Mahal din kita, David. At pinapatawad na kita," nakangiting sabi niya.

Nagliwanag ang mukha nito at agad siyang niyakap saka hinalikan sa mga labi. Gumanti siya ng mas mahigpit na yakap at mas mainit na halik dito.

Sa wakas, natapos na ang paghihirap niya. Natutunan na rin siya nitong mahalin. Punong-puno ng pag-asa ang puso niya para sa kanilang dalawa at sa magiging anak nila.

Finish

••••••💼🍲••••••

SHOTGUN MARRIAGE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon