CHAPTER 19

78.1K 1.7K 19
                                    

Ilang oras ding nagkulong si Resha sa cubicle ng CR bago lumabas. Wala na ang mga babaeng naulingan niyang nanlibak sa kanya kanina. Tumigil na rin sa pagtulo ang mga luha niya. Inayos niya ang sarili sa harapan ng salamin saka nagpasiyang lumabas. Akmang babalik siya sa hardin nang mamataan ang isang lalaking inaalalayan si David na umakyat sa grand staircase ng bahay.

Mukhang lasing na lasing si David dahil nahihirapan na itong tumayo ng tuwid. Kasunod ng mga ito si Abby na karga ang anak niyang tulog na. Agad na nilapitan niya ang mga ito. Hindi niya alam kung ano ang uunahin; ang daluhan si David o kunin ang anak niya kay Abby. Sa huli ay nagpasiya siyang lapitan si Abby.

"It's okay,Resh. Leave Dan-dan to me. He's gonna sleep in my room. Take care of Dave, he's drunk as a bull," ani Abby.

Alumpihit na tumingin siya kina David at sa kasama nitong lalaki. Akmang hahawakan niya si David nang biglang magsalita ito nang nakapikit.

"Go to hell! Don't touch me with your filthy hands, you bitch!" asik nito sa kanya saka malakas na pumiksi.

Napapahiyang tumingin siya sa lalaking nakaalalay dito. Nakakaintinding ngumiti naman ito.

"Hey, man, you're drunk! That's your beautiful wife," biro ng lalaki kay David habang dahan-dahang humahakbang paakyat ng hagdanan.

"My wife is a bitch, Archie! She ruined my life!" patuloy na litanya ni David. Nanikip ang dibdib niya sa tinuran nito.

"Shut up,Man. You don't know what you're talking. Have a sleep, okay?" sa halip ay sagot dito ng lalaki at hindi pinakinggan ang masasakit na salitang lumalabas sa bibig ni David.

"Don't listen to him, Resha. He's just drunk. Just open the door for him," narinig niyang sabi ni Abby sa likuran niya.

"H-hindi ko alam k-kung nasaan ang room niya..." nahihiyang pag-amin niya kay Abby.

Mukhang nakakaintinding nagpatiuna naman si Abby at giniya sila kung saan ang kuwarto ni David. Nang makapasok sila doon ay agad na hiniga ito ng lalaki sa kama saka iniwan siya ng dalawa kay David na mag-isa. Nakatingin siya sa pintong pinaglabasan nina Abby na tila doon humahanap ng sagot kung ano ang gagawin niya sa lasing na asawa.

Napaigtad siya nang matamaan ng matigas na bagay sa ulo. Pagtingin niya sa sahig ay nakita niyang sapatos iyon ni David. Napatingin siya sa lalaki. Nakapikit itong nakahiga habang sinisipa ang paa upang matanggal ang isa pang sapatos nito. Kaya siguro iyon tumama sa kanya dahil lumipad iyon sa lakas nang pagkakasipa nito.

Nagpasiya siyang lapitan ito at tulungang tanggalin ang isang sapatos nito. Pulang-pula ang mukha nito, tanda ng matinding kalasingan. Nagtataka siya kung bakit ito naglasing samantalang maayos naman ito kanina. Nang matanggal niya ang sapatos nito ay sumampa siya ng kama at tinanggal ang coat nito. Mabigat ang katawan nito kaya kailangan niya pa itong itulak upang mapagtagumpayang matanggal ang coat nito.

Sumunod niyang tinanggal ang kurbata nito saka kinalas sa pagkakatali sa leeg nito. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang isa-isang tinanggal ang mga butones ng polo nito. Baka biglang magising ito at pag-isipan siya ng masama.

Nang makalas lahat ng butones ng polo nito ay tumambad sa kanya ang maskuladong pangangatawan nito. Napaupo siya ng tuwid saka ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Napatingin siya sa pantalon nito.  Dahan-dahan niyang kinalas ang pagkaka-buckle ng sinturon doon.

Nasa ganoon siyang aktuwasyon nang biglang gumalaw ito at umiba ng posisyon. Kinilabutan siya nang masagi ng kamay niya ang pagkalalaki nito. Lumakas ang pintig ng puso niya. Agad siyang umalis sa kama at nagpunta sa banyo upang pakalmahin ang sarili.

Nang makakita ng maliit na basin ay pinuno niya ng maligamgam na tubig iyon saka naghanap ng bimpo. Nang makakita ng bimpo ay binalikan niya ang lalaki saka dahan-dahang pinunasan ang mukha nito.

SHOTGUN MARRIAGE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon